[Athena’s] Hinintay kong bumalik si Kit kinabukasan para makausap siya ulit pero dahil buntis ako at hindi ko na naman kontrolado ang oras ng gising ko ay tinanghali ako ng gising at hindi naabutan ang pagbisita niya dito. Wala tuloy ako sa mood maghapon at gusto na namang iyakan ang bagay na ‘yon kaya hinintay ko ulit kung babalik siya para bumisita sa kambal. Maayos na ang pakiramdam nila at makukulit na naman kaya wala na naman akong tigil sa kakasaway sa kanila. Ang sabi ng mga tagapag-alaga ng kambal ay nagsabi si Kit na bibisita ulit ngayong hapon kaya kahit na antok na antok ako ay hinintay ko talaga siya. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko kinaya ang antok at muling nakatulog. Tapos na ang oras ng dinner nang magising ako kaya kulang na lang ay mag maktol ako pabalik sa kwarto

