[Athena’s] Maraming pagkain sa hapag at mukhang lahat ay masarap pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagugutom ako at gustong-gusto kong kumain pero hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. At dahil nahihiya akong maghanap ng ibang pagkain ay pinilit kong kumain kahit konti. Pero nauna akong magpaalam dahil gusto kong lumabas para magpahangin. Hindi ko na pinansin ang pagsunod ng tingin ni Kit sa akin. Sa ngayon ay may gusto akong kainin na hindi ko matukoy kung ano kaya gusto kong maglakad-lakad sa labas para maisip kung ano iyon. Palapit ako gawi ng gazebo ay napansin ko kaagad na hindi na gano'n karami ang mga puno ng mangga doon. Noong unang beses na pumunta kami dito ay sobrang kapal ng mga puno kaya sobrang dami ring bunga. Ngayon ay tatlong puno na lang ang natatanaw

