Agam-agam

1001 Words
Anak gumising ka na dyan. Kanina pa tunog ng tunog yang cellphone mo. Baka importante yan at hindi mo pa na titingnan kung sino ang nagtetext o tumatawag dyan, pangungulit ng nanay ni Mia at hindi pa siya bumabangon. Masyado siyang napagod sa paglalaba niya. Anong oras na ba Nay at daig mo pa ang alarm clock, tanong ng dalaga na nakapikit pa ang mata. Alas nwebe na anak, bumangon ka na dyan. Tiningnan pa nito ang nakaregister sa cellphone ng anak at nagtaka ito. Nak sino si baby? Wala ka namang anak. Bakit may baby ka na? Takang tanong nito kay Mia. Ang aga Nay reporter ka na agad. Secret lang Nay. Natatawang sabi ni Mia at mabilis ng bumangon para maligo. Dinala na din nito ang cellphone sa banyo para doon na basahin ang mga text o kung sino man ang tumawag. Pagbukas ng cellphone at ilang missed calls at text ang nabasa nya. Puro lahat galing kay Hunter. Nagtatampo na ito at hindi naman daw siya pumunta sa mansion. Ineexpect ng binata na maaga siya pupunta sa mansion. Hihingi na lang siya ng dispensa dito. Balak sana nyang pagkatapos siya magrereply sa binata kaso tumunog na naman ang cellphone nya. Where are you? Still not waking up? I am so upset, hindi mo pa ako pinupuntahan. Sana man lang may balak ka magreply. May emoji pang malungkot na kasama sa text ng binata. Baby I just awake. I am so sorry. Sobrang napagod ako kagabi. Maliligo lang ako tapos pupunta na ako dyan. Reply na lang niya sa binata. Ok babe, I will be waiting. Reply naman ni Hunter. Binilisan na lang ni Mia ang pagligo para hindi na magalit ang binata sa kanya. Hindi na din siya nag-almusal para hindi naman matagal ang pag-aantay sa kanya. Nay pupunta na po ako sa mansion, inaantay na po ako doon. Doon na lang din ako mag-aalmusal. Nagmamadali sa paglakad si Mia. Dumeretso na siya sa kusina para mag-almusal at nagugutom siya. Naabutan nya ang kusinera na magluluto. Aling Marie ano pong almusal? Makikikain po sana, ngiting bungad dito ni Mia. Halika na at dumulog, may nagpaluto para sayo. Lutuan daw kita ng masarap na almusal at tiyak daw dito ka dederetso. Panunukso ng kusinera sa kanya. Kaw talaga manang issue ka? Sagot naman ng dalaga. Kumuha na ang dalaga ng mga pagkain para makakain na din siya ng almusal. Puro masasarap ang mga pagkain na niluto. Nagtimpla na din siya ng kape para magising ang diwa nya. Susubo na sana siya ng may tumabi sa kanya. Paglingon ng dalaga, nakangiting mukha ni Hunter ang sumalubong sa kanya. Bigla siya nitong niyakap at ginawaran ng masuyong halik. Good morning baby. I hope you like the breakfast I requested for you, sambit ng binata dito. Good morning too pogi. Yes masasarap. Kapag ganito lagi tataba ako nito baby. Humalik na din ang dalaga dito. Ang aga-aga may masarap na ulam agad ako, pagbibiro nito sa binata na tinitingnan ito habang sumusubo ng pagkain. Tara na sa kwarto baby, kakainin na kita. Biro nito sa dalaga. Pulang-pula tuloy ang mukha nito. Baby napakaaga para dyan. May gagawin pa ako. Pag-iiba nito ng topic nila para hindi siya muna kulitin. I miss you baby. I was wishing you were with me last night pero napagod ka naman sa paglalaba so you are forgiven for that pero ngayon no excuses baby. Bulong ng binata na naghatid ng kiliti sa dalaga. Kumain ka na ba? Pag-iiwas ng dalaga sa sinasabi ni Hunter. Tapos na ako kumain baby, I was just waiting for you. I am planning to take you out. Gusto ko sana mamasyal tayo baby, ingot ng binata sa kanya. Uhmmmm, tutulungan ko pa si Matilda baby kaya ako nandito. Baka ano naman sabihin ng mama mo kapag nakita ka nun na kausap ako o aalis tayo. Hindi naman ata maganda na ang anak nya ay kasama ang kasambahay nila lumabas, napayukong sabi ng dalaga. Bakit ganyan ka baby, madami kang iniisip eh ako itong may katawan, ako itong kasama mo hindi naman sila. Wala naman pakialam sina mama kung sino ang gusto ko makasama. They are not against on the girls I like to date. Paliwanag nito sa dalaga. Nag-aalala lang ako sa sasabihin ng nakapaligid din sayo, baka masira ang pangalan mo. Ako wala namang mawawala sa akin kasi ordinaryong tao lang ako, eh ikaw may pangalan kang iniingatan. Isa pa mayaman kayo, mahirap lang ako. Nalulungkot na sabi ng dalaga. Baby huwag mo na silang isipin, ang importante naman nagkakaintindihan tayo. Ipapaalam kita sa Nanay mo. Akong bahala sayo. Sasabihin ko na din sa parents ko na may lakad tayo, na idedate kita. Is that ok with you baby? Hindi ka na sana mag-iisip nga kung anu-ano. Tapusin mo na pagkain mo dyan at akyatin mo na muna si Matilda, inaantay ka na nya. Tumayo na din ang binata sabay halik sa noo nya. Wow, napakalambing naman sayo ni Hunter ah, tinig ni Cindy na nagpalingon kay Mia na susubo pa sana ng pagkain. Magsaya ka na ngayon habang andito pa siya kasi kapag umalis na kami baka mawawalan na siya ng time sayo. Hindi basta-basta ang training na pagdadaanan nya kaya baka hindi ka na nya makakausap ng madalas so dapat lubus-lubusin mo na ang araw na kasama mo siya. Tapos ka na ba? Pauyam na sabi ni Mia sa dalaga. Kumakain pa kasi ako, ayoko sanang mawalan ng gana. Dagdag pa ng dalaga na kinataas ng kilay ni Cindy. Really now, you are such a b***h. Sagot na lang ng dalaga at nagmadali na itong umalis sa kusina. Umiiling na lang na ipinagpatuloy ni Mia ang pagkain. Iniisip na lang nya dala ng pagseselos nito o kung anuman kaya nagkakaganun si Cindy. Umaasa na lang siya na sana kapag nakaalis na si Hunter at hindi naman siya nito balewalain, may oras naman sana ang binata para makipag-usap sa kanya. Hindi sana nya kakalimutan ang mga sinabi nito sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD