Confrontation

1006 Words
Hinahanap pa rin ni Hunter si Mia pero hindi niya ito matagpuan kaya naisipan muna nyang maglakad sa tabing dagat. Gusto muna nyang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip-isip. Medyo naalarma siya sa sinabi ni Cindy. Paano kaya kung mangyari na masaktan niya si Mia na hindi nya maiwasan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin pag nagkataon. Ang importante muna sa ngayon ang mahanap ang dalaga na ayaw naman magpakita sa kanya. Nagulat siya na sa may di-kalayuan may nakaupong babae na tipong humahagulgol kasi yumuyugyog ang balikat nito. Medyo kinakabahan na siya kasi hindi nalalayo sa katawan ni Mia ang babae. Bigla nyang binilisan ang paglakad para malaman kung talagang si Mia ang babae na nakikita nya. Pagkalapit nya sa dalaga, si Mia nga ito at hilam na sa luha ang mata nito na nakadurog sa puso ng binata. Baby bakit andito ka? Tanong agad nya dito sa dalaga sabay yakap dito ng mahigpit. Kung saan na kita hinanap baby. I was so worried that I couldn't find you anywhere in the beach house. Huwag ka na uli umalis please. Hindi ko na alam gagawin ko pag nagkataon. Sinasabi nito sa humihikbing dalaga na hinayaan na lang na yakapin din nya pero ramdam nya na galit at nagtatampo ito sa kanya kasi hindi man lang siya niyayakap pabalik. Naiintindihan naman niya si Mia. May hinanakit ito sa kanya. Baby look at me, sambit ng binata habang itinataas ang baba nito para tingnan siya sa mata. Pilit namang umiiwas ang dalaga na tingnan si Hunter. I am sorry for Cindy, she is so vulgar about saying those words. I already talk to her. Paliwanag ng binata dito. Ayaw sana muna kita makausap. I was hurt sa mga sinabi ni Cindy. Sabagay tama naman siya, ano ba naman ang laban ko sa mga katulad nya. Simple lang ako, siya maganda, sexy, hot, wild. Humihikbing pa ring sabi ng dalaga na kinalungkot ni Hunter. I just wanna let us talk please. Nagsusumamo naman si Hunter sa dalaga. I was surprise ng malaman ko na nakipag-usap pala sayo si Cindy. Baby ako ang paniwalaan mo kasi katawan ko at isip ko to. Ako ang nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko. Oo aaminin ko, I was a playboy, I love to hang out with girls, I love girls that are hot and wild. Pero lahat naman nagbabago. Sa ngayon mas gusto ko na ang simpleng babae, magaling mag-alaga, sweet, saad ng binata habang tinititigan si Mia na blangko pa din ang mukha. Hindi ito mabasa nj Hunter. Baby I want us to be happy, gusto ko na maging open sayo na ganun ako dati pero ganito na ako ngayon. Patutunayan ko yan sayo when I come back.. I was pre-occupied by the tournament as of this time. Matagal pa naman ang balik ko sa ibang bansa for my training so we can have time for each other. I'm begging you baby, can we be just happy atleast for my stay here. Pagsusumamo pa rin ng binata sa dalagang unti-unti ng umaaliwalas ang mukha. Hindi ko lang kasi maintindihan si Cindy bakit kailangan nyang sabihin sa akin na kesyo hindi ako bagay sayo na mas gusto mo ganito ganyan sa isang babae. Hindi man ako makapantay sa babaeng pinapangarap mo, masasabi ko na tunay naman ang nararamdaman ko sayo na mahal kita, mahal na mahal kita. Nagsimula namang lumuha si Mia pagkatapos magdeklara ng pagmamahal nito sa binata na kinatuwa naman ni Hunter. Niyakap pa nito ang dalaga at pinugpug ng halik kahit iwas ng iwas ang dalaga. I was so happy for it baby. Thank you for loving me.. Isang pang halik ang iginawad ng binata sa dalaga, this time sa labi na nito. Napapikit na lang si Mia kasi hindi nya rin mawari bakit madali siyang bumigay kapag si Hunter na ang naglalambing sa kanya. Nagiging marupok siya.. Gusto lang nyang makulong sa mga bisig ng minamahal. Tara na baby, masyado ka ng nilalamok dito. Gusto na kita mayakap ng mas matagal sa bahay. Hinila na nito ang kamay ng dalaga at bumalik na sila sa Beach house. Pagkadating sa beach house andun na si Matilda na nag-aantay sa dalawa. Patakbong lumapit ito sa dalawa at niyakap si Mia na mugto ang mata. Ate saan ka galing? Hinahanap din kita katulad ni kuya. Akala ko umalis ka na, akala ko iniwan mo na ako eh. Nagsisimula ng lumuha ang dalaga na agad namang pinahid ni Mia. Bunso hindi naman ako uuwi. Naglabas lang ako ng sama ng loob. Nakapag usap na din kami ng kuya ko kaya huwag ka na umiyak ha.. Pag-aalo nito sa dalaga. Bagay talaga kayong maging magkapatid kasi pareho kayong iyakin. Gagawin ko kayong artista sa MMK. Biro ni Hunter sa dalawa at sabay itong niyakap. Kain muna tayo baby at nagutom ako sa paghahanap sayo, sabi ng binata sabay hila kay Mia sa komedor. Tiyak gutom ka na din.. Dagdag pa nito. Magkahugpong ang kamay nilang pumunta sa hapag na may nakahain na palang pagkain kasi kasalukuyang kumakain so Cindy na nakataas pa ang kilay pagkatapos tingnan ang kamay nila Mia at Hunter na magkahugpong. Makaalis na nga, nakakawalang gana. Parinig nito sa dalawa habang nililigpit ang pinagkainan. Nagkatinginan na lang sina Hunter at Mia na umiling na lang sa ginawa ni Cindy. Iniisip na lang ni Mia na nagseselos lang din o naiinis si Cindy sa kanya. Ayaw na muna nya ng away kaya hindi na muna nya pinansin ito. Mas gustong pansinin ng dalaga ang kumakalam na sikmura at hindi talaga siya kumakain pa. Hayaan mo na yun baby, inggit lang yun sayo kasi ikaw ang kasama mo. At hinalikan pa ni Hunter ang kamay ng dalaga na hawak nito. Madami ang nakain ng dalawa kaya naisipan muna nilang magkwentuhan sa labas ng bahay. Nais ng binata na magkaayos sila ng lubusan ni Mia para wala siyang alalahanin. Ayaw nyang nakikitang umiiyak ang dalaga. Mas gusto nyang hindi na siya nito pag-isipan pa ng masama at hangad nyang pagkatiwalaan siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD