Tinulungan muna ni Mia sa Matilda sa homework nito pagkatapos niya kumain. Hindi pa nya uli nakikita si Hunter pagkatapos nya kumain. Iniisip nya na sana hindi na matuloy ang lakad nila at nahihiya talaga siya na makasama ang binata sa lakad nito. Hindi naman kasi siya bagay dito, mas nababagay dito ang mga anak ng kaibigan ng pamilya na minsan dumadayo pa sa mansion para makilala din ang binata. Masakitan na isipin nyang ganun pero yun ang reyalidad. Mahirap lang siya at mayaman ang binata.
Ate mukhang madami ka iniisip, tanong ni Matilda sa dalaga ng nakitang nakatulala ito.
Wala naman bunso, iniisip ko lang ang sagot dito sa homework mo. Medyo mahirap kasi, pagkakaila ni Mia.
Ah ok, akala ko nag-away kayo ni Kuya. Ang sabi pa naman nya sa akin kanina may date kayong dalawa.
Oo nga bunso kaso nag-aalangan akong sumama bunso eh, baka kung ano isipin ng mga makakakita sa amin. Mga magulang nyo din baka hindi naman magustuhan na magkasama tayo. Ayoko may isipin silang masama sa akin. Baka isipin nilang kaya ako sumasama sa kuya mo kasi mayaman kayo kasi sikat ang kuya mo. Nalulungkot na sambit ni Mia.
Ate naman wala namang sinasabi na ganun sila mama. Wala naman silang pakialam sa mga naging girlfriend ni kuya eh o kung sinuman sa kapatid ko. Ako hindi pa naman talaga pwede sa mga ganyan, pero sure kapag ako nagka lovelife eh wala din naman silang tutol kung sino man ang magustuhan ko.
Parang ang tanda mo na talaga bunso para magbigay ng opinyon mo tungkol sa pag-ibig, nangingiting saad ng dalaga.
Hindi naman kailangan maging matanda ate para malaman ko mga ganyan eh. Napapanood ko din kasi yan sa TV o kaya sa internet kaya natututo din ako. Paliwanag naman ni Matilda.
Ok bunso sabi mo eh. Pagsasakay na lang ni Mia sa dalaga.
Ate may isusuot ka na sa date nyo ni kuya? Kasi kung wala pa meron ako dyan nakitang damit na bagay sayo. Nung nalaman ko kasi na may date kayo naghalungkat uli ako, nagbakasakali ako na may makita akong damit para sayo. Excited na sabi ni Matilda kay Mia.
Kaw bunso ha, naghalukay ka pa talaga para may magamit ako. Hindi pa nga ako nakakapag-oo sa kuya mo kung sasama ako sa kuya mo eh.
Sumama ka na sa kuya para naman may time kayo sa isa't isa. Para naman maging ate na talaga kita. Niyakap na nito si Mia at hinila papunta sa closet nya.
Ate pumili ka ng magugustuhan mo at sayo na din yan. Hinalungkat ko pa din yan sa gamit ni Ate Vien. Madami pa pala siyang mga dress dito kaya inayos ko na para makita mo.
Ang ganda naman nito bunso. Nakakahiya naman sa pinsan mo at kinuha mo na naman to para ibigay sa akin..
Hindi ate ah.. Bagay naman kasi sayo kaya ok lang na ibigay ko. Naipagpaalam ko naman uli yan kay Ate Vien kaya ibibigay ko na sayo yan.
Isukat mo ate ang gusto mo dyan, ibibigay ko rin naman lahat yan sayo eh. Ang mamaya na susuutin mo para sa date nyo ni kuya ang sukatin mo ngayon.
Sige itong black sundress na lang ang susuutin ko bunso. Comfortable siyang suutin. Mas makakakilos ako ng maayos..
Sinukat pa din ito ng dalaga at natuwa siya na parang hinulma sa kanya ang damit.
Ayan ate bagay talaga sayo. Lalo kang sumexy. Maiinlove na talaga sayo si kuya nyan ate. Kinikilig na sambit ni Matilda.
Ang kulit mo talaga bunso. Ginulo ni Mia ang buhok ni Matilda at kiniliti ito.
Talaga naman ate eh, pinagdadasal ko yan na sana ikaw na ang maging girlfriend ni kuya at hindi yung mga babaeng nakikita ko sa magazine na kasa-kasama nya nung nasa ibang bansa pa siya nakastay.
Mayayaman yung mga babaeng yun bunso. Wala naman akong laban dun. Hindi naman ako mayaman, simple lang din akong tao. Hindi ako makakalamang sa kanila.
Dyan ka nagkakamali ate, ikaw ang gusto ni kuya, yun ang lamang mo sa kanila. Kahit naman mayaman sila eh hindi naman maganda ugali ng mga yun kaya sayo pa rin ako boto.
Ang sarap naman pakinggan bunso na boto ka sa akin. Hindi ko talaga akalain na magiging ganito tayo kaclose bunso, na magugustuhan mo ako as girlfriend ng kuya mo.
Syempre ate gusto ko ang the best para sa kuya ko. Ang babaeng hindi siya iiwanan kasi mahal siya nito. Alam ko ate na mahal mo si kuya dahil sa mga kilos mo.
Halata na ba ako bunso? Tanong nito kay Matilda. Alam mo naman matagal na akong may crush sa kuya mo, kahit sa picture ko lang naman siya nakita nagwapuhan agad ako sa kanya. Sana nga bunso walang magiging problema sa amin ng kuya mo sa mga darating na araw.
Ma, may sasabihin sana ako sayo. Bungad ni Hunter sa mama nya na nasa garden at tinitingnan nito ang hardin.
Ano yun iho, importante nga siguro yan at pinuntahan mo pa talaga ako dito. Nakangiting sambit ng ina ni Hunter.
May lakad sana kami ni Mia ma.. Ipaalam ko lang sayo baka kasi may iuutos ka pa sa kanya kaya inuunahan na kita para hindi ka na magtaka na wala siya.
Iho ako naman may tanong sayo? Balik tanong nito sa binata.
Oo ma, ano ba yung tanong mo?
Nililigawan mo na ba si Mia? Panunukso nito sa anak.
May unawaan na kami ma. Nagustuhan ko ang pagiging simple nya ma. Masaya siyang kasama.
Basta iho huwag mo siyang sasaktan. Mabait na bata yang si Mia. Para ko na ring anak yan kaya sana hindi mo siya paiyakin. Hindi siya katulad ng mga babaeng nakasama mo na. Huwag mo siyang itulad sa mga yun anak.
Opo ma, hindi ko po gagawin sa kanya yun. Salamat ma at pumayag din kayo. Makakaasa kayo na hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng relasyon namin.
Niyakap na nito ang ina at pumunta na sa kwarto no Matilda para makita ang dalaga.