[Athena’s] Sumapit ang ika-limang kaarawan ng kambal at iyon din ang nagsilbing daan para makilala ng lahat ng kamag-anak namin si Kit. Binanggit na rin ni Daddy ang tungkol sa nalalapit naming kasal at wala namang naging hindi magandang komento ang lahat. Siguro ay dahil matagal na rin nilang nalaman ang tungkol sa kambal at hindi na rin masyadong pinagtuunan ng pansin kung sino ang ama nila dahil alam nilang seryoso ako noon sa pagsasabi na wala akong balak na sabihin sa lahat kung sino ang totoong ama nila. “He looks younger than Athena. How old is your future son-in-law, Apollo?” narinig kong komento ng isa sa mga kapatid ni Daddy. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sinagot ba ni Daddy iyon. Sa tingin ko ay hindi niya rin alam kung ilang taon na si Kit. O kung sinabi man ni Kit

