[Athena’s] Kagaya ng ipinangako ni Kit sa mga magulang ko ay mabilis na natapos ang preparation para sa kasal naming dalawa. Pero nagkaroon ng konting problema sa pamilya niya kaya ilang linggo rin na na-delay ang pagpunta nila sa bahay para personal na makilala ako at ang kambal. Even my family were shocked when we found out who Kit's half-sister was! Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Hector nang humarap sa pamilya ko kasama ng Mommy at step-father ni Kit si Queenie Estacio, ang ex-girlfriend niya! Even Mom and Dad were shocked but they managed to stay calm. Unlike Hector, he was silent that whole night. Kahit naman ako ay hindi makapaniwala sa pangyayari pero dahil maayos naman na humarap si Queenie sa pamilya ko ay hindi ko na inisip ang nakaraan. I guess she has moved on fr

