Nay kamusta ka na? masayang bati ng ni Mia sa Nanay nya na nagulat naman sa pagdating nya.
O anak andito ka na pala, tanong nito pagkatapos magmano sa kanya ng anak.
Mukhang blooming ka anak ah, parang may nagpapasaya na sa anak ko ah. Dugtong pa ng nanay ni Mia.
Si nanay talaga madaming napapansin. Nagiging reporter ka na Nay sa ilang araw na nawala ako dito ah, pagbibiro nito sa ina.
Magpahinga ka na muna anak. Alam kong napagod ka sa pag-aalaga kay Matilda. Si Matilda nga ba talaga inalagaan mo o si Senyorito Hunter? Panunukso ng nanay nya.
Nagiging si kupido ka naman ngayon Nay. Madami ka na nagiging character Nay ha. Pang-aalaska naman dito ng dalaga.
Aayusin ko muna mga gamit ko Nay. Maglalaba na muna din ako. Pinapapunta ako ulit ni Matilda doon sa mansion kasi hindi pa naman tapos mga homework nya dahil sa pag-alis namin. Paliwanag ng dalaga sa ina nya.
Ganun ba anak, ipaghahain muna kita para makakain ka na din bago ka pumunta sa mansion.
Naks naman Nay ang sweet mo naman. Yumakap pa si Mia sa Nanay nya bago inayos ang mga gamit nya at inilabas na din ang mga labahin nya para maaga siya makapunta sa mansion.. Namimiss na nya ang amoy ng mahal nya. Kinikilig pa habang iniisip ni Mia si Hunter.
Bago maglaba si Mia kumain muna siya ng inihandang merienda na nanay nya. Nagluto ito ng ginataan na paborito niya. Napadami ng kain ang dalaga kaya late na siya nakapagsimula ng paglaba nya. Magsasabi na lang siya mamaya kay Matilda na bukas na siya tutulong dito sa homework nito. Magpapahinga na lang siya pagkatapos nya maglaba. Hindi na muna siya pupunta sa mansion.
Nagpapahinga sa paglaba nya si Mia ng tumunog ang cellphone nito. Dali-dali nya itong kinuha at baka importante iyon.
Baby akala ko pupunta ka dito sa mansion hindi pala, ang nakalagay sa text na si Hunter ang nagpadala.
Naglaba ako baby kaya hindi na ako nakapunta. Bukas pupunta ako promise. I just need to rest. I am tired.
Wala ng natanggap na text ang dalaga mula kay Hunter. Mukhang nagtampo na talaga ang binata sa kanya.
Baby bukas talaga pupunta ako. Masakit kasi talaga katawan ko ngayon. Text ni Mia kay Hunter na nagbabasakali na replayan ng binata, ngunit wala talagang reply na natanggap ang dalaga.
Nagulat si Mia ng may kumakatok sa pinto. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong gabi kaya nagtataka siya kung sino ang pupunta sa kanila.
Pagbukas ng pinto, nakangiting mukha ng binata ang nabungaran ni Mia. Biglang sumikdo ang puso nya pagkakita sa binata.
Baby bakit ka pa pumunta dito? Sana nagpahinga ka na lang baby. May hawak na supot ang binata.
Nakakatampo ka na talaga baby. Pumunta pa ako dito para ibigay sayo ang pagkain na ito para makakain ka man lang pero mukhang hindi ka makapaniwala na pupuntahan kita.. Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ng binata. Inabot na nito ang pagkain na nasa supot sa dalaga bago siya nagmamadaling umalis.
Hinabol na ng dalaga ang binata ng nakita na nyang hindi na maipinta ang mukha nito sa tampo sa kanya.
Baby I'm so sorry saad ng dalaga ng nahabol nito ang binata at niyakap nya rin ng hindi pa rin ito ngumingiti.
Ikaw kasi parang ayaw mo na talaga ako makita eh kaya hindi ka pumunta ngayon sa mansion.
Natagalan kasi ako sa paglaba kaya kailangan ko muna magpahinga para may lakas na din ako bukas para makapagbonding tayo at maturuan ko na din ng homework nya si Matilda.
Pasok ka muna sa quarters namin. Nag luto ang nanay ko ng ginataan. Paborito ko yun kaya dami ko nakain. Baka gusto mo din tikman baby. Hinila na nito ang binata papuntang kusina nila.
Nagpatianod na lang ang binata kasi gusto naman nyang makasama ang binata. Pinaupo muna ni Mia ang binata at kinuhaan ng ginataan para makakain ito.
Baby ito oh tikman mo ang luto ng nanay ko, sambit ng dalaga na may dala ding mangkok ng ginataan para sa sarili. Nais nyang makasama kumain ang binatang nagsusuplado dahil hindi siya pumunta sa mansion.
Nagsimula ng tikman ng binata ang luto ng ina ni Mia. Ninanamnam nya ang pagkain, masarap ang luto ng nanay ni Mia. Hindi siya mahilig sa mga ganung klase ng pagkain pero nagawa nyang kainin iyon ng walang pag-aalinlanga. Si Mia ay sarap na sarap din sa ginataan at dinidilaan na nya ang kutsarang ginamit nya.
Baby huwag ka naman ganyan, nakakabighani ang pagkain mo ah. May padila-dila ka pa sa kutsara na gamit mo baby. You're turning me on. Bulong ng dalaga dito.
Sira ka talaga andito tayo sa quarters namin at pagod ako baby. Bukas na lang at pupunta naman ako sa mansion, sagot na lang ng dalaga. Pupunta na talaga ako baby promise. Humalik pa ito sa binata na smack lang sana ngunit kinabig na siya nito. Lumalalim na ang halikan ng dalawa ng kumawala ang dalaga dahil baka magising ang nanay nya at matalakan naman siya nito sa pagiging marupok.
Baby enough muna baka kung saan pa ito mapunta habang sinasaway nito ang paglulumikot ng kamay ng binata na nakakapagpainit sa dalaga.
Bakit kasi baby hindi ka pumunta, doon pa naman kita patutulugin sa room ko. Gusto ko uli madama ang init ng katawan mo, marinig ang ungol mo..
Baby baka magsawa ka na nyan sa akin ha. Baka hanapin mo sa iba ang init na sinasabi mo, nakalabing sambit ng dalaga.
Hindi ka ba nagsasawa baby? Baka pagsawaan mo ako, sabi ng dalaga habang hawak ang mukha ng binata at hinahaplos ito.
Hinawakan naman ng binata ang kamay ng dalaga at hihahalikan.
Hindi mangyayari yun baby, I will never get tired of you. Get tired of making you mine. At sinakop na nito ang labi ng dalaga na bahagyang nakabuka.
Baby baka makita tayo ni nanay, pag-iiwas ng dalaga at baka lalong laliman ng binata ang halikan nila.
Anak may kausap ka ba dyan? Takang tanong ng nanay ni Mia dahil na rin sa medyo napalakas ang boses ni Mia.
Wala naman Nay.. Matulog na ho kayo at tinatapos ko lang pagkain ko. Umalis na din ang binata bago pa sila abutan ng ina ni Mia.
I will see you tom baby. You promise me, sabay halik pa uli sa dalaga before nya ito iwanan.