Nang imulat ni Logan ang kanyang mga mata,naramdaman nya agad ang konting pagkahilo. Pumikit sya at huminga ng malalim bago nya ulit dahan-dahan na binuksan ang mga mata. Without turning his aching head,hinayaan nya muna ang mga mata na libotin ang paningin sa apat na sulok ng kwarto.
At first he saw a woman out of the corner of his eye, at ang akala nya nanaginip lang sya. Kaya kinusot-kusot ni Logan ang kanyang mga mata,pero naroon parin ang babae. Nakaupo ito sa isang rocking chair few feet from bed. Hindi nya masyadong na-aaninag ang mukha ng babae dahil sa liwanag na nagmumula sa labas ng bentanang nakasentro sa kanya. Pero sa natatanaw nya sa babae parang kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng kanyang buhok.
Kumurap-kurap si Logan,nagtataka sya sa lugar kung saan naroon sya. Where in hell was he? Nang ilibot nya muli ang paningin sa paligid,napansin nya na isa pala itong old-fashioned room, parang bumalik yata sya sa nakaraang panahon dahil sa klase ng kwartong nakikita nya.
Bigla naman syang nakaramdam ng sakit ng ulo. Hindi nya gaano ito magalaw dahil sa sakit nito. What the hell had happened to him?
Natatandaan nya ang malakas na ulan. Pati ang pagkasubsob nya sa maputik na damohan ay natatandaan nya rin. He remembered the scent of grass and earthy soil, at higit sa lahat natatandaan nya ang amoy ng basang rosas from somewhere.
Lalong kumikirot ngayon ang sakit ng kanyang ulo. Logan closed his eyes tightly and tried to turn over to alleviate the pain in his head. Pero sa aktong paggalaw nya, something held him down, dahil hindi nya maigalaw ang kanyang mga paa. Nang mapatanto nyang nakatali pala ang mga kamay at paa nya, he opened his eyes and frowned. Hindi talaga sya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya lalo na't nakatali sya ngayon sa kama.
"What the heck?"he muttered.
Nagpupumiglas sya sa tali habang panay naman ang pagmumura nya. And even though his movements caused the pain in his head to become even more excruciating,pinilit nya paring makawala sa tali.
Napalingon sya sa gawi ng babae nang bigla itong tumayo sa kinaupuan nitong rocking chair. Hindi rin naman sya linapitan ng babae, napako lamang ito kung saan sya nakatayo. She was looking at him fearfully, as if he were the devil come to life.
At bakit naman matatakot sa kanya ang babae? In fact, sya pa nga ang nakatali na parang manok na aasalin.
"Please,huminahon ka."she whispered to him. Pero hindi pa rin ito lumalapit sa kanya."Wag ka nang magpupumiglas. Masasaktan mo lang ang sarili mo."
Tumawa lamang si Logan ng mapakla.
"Hurt myself?"sabi nito,his tone incredulous."Darlin,sa tingin ko may gumawa na sakin non."sarkastikong pahayag ni Logan.
Ang kauna-unahang bagay na napapansin ni Hanna sa lalaki ay ang accent nito. Naisip kasi nya na kung taga Santa Rita nga ang lalaki, may accent ito na katulad ng mga taga roon. Pero sa napansin nya straight naman ito mag tagalog, so she jump into a conclussion na taga Manila nga ito.
"I'm sorry na tinali kita. Natatakot kasi ako na bumangon ka habang natutulog pa ako coz you might injure yourself."pagsisinungaling ni Hanna.
Now that the man was awake and staring at her with those angry eyes,hindi naman nya pwedeng sabihin sa lalaki na itinali nya ito dahil natatakot sya sa kanya.
Pero talaga namang takot sya sa lalaki. Seeing those furious eyes made her even more fearful than before.
"Look"sabi ni Hanna."Bakit hindi mo nalang sabihin sakin kung sino ka at anong nangyari sayo, para naman--"
Pero napakunot-noo lamang ang lalaki at umiling-iling ito. Nakita nya ang pagkalito sa mukha nito habang nililibot nito ang paningin sa loob ng kwarto.
"What the hell's going on here?"he muttered. Napansin nyang pinagpawisan ang mukha ng lalaki habang bigla naman ang pamumutla sa balat nito.
"Okay ka lang ba?"tanong ni Hanna sa lalaki. She moved toward the bed."May masakit ba sayo or--"
It was his eyes that stopped her. Those cold, brown eyes ang pumipigil sa kanya na lapitan ang lalaking iyon.
"Ano ba ang pinainom mo sakin?..did you drug me?"matigas ang boses ng lalaki na nagpapitlag kay Hanna.
"Wala naman akong pinainom sayo na kahit ano..of course I didn't drug you."
Nakikita nya ngayon ang pagkalito at pagka alarma sa mukha ng lalaki base na rin sa pinapakita nitong ekspresyon.
May mental problem kaya ito? Takas kaya ang lalaking ito sa Mental Hospital?
"Mabuti pang sabihin mo nalang sakin ang pangalan mo."mahinahong sabi ni Hanna.
"I'm.."napakunot-noo ulit ito at umiling-iling. His mouth opened as if to speak, pero wala paring salita na lumabas sa bibig nito.
"Yon nga ang problema eh"sa wakas nakapagsalita rin ito."Hindi ko alam..Hindi ko alam ang pangalan ko."at napatitig lamang ang lalaki sa kanya.
Napakagat naman si Hanna sa kanyang pang-ibabang labi, at napatitig na rin sa lalaki. Pero naniniwala sya nito. The desperation and confusion on his face could not be faked. Besides, bilang isang nurse, she knew that short-term amnesia was not uncommon with a head wound, not to mention the trauma he'd obviously experienced last night.
Napabalik naman sya sa realidad ng magsalita ulit ang baritonong boses.
"Kalagan mo ako"he demanded. At sa isang iglap lang nawala ang pagkalito sa mukha nito dahil napalitan ito ng galit."Cut these..these damn things!"singhal nito habang nagpupumiglas na lalo lamang nagpapahigpit sa tali nito.
"Wag! Wag kang gumalaw"Hanna said,reaching out.
"Look darlin, Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang gusto mo, or kung sino ka, ang gusto ko lang ay ang makawala rito. Kaya please, pakawalan mo na ako."
Samantala,naninigas naman si Hanna sa kinatayuan nya. Nakaramdam kasi sya ng awa sa lalaki, at alam rin nyang nagsasabi ito ng totoo..Pero tama kaya na pakawalan nya ang lalaking ito?..pagkatapos nyang makita ang galit sa mga mata nito.
"Hindi ba yon klaro ang sinabi ko sayo Miss?"angil nito,at patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas."Saan pa ba ang ibang kasamahan mo? Sabihin mo nga sa boss mo na gusto ko syang makita..Agggh..!"he gasped as a pain shot from his ribs all the way to the top of his head.
Pinilit ni Logan na ipikit ulit ang mga mata, and lean his head back against the pillow.
"Please..huminahon ka muna"sabi ni Hanna."You're making absolutely no sense. Sa tingin ko nagka amnesia ka..dahil na rin sa sugat sa iyong ulo. Pero yang sinasabi mong boss wala talaga akong ideya nyan."
"Oh! that's cute"sabi naman ni Logan."I'll have to give you credit baby,kunyari pa inosente ka pa."
"Ano?"gulat na tanong ni Hanna,blinking against his sarcastic accusations.
"Look"sabi ng lalaki na halatang iritado."Alam kung may bumuhat sakin dito sa kama. At hindi mo ako mapapaniwala na ikaw lang ang bumuhat sakin."sabi pa nito,at tiningnan si Hanna mula ulo hanggang paa.
"Pwes,wala na akong magagawa sa maniwala ka man o hindi."sagot naman ni Hanna. Hindi nya alam kung ano pa bang dapat nyang ipaliwanag sa lalaki gayong puro pagbebentang sa kanya ang lumalabas sa bibig nito. Nag dedeliryo ba ito?
"Pero yan naman talaga ang totoo eh. I dragged you here in the bed all by myself."
"Yeah,right"
Samantalang minamanmanan lang ni Logan si Hanna. Her actions were suspicious even now. After all,she had tied him up. At sa tingin ni Logan kaya hindi lumalapit ang babae sa kanya ay marahil takot ito kung sakali mang makawala sya sa kanyang tali. Ang ipinagtataka lang nya sa babae kung bakit nakatakip ang buhok nito sa kalahati ng kanyang mukha tuloy hindi nya masyadong na-aaninag ang pagmumukha nito. Siguro sinadya lang din yon ng babae para hindi nya ito mamumukhaan.
"Kalagan mo na ako"sabi ni Logan,cursing again and pulling against his restraints.
"Hindi pwede"sagot naman ni Hanna. Hindi nya kasi alam ang gagawin. Doubts swirled around in her head. Kahit paman sugatan ang lalaki hindi pa rin ibig sabihin na hindi na ito mapanganib. But the thought of keeping him tied, of keeping anyone tied was repulsive to her. Eh hindi nga nya kayang makita ang kahit na anong hayop na nakakulong, tao pa kaya na nakatali. Pero sa mga titig kasi ng lalaki--nakikita nya ang panganib na nagpatakot sa kanya upang hindi nya agad ito pakawalan.
"Damn it"pagmumura na naman nito.
"Makinig ka sa akin"sabi ni Hanna. She crossed her arms over her chest, and took one step backward, away from the intensity of his eyes.
"Isa akong nurse at dito ako nakatira. Napakasama ng panahon kagabi kaya nga wala tayong ilaw ngayon dahil naputol ang koneksyon ng kuryente. Hanggang sa nakita kita sa may veranda, sugatan at walang malay, at nakagapos pa ang mga kamay mo sa iyong likod."
Napakunot noo ang lalaki at napatingin naman ito sa sugatan nitong mga kamay.
"Wala akong ideya kung sino ka. Pero tinulongan kita sa abot ng aking makakaya. Still, I'd be a fool dahil nagpatulog ako sa aking pamamahay ng isang tao na hindi ko kilala. Now I'm sorry if you're uncomfortable, but--"
"Uncomfortable?"he growled. At napatingin ito sa kanya na parang sya pa ang baliw."Uncomfortable lady, is hardly the word I'd use to describe how I'm feeling at this moment."
"Hindi mo na kailangang magtagal rito."sabi ni Hanna na parang nayanig sa galit nito.
"Really?"he drawled,his voice sarcastic."So what are you waiting for--the marines?"
"Your sarcasm is not going to make me trust you any quicker."she said quietly."As soon as the phone is back, tatawag ako ng pulis at tsaka--"
"Wag!"pigil ng lalaki kay Hanna."Wag kang tatawag ng pulis, at wag kang tatawag ng doctor."
Napailing-iling na lamang si Logan sa kanyang ulo. Hindi nya alam kung saan nya nakuha ang salitang iyon, but intuition told him not to trust anyone. Kahit pa sa mga pulis o doctor.
Napabuntong-hininga nalang din si Hanna.
"At bakit naman?"gulat na tanong nya,nadagdagan tuloy ang pagdududa ni Hanna sa lalaki.
"Hindi ko alam kung bakit"sabi ng lalaki at napaisip ito ng malalim."Intuition"kibit-balikat na sabi nya."Yan lang kasi ang naisip ko sa mga sandaling ito..Ngayon, hihilingin ko sayo na pagkatiwalaan mo ako."
Napahalakhak naman ng tawa si Hanna.
"Pagtitiwalaan kita?"tanong nya.
"I guess you'd be a fool dahil pinapasok mo ang isang estranghero sa loob mismo ng iyong bahay."sabi naman ni Logan. Sana lang mas maklaro pa nya ang pagmumukha ng babae. At maisipan na nitong lumapit sa kanya para naman makita na nya ang itsura nito.
"Tama ka nga"pag sang-ayon pa ni Hanna.
"Pero hindi,sa tingin ko isa ka lang good samaritan"sabi rin ni Logan, his voice becomes husky.
Nagulat naman si Hanna sa biglang pag-iba sa boses ng lalaki.
What was it in his voice? A hint of flirtatiousness...or a seductive flattery?
Siguro nagpapa charming lang ito sa kanya,naisip ni Hanna. Pero sorry nalang,hindi ito bumebenta sa kanya,bulok na kasi ang estelo na ginamit nito.
"Pero may nalalaman akong isang bagay."pagpatuloy pa ng lalaki.
"Ano yon?"agad na tanong nya.
"Kung gusto mo talagang tumawag ng pulis,sa palagay ko hindi ka talaga involved sa mga taong gustong pumatay sakin."
"Diba sinabi ko na sayo na hindi"
"Pero tandaan mo Miss"sabi nito na napakunot ang noo."Hindi kita kilala, at mas lalong hindi mo ko kilala."
"Totoo nga"pag sang-ayon pa ni Hanna.
"Pero tapatin mo nga ko."sabi ng lalaki at inilibot nito ang paningin sa paligid."Swerte ba ako dahil dito ako sa bahay ng isang ‘nurse’ napadpad?"
"Nagsasabi ako ng totoo,isa nga akong nurse."sabi nya,without realizing na hinahawakan pala nya ang peklat sa kanyang kaliwang pisngi."Pero ang totoo,I haven't practiced nursing for five months now. Kaya nga mas mapanatag ang loob ko kung tatawag tayo ng doctor."
"Para mas ligtas?"he asked,his eyes glinting at her.
"Yes,para mas ligtas"pag amin pa nya.
"But sorry darlin..ayoko ng doctor."
Napapitlag naman si Hanna sa ma awtoridad nitong boses. He might not know who he was, but he certainly seemed to know what he wanted."Sa tingin ko,wala ka sa posisyon para sabihin sakin yan."pang hahamon na sabi ng dalaga.
Steady lang naman ang lalaki habang tinitigan nito si Hanna.
"Hindi ka naman habang buhay na gising."anito,his voice quiet...deadly.
Hanna shivered. May something talaga sa mga mata nito na nagpatakot sa kanya. Pero gayunpaman,sinuklian nya pa rin ang mga titig nito.
"May gustong pumatay sayo"sabi pa ni Hanna."Ginawa ko na ang lahat upang matulongan ka, but you have this memory loss, which could be a sign of something even more serious. Sana hinayaan mo nalang ako na--"
"I said no!"pagtutol pa ni Logan habang pinanlalakihan nya ng mga mata si Hanna. Then, hinayaan nya ulit ang mga mata na libotin ang paningin sa apat na sulok ng kwarto habang pinagmamasdan nya ang faded wallpaper at mga antigong kagamitan sa loob.
She didn't belong here, he was sure of that.
Pero saan naman sya nababagay? She'd said it was where she lived, parang hindi lang kasi nababagay ang lugar sa kanya. If this wasn't her home, kaninong bahay naman ito? at bakit mag-isa lang syang nakatira dito? nagugulohang tanong ni Logan sa sarili.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo Miss?"tanong nya,turning his gaze back to her. Napansin nyang maputi ang complexion ng babae,parang namumutla nga ito sa taglay nitong kaputian. She was petite and fragile and quite beautiful from what little he could see.
But it was her eyes that captured his attention. They were big and expressive. Subalit,nakikita ni Logan ang lungkot sa mga mata nito, kaya nagtataka sya kung bakit.
"Ako si Hanna Galvez"walang pag-aalinlangang sagot nito.
"Hanna"banggit ni Logan sa pangalan ng dalaga,his voice deep and low.
Nag blushed naman si Hanna.
There it was again, that hint of something in his voice. Naisip ni Hanna na nagpapa charming nanaman ang lalaki sa kanya, and that made her feel jumpy and self-conscious. Na para bang hinahawakan sya nito..Na para bang kilalang-kilala na sya ng lalaki at kaya nitong basahin kung anuman ang nasa utak nya.
"Well,Hanna Galvez"sabi nito sa mahinahong boses."I can't help noticing that someone has undressed me."at yumuko ito para tingnan ang kanyang kahubdan na tanging kumot lang ang nakatakip."And since walang iba tao rito,so I presume na ikaw nga yong naghubad sakin."
"Ako nga"taas noong pag amin ni Hanna habang sinalubong nya ang mga titig ng lalaki."Sino pa nga ba. Basang-basa ka at basang-basa rin ang mga damit mo..eh wala namang malisya yan sa aming mga nurse."dagdag nyang sabi.
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag."sabi nito na may tonong panunukso."But since ayaw mo naman akong pakawalan,I suppose you'll just have to help me with a few things."
Nalilitong tinitigan naman ni Hanna si Logan.
"Gaya nalang na pupunta ako ng banyo."
"O-oh sige"nauutal na sagot ni Hanna.
Lalapitan na sana nya ang lalaki ng mapatanto nya ang peklat sa kanyang kaliwang pisngi,ayan tuloy na ko-concious na naman sya. She couldn't understand why he made her feel so unfocused and embarrassed. She had helped male patients with every intimate bodily function imaginable. At this point there wasn't much about the male anatomy that she didn't know.
Pero bakit sa lalaking ito bigla nalang syang nakaramdam ng malisya,bulong nya sa sarili.
"All right"sabi nya sa wakas."kakalagan na kita"
Kumuha muna sya ng roba mula sa cabinet para ipasuot nya sa lalaki. Pagkatapos,linapitan nya ito para kalagan sa kanyang mga tali.
"Isusuot mo to. Babalikan nalang kita para maalalayan kita sa bathroom."
"Hindi na kailangan,kaya ko na ang sarili ko."
Hanna detected an intense pride in his voice na nagpagulat sa kanya,sinagot naman nya ito sa mahinahong paraan.
"Don't be foolish about this. Ang sabi ko babalikan kita para aalalayan."
Without looking at him, kinalagan agad ni Hanna ang mga kamay ng lalaki at agad na sinunod nya sa pagtanggal ang tali nito sa kanyang mga paa. Her arms brush against his cold feet and she felt a twinge of guilt.
As soon as he was free she backed away, nang sa ganon hindi makikita ng lalaki ang kanyang tinatagong scarred face. He moved his legs restlessly and rubbed his hands against the bed covers to restore their circulation.
Hanna glanced at him once, then dali-dali syang lumabas ng kwarto. Baka kasi may makita pa syang kung ano doon pag tinanggal na ng lalaki ang kumot, tsk..mahirap na. She had the feeling also that he was used to doing pretty much as he pleased where women were concerned. Ang hindi lang nya maintindihan sa sarili kung bakit sya nag-iisip ng ganon.
Naghintay muna si Hanna ng ilang segundo na makapagbihis ang lalaki sa binagay nyang roba bago nya nakuhang katokin ang pintuan sa kwarto nito. When she heard his muttered reply for her to come in,agad naman syang pumasok. Nang makita nya ang lalaki na nakatayo, she didn't know how he managed to stand by his own,although he looked a bit unsteady.
He was taller than she thought. Akala nya 6'4" lang ang lalaki,pero parang mas higit pa don. He looked even more powerful standing than he had in bed.
Linapitan nya agad ang lalaki para alalayan ito,hesitating only a moment before getting close. She was careful to position herself na hindi makikita ng lalaki ang tinatago nyang scarred face as she helped to support him. Inakbay naman ng lalaki ang isang braso nito sa balikat ni Hanna. Mabigat man ito,pero hindi na lamang ininda ni Hanna iyon ng pasuray-suray itong maglakad. Alam nya kasing mahina pa rin ito pero ayaw lang nitong aminin.
Mabilis lang naman sila nakarating sa banyo. Maliit lang kasi ang bahay bakasyonan nila, meron lang itong apat na kwarto at isang banyo. Pero kahit mabilis lang nya itong maihatid sa banyo,napansin pa rin nyang pinagpawisan ito habang naglalakad sila.
"Talaga bang kaya mo na?"she asked doubtfully.
He gave her a wry look and grunted, then with gritted teeth, he pulled away from her. Na stumble ang lalaki pero mabuti nalang at mabilis itong nakakapit sa door frame. Napansin naman ni Hanna na namumutla ito at nababahala talaga sya na kung di nya ito sasamahan sa loob ng banyo baka madulas lang ito. Pero alam din nya na matigas ang ulo ng lalaki at mas lalong ayaw nito na isama sya sa loob ng banyo, nurse man sya o hindi.
Hindi naman nya maiwasang mapangiti habang pinapanood nya ang lalaki na pumasok sa banyo. Pumunta na lamang sya doon sa front door at nagmasid sa labas. Sa nakikita nya, kakasikat pa lamang ng araw at napangiti naman sya ng makita nyang tulog pa rin ang pusa sa veranda. She could see his long tail curled outside the carton. Parang normal lang naman sa kanya ang umagang iyon, and she was grateful for that.
Hinihintay nya ngayon ang lalaki sa sala. Napag-isip naman ni Hanna kung ano kaya ang meron sa estrangherong iyon. Ang nakakalitong titig kasi ng lalaki nang hindi na nito matandaan ang pangalan nya ay umantig talaga sa kanyang damdamin. And yet, sa kaunting sandali, he had managed to cover his fears as well. Sa katunayan nga,nakuha pa nitong manukso sa kanya.
But was there something in his subconcious?..bakit kaya nasabi ng lalaki na 'intuition' daw nito na huwag tatawag ng pulis? nagugulohan na namang tanong ni Hanna sa sarili.
He was in danger. And he didn't trust anyone. Naintindihan naman nya iyon. But her question was--could she really trust him?
*****