[Athena’s] Ramdam na ramdam ko ang pagiging sweet at caring ni Kit simula noong nalaman niyang buntis ako. And finally, after almost a year after our wedding, I felt that our relationship is becoming normal. Ibang-iba ang pakiramdam na malaman kong mahal niya rin ako. Kaya kahit na gusto kong mainis dahil hindi niya maalala ang mga nangyari sa amin kung kailan nabuo ang kasalukuyang ipinagbubuntis ko ay hindi ko siya matiis. Nangingibabaw ang nararamdaman ko sa kanya kesa sa inis ko dahil nakalimutan niya ang isang bagay na dapat ay mahalaga sa aming dalawa. Pero masyado namang mababaw kung magagalit ako dahil lang doon. It was reasonable enough because he was too drunk that night. Pero ang sarap niya pa ring asarin kapag pinapaalala ko ang bagay na ‘yon. Kaya kinabukasan ay kung anu-an

