Baby am I forgiven? Pagsusumamo ng binata sa dalaga ng lumabas na sila sa tabing dagat. Hindi ko kasi alam kung ok na ba tayo o galit ka pa rin sa akin.
We are ok baby. Nasaktan lang ako sa sinabi ni Cindy. Totoo naman kasi pero I just leave it there. Ang importante sa ngayon kasama kita. Kung masaktan mo man ako in the long run, kasama naman yun para malaman ko na ganun talaga ang nagmamahal, nasasaktan. Wika ng nila kung ayaw mo masaktan huwag ka na lang magmahal. Madamdaming sagot ng dalaga.
Niyakap na lang siya ni Hunter para maibsan ang galit ng dalaga kahit papanu.
Wala akong intensyong saktan ka baby. I was just a normal person na may pagkukulang din at nagkakamali. Intindihin mo na lang ako baby. Hinahalik-halikan pa ito ng binata na nakapagpataas ng balahibo ng dalaga at nakikiliti din siya sa mainit hininga ng lalaki.
Baby ok na tayo no need to worry, ang gusto ko lang maipangako mo na hindi ka na maglilihim sa akin. Kung may bumabagabag sayo kung pwede mo namang sabihin sa akin sabihin mo lang. Handa naman ako makining, at siniksik na ng dalaga ang katawan sa lalaki.
Baby I just have one request. Kung mapagbibigyan mo lang naman ako baby.. Paglalambing ng binata kay Mia.
Kung kaya ko bang ibigay why not, kinakabahang sagot ng dalaga. Medyo naiba pa noses nito sa kaba kung ano nga ba ang ibig hilingin ng binata.
Ah, can you sleep with me in my room. No hanky panky baby. Matutulog lang talaga tayo. Gusto ko kasi na matulog kasama ka at pagising ko katabi pa rin kita. Pagpapacute ng binata dito.
Namumula na ang dalaga sa mga sinabi ni Hunter. Hindi nya alam kung pagbibigyan nya ba ang binata o hindi. May side ng utak nya pumapayag, the other side is ayaw naman. Ano ba pipiliin nya, tanong nito sa sarili.
Kung hindi naman pwede hindi na kita pipilitin. I just want you to be with me. Hinalikan na nito ang dalaga sa pisngi at niyakap.
Tara na tulog na tayo. I just wanna cuddle you. Sabi ni Mia kay Hunter na nagpalingon sa binata dito. Tumayo na kasi si Mia para pumanhik sa taas.
Sige ihahatid na kita sa kwarto nyo. Tugon naman ng binata.
Bakit sa kwarto namin? Akala ko ba gusto mo akong kasama matulog at pagising mo nasa tabi mo pa rin ako? Takang tanong ng namumulang dalaga.
Talaga baby, hindi mo na babawiin yan? Gusto mo ako katabi? Nangingiting sabi ng binata sabay akbay kay Mia.
Ayaw mo ata eh, sa kwarto na lang ako ni Matilda. Paalis na si Mia ng hilahin nama ito ni Hunter at sumubsob siya sa dibdib ng binata.
Baby masyado kang karinyo brutal sabi ni Mia habang tumatawa.
Halika ka na at baka magbago pa isip mo. Magkahugpong ang mga kamay nilang umakyat sa taas. Nagpaalam muna si Mia na maliligo since hindi pa siya nakapagbihis ng pantulog.
Pagkatapos maligo, kinatok na nito si Hunter sa kwarto. Paglabas ni Hunter ay tapos na din ito maligo. Binigyang daan siya nito para makapasok siya sa loob ng kwarto ng binata.
Pasok ka na baby, ngiting sambit ng binata at bigla nitong niyapos ang dalaga na kinagulat nito.
Salamat baby pumayag ka na katabi ako. Hinalikan din ito ang dalaga at tinampal naman siya nito..
Tsansing agad ha, akala ko matutulog lang bat may paglandi ha..
Naglalambing lang ako baby. Ayaw mo yata eh, naligo naman ako at mabango naman hininga ko. At huminga pa ito sa ilong ng dalaga.
Hindi ah, ang bango mo kaya baby tapos ang hininga mo ang bango din. How to be you po? Pagpapacute din ni Mia sa binata.
Pakiss na nga lang baby. Ang dalaga na mismo ang kusang humalik kay Hunter kasi nagtampo na ito kunyari.
Ay ako ata ang ayaw halikan, komento ng dalaga ng hindi gumaganti sa halik nya ang binata. Sa kabilang kwarto na lang din ako matulog kasi napipilitan ka naman na katabi ako.. Akmang lalabas na siya ng pinto ng biglang kinulong siya ng binata sa bisig nito.
Nagbibiro lang ako baby, gusto na kitang halikan hanggang sa mapugto hininga natin kaso ginagalang kita baby. Gusto lang talaga kita katabi sa pagtulog. At hinalikan uli nito ang dalaga..
Manood kaya muna tayo ng movie baby kasi basa pa ang buhok ko eh, ayoko namang magblower kasi mas gusto ko natural na matuyo ang buhok ko..
Sige ba, ano bang gusto mong movie? Action, love story, sci-fi, horror.. Tanong ng bintana..
Love story na lang baby. Mas makakarelate ako dun. Sagot naman ng dalaga.
Sige your the boss.. Kindat pa nito sa dalaga.
Gusto mo may popcorn o kung ano man tayong kutkutin baby? Tanong ng binata sa dalaga.
Chips na lang baby para may makukutkot naman tayo. Pagsang-ayon ng dalaga.
Sige, kukuha lang ako sa kusina.. Huwag mo muna iplay yan. Babalik ako agad.
Ok, hindi ko naman iplay agad kasi gusto ko sabay tayo manoond, usal ng dalaga.
I will be quick, softdrinks you like baby o beer? Para inuman na lang tayo.
Sige flavoured beer na lang Kung meron, andyan ka naman para umalalay sa akin kung sakali baby eh, ngiting tugon ni Mia.
Sige kukuha ako, basta walang maglalasing ha, baka pag naglasing ka mamaya kung ano na sabihin mo baby.
Isa lang naman iinumin ko bakit ako malalasing abir?
Dalawa na, ang daya mo naman nun kung isa lang.
Sige dalawa na.. Bilisan mo na para maplay na ang movie. Huwag ka mabagal, pagtataboy nito sa binata.
Ito na baby.. Wait mo lang ako. Binilisan na ni Hunter ang pagbaba. May pagmamadali sa kilos ang binata at gusto na nito makasama ang dalaga sa panonood.