Being clingy ❤️❤️❤️

825 Words
Naghahanda na sa pag-alis ang grupo. Nagconvoy na lang sila papuntang mansion. Hindi na pinasabay ni Hunter si Cindy sa kasi sila Mia at Matilda na ang kasabay ng binata. Baka magtampo pa ang dalaga kapag si Cindy na naman ang sasabay sa kanya. Ayaw nyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan at baka outside de kulambo siya sa dalaga pag may pagkakataon. Baby gusto mo ba kumain muna, tanong nito sa dalaga ng hindi man lang alintana na nasa likod lang ang nakababatang kapatid. Si kuya naman si Ate Mia lang ang tinanong. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko din kumain, pagtatampo nito sa binata sabay baling sa labas ang tingin. Bunso naman tampo agad, syempre kasama ka naman sa tatanungin. Inunahan mo lang ako. Pabirong sagot na lang ng binata sa kapatid na napapanguso na. Bunso kasama ka talaga sa aalukin ng kuya mo, ako lang kasi katabi kaya ako nauna, pagpapaliwanag ni Mia dito para hindi na magtampo ang dalaga. Sige na nga hindi na ako magtatampo, ngiti na lang nito kay Mia na kinapanatag naman ng dalaga. Ayaw ni Mia na maramadaman na nahahati din ang pag-aalaga niya kay Matilda at pagmamahal naman nya kay Hunter. Parehong mahalaga ang dalawa sa dalaga. Medyo mtraffic kaya nakatulog na sa byahe sina Mia at Matilda. Maya-maya ang sulyap ni Hunter kay Mia kasi hindi siya makapaniwala na pinagkaloob ng dalaga sa kanya ang pinakaiingatan nitong p********e. Bihira na sa mga babae ngayon ang dalisay pa sa araw ng kasal kaya maswerte na siya ang pinagkatiwalaan ng dalaga. Hindi nya lubos maisip na magkaroon pa ng iba ang babae kaya sana hindi na sila magkaroon ng problema sa susunod na mga araw lalo na't aalis siya para mag-ensayo para sa malaking tournament na sasalihan. Hinahaplos ng binata ang buhok ng dalaga ng malapit na sila sa mansion para magising nito ang dalaga kahit gusto pa nyang pagmasdan ang dalaga na payapang natutulog. Napakaganda nitong titigan habang natutulog. Baby we're here, as much as I don't want to bother you, kailangan na nating pumasok kasi gusto ko na magbanyo. Paliwanag ng binata sa panggigising nito kay Mia. Sorry baby napasarap pala nag tulog ko. I'm just tired. Pinagod mo naman kasi ako. Panunukso ng dalaga dito na kinahalakhak ng binata. Bitin pa yun baby, mamaya lagot ka sa akin.. Sa kwarto ka uli matutulog ha.. Pabulong nitong sabi sabay nakaw na halik sa dalaga. Ikaw talaga, may tinutulugan ako dito baby at hindi ako pwedeng matulog sa iba. Magagalit ang nanay ko. Tatalakan ako nun. Ako ang bahala baby, ipagpaalam kita na magkukwentuhan lang tayo kaso nakahubo't hubad at hanggang madaling araw pa, saad ng binata sa kanya na dahilan para kurutin nito ang binata. Naku po, patay talaga ako sa Nanay ko nyan pag ganyan baby. Baka itakwil ako nun. Siya na lang meron ako baby, mawawala pa sa kalandian mo, natatawang sambit nito sa binata na niyakap naman siya. Kanina ka pa baby nanamantala ha. Panunukso nito sa kakayakap sa kanya ng binata. Nilulubos ko lang baby ang mga araw na kasama kita kasi magiging busy na ako sa pagbalik ko sa ibang bansa. Kaya dapat makadami na tayo. Dagdag biro pa rin ng binata. Baka mamaya baby kapag andun ka na sa ibang bansa ni ha ni ho wala akong maririnig sayo ha.. Patay ka talaga sa akin. Intindihin mo na lang muna baby kapag hindi ako makatawag o makapagkomunikasyon sayo kasi ang training ko ay kailangang pagtuunan. Iyon na ang importanteng tournament para sa akin. Pag ako ang nanalo baka magstay ako ng mas matagal dito sa bansa. Mas madami na akong panahon sayo nun baby. Hindi mo na ako kailangan tawagan o hanapin kasi palagi na akong available sayo. Ako pa mismo ang pupunta sayo. Tara na baby at ngdadrama na tayo dito. Magpahinga na din muna tayo. Gusto ko na din makita ang nanay ko baby. Ayaw mo na ba ako kasama baby? Kunyaring pagtatampo ng binata dito at yumuko pa para hindi naman halatang nagkukunwari lang siya. Aba nagtatampo ata ang baby ko ah, nilapit ng dalaga ang mukha sa binata at pinugpog ito ng halik at niyakap ang nagtatampong binata. Huwag na magtampo baby, gusto kita makasama ok, dito lang naman ako nakatira makikita naman kita lagi. Sana lang baby panindigan mo yang salitang gusto mo akong makasama lagi. Baka kapag bumalik na ako dito hindi mo na ako papansinin. Lalo pang humigpit ang pagyakap ng binata kay Mia, nagpapalambing ito sa dalaga. Promise baby, tinaas pa ng dalaga ang kamay nito para manumpa sa dalaga. Hinalikan naman ulit ng binata ang dalaga bago sila pumasok na sa mansion. Nagpaalam na muna si Mia kay Matilda na uuwi sa quarters nila kasi gusto naman nya makita ang nanay nya. Babalik na lang siya sa dalaga para tulungan uli ito sa mga homeworks nito na hindi pa nagagawa dahil sa pag-alis nila papuntang beach house ng pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD