[Athena’s] Kinabukasan ay nag-test kaagad ako at positive nga ang results. I'm pregnant again! At hindi ko alam kung bakit mas nakakatakot ang pagbubuntis ko ngayon kesa noong una kong nalaman na buntis ako kina Alas at Kali. Dahil ba alam kong galit sa akin si Kit ngayon? Sunod-sunod na napalunok ako at bumangon para harapin ang panibagong araw na wala si Kit sa tabi ko. Ayaw ko munang mag-isip kung paano ko sasabihin ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan na maging healthy ako para sa baby. Pagkatapos ng umagahan ay nagpasya ako na magpa-check up para mas makasigurado sa kalagayan ko. Pagdating ko sa hospital ay mas lalo akong naiyak nang kinumpirma mismo ng doktor sa akin na buntis nga ako. May mga precautions na sinabi at lahat iyon ay tinandaan ko. Pag-uwi sa bahay ay nagpasya ak

