[Kit’s] Hindi mawala ang ngiti ko dahil sa ginawang paghalik ni Athena sa akin kanina sa labas ng restaurant. Tinatanong ko siya kung anong gusto niyang kainin pero ang sabi niya ay ako kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Habang nasa sasakyan kami ay lingon ako nang lingon sa kanya. Tahimik lang siya kaya tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Lumingon naman siya sa akin at tumaas ang kilay. “So, are you really not gonna eat something else?” kunot ang noong tanong ko. Mukhang gutom siya pero hindi ko maintindihan kung bakit sa akin niya pinakain nang pinakain ang mga in-order niyang lugaw kanina. I even threw up because I couldn't eat it anymore. Kumain na ako kanina bago kami umalis pero buti na lang ay hindi marami dahil tingin ako nang tingin sa kanya. Wha

