Date ❤️❤️❤️

929 Words
Kumatok si Hunter sa kwarto ni Matilda dahil nakalock ito. Bunso andyan pa ba si Mia? Tanong nito sa kapatid. Wait lang kuya, andito siya. May inaayos lang kami. Sagot naman ni Matilda. Ate itago mo muna yang damit. Babalutin ko na lang mamaya at dadalhin sa quarters para hindi makita ni kuya ang suot mo agad. Bulong nito sa dalaga at baka marinig pa ning kuya nya. Tinago na muna ni Mia ang damit sa closet ni Matilda. Siya na din ang lumapit sa pinto para pagbuksan si Hunter. Baby ang tagal mo naman buksan. Medyo naiinis na boses ni Hunter pagbukas nito ng pinto. Suplado naman ng baby ko, humawak na siya sa kamay ng binata pagpasok sa kwarto ni Matilda. Nakita pa nyang kinikilig si Matilda sa kanilang dalawa. Here comes the lovers. Nilalanggam na dito sa room ko. Kinikilig na sambit nito. Bunso naman eh, cupid ka ba? Pabirong tanong ni Hunter sa kapatid. Cupid talaga ako kasi alam ko magiging kayo talaga ni ate Mia. Hindi talaga ako nagkakamali sa mga pinapareha ko. Masayang saad ni Matilda. Isasama ka sana namin kaso date namin to eh so next time ka na lang bunso kapag OK na talaga kami ng Ate Mia mo. Wala naman akong problema sa date nyo ni Ate Mia. Mas gusto ko pa na magdate kayo na hindi ako kasama kasi mukha akong asungot nun. Mas magandang moment nyo na lang yun. Basta kuya huwag mong sasaktan si Ate Mia ha. Kapag sinaktan mo siya kuya, hindi na kita papansinin. Banta nito sa binata. Hindi ko naman yun gagawin bunso kasi alam ko hindi mo talaga ako mapapatawad kapag sinaktan ko si Mia. Oo naman kuya, ang bait ni Ate Mia. Wala ka ng makikita na babaeng katulad nya. Hindi man siya mayaman, may puso naman si Ate Mia. Masyado mo ng pinapalaki ang ulo ko bunso ha. Nakakataba ng puso. Humawak din siya sa bewang ng binata. Masyado siyang masaya sa mga sinabi sa kanya ni Matilda. Halika na, puntahan na natin Nanay mo baby. Baka doon tayo magtagal at bka mahirap sya kausapin. Biro ni Hunter.. Sige, ihanda mo na yung magaganda mong sagot para payagan ka.. May pagkapulis pa naman yun magtanong. Pang-aalaska nito kay Hunter. Andyan ka naman para ipagtanggol ako eh. Hindi mo naman ako pababayaan diba. Oo naman baby, hindi kita pababayaan. Salamat naman kung ganun baby. Hindi na ako mahihirapang amuin ang nanay mo. Basta magpakatotoo ka lang sa kanya baby. Hindi na yun makakapagsalita ng pangit kapag nasa lugar naman ang mga sinasabi sa kanya. So tara na? Tanong ni Hunter kay Mia. Ipapaalam na kita sa Nanay mo baby.. May date pa tayo remember. Sige punta na tayo. Atubiling sagot ng dalaga. Lumakad na din ang dalawa para makapunta na sila sa quarters. Magkahawak kamay si Hunter at Mia papuntang quarters. Hindi maiwasang mailang ni Mia dahil sa mga matang na kasunod sa kanya. Hindi na nagtataka ang mama ni Hunter ng makitang nakaholding hands ang dalawa ng makasalubong nila ito sa sala. Baby nakausap ko na din si Mama. Wala naman siyang tutol sayo. May basbas na ni mama ang date natin. Talaga baby.. Hindi ka nagbibiro? Tanong ng dalaga dito na hindi alam kung tatalon o hindi. Oo baby, nabunutan na din ako ng tinik sa dibdib ng makausap ko ang mama tungkol sa ating dalawa. Wala naman siya tutol sa akon. Ang importante ay kasama kita ngayon. Ang sabi nga ni mama huwag kitang saktan at siya ang makakalaban ko pag umiyak ka.. Dami niyo kakampi eh ako tong may katawan. Alam ko naman ang tama sa Mali. Kaya nga dapat wala ka ng ibang makitang babae kundi ang kagandahan ko lang. Ako lang dapat ang priority mo habang andito ka pa.. Hindi na kita mahahabol kapag nasa ibang bansa ka na baby. Wala akong pera para puntahan pa kita doon at awayin. Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo baby eh. Ang mahalaga magkasama tayo ngayon baby. Ako nga tong kinakabahan at baka hindi ako makapasa sa Nanay mo eh. Baka balatan ako ng buhay nun. Hindi naman siguro baby. Mabait naman si nanay, may topak lang paminsan kaya ipanalangin mo na wala siyang topak ngayon baby. Banta nito sa binata at tumawa pa. Ngayon pa lang mukhang natatakot na ako dahil sa sinasabi mo ah. Sana nga walang topak ang nanay mo baby. Mahirap na at may date pa tayo mamaya.. Bilisan mo na ang paglakad baby. Utos nito sa binata at binilisan naman nito ang paglakad. Nay may bisita po kayo. Tawag nito sa ina pagpasok sa quarters nila. Nak sino ba yan, tanong naman ng ina na papalapit sa kanila.. Napakunot ang noo nito ng mapagsino ang bisita nila. Senyorito napasyal po kayo? Ano po ba maipaglilingkod ko sa inyo? Tanong nito sa binata. Nay ipagpaalam ko po sana si Mia, aalis po sana kami. Ipapasyal ko po siya. Kung pwede lang po sana. Ano bang meron sa inyo nitong anak ko senyorito at ipapasyal mo? Nanliligaw ka ba sa kanya? Diretsahang tanong ng ina ni Mia sa binata. Kung pwede sana Nay. Manliligaw ako sa kanya. Kung wala naman pong magagalit. Wala namang magagalit. Ang sa akin lang iho baka umiyak ang anak ko sayo. Hindi ko yan pinalaki para saktan lang. Hindi ko naman po gagawin yun sa anak nyo po. Sana nga iho, basta iuwi mo ng buo ang anak ko ha. Paalala ng ina ni Mia kay Hunter. Mamasyal lang po Nay. Pagtatama ni Hunter sa ina ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD