Nagpaalam na si Hunter na ina ni Mia pagkatapos nitong pumayag sa paglabas nila. Hinatid na lang ni Mia sa labas ng quarters nila ang binata para makapag-ayos na din siya. Inaantay na lang nya ang damit na susuutin na binigay naman ni Matilda sa kanya.
Baby around 6pm kita susunduin. Paalala ng binata kay Mia. Hinalikan na siya nito bago umalis.
Sige, kita na lang tayo mamaya, pa habol na sambit ng dalaga at kumaway pa ito kay Hunter.
Maya-maya dumating na din si Matilda
bitbit ang damit na susuutin ni Mia sa date nila ni Hunter.
Ate pasensya ka na medyo natagalan ako, pinaalis ko pa kasi si kuya dito para hindi nya alam na magbibigay ako ng isusuot mong damit. Dapat surprise para hindi nya alam ano isusuot mo. Ngiting bungad ni Matilda na hingal na hingal sa pagmamadali makarating sa servants quarter ng mansion.
Salamat bunso, hindi pa naman oras ng pag-alis namin kaya ok lang ang dating mo.
Kain ka muna dito, nagluto si nanay ng pansit para sa merienda, alok niyo kay Matilda na agad namang dumulog sa hapag nila.
Wow, pansit.. Pagpalatak ng dalaga.
Paborito ko ito ate, saad ng dalaga sabay subo nito.
Mabuti naman at nagustuhan mo senyorita, sambit naman ng ina ni Mia na pumasok na din sa loob. Nangunguha kasi ito ng mga nilabhan ni Mia kahapon at hindi na naipasok ng matuyo dahil pumunta agad si Mia sa mansion para turuan ng homework si Matilda.
Oo naman po, Nanay Clara. Masarap po kayo magluto. Dugtong pa ng dalaga na sumandok uli. Kaya nga po gusto ko pa uli kumain. Bukas na po ako magdadiet uli. Biro pa nito sa mag-ina na tumawa naman dahil sa hirit nya.
Madami naman yan bunso, kahit ilan pa isandok mo at may matitira pa naman.
Salamat ate, salamat nanay. Sambit na lang ng dalaga pagkatapos dumighay dahil sa kabusugan nito.
Busog na busog po ako. Salamat po uli babalik na po ako sa mansion. Ate goodluck sa date ninyo ng kuya ko. Humalik pa ito kay Mia at nagmano naman kay Aling Clara. Nagpaalam na din ito sa kanila.
Naligo muna si Mia. Halos kalahating oras siya sa banyo. Nagscrub pa siya ng katawan at kinuskos ng maigi ang mga singit at siko niya. Ginamitan nya din ng mabangong shampoo at conditioner ang mahaba nyang buhok.
Mabuti naman at naisipan mo pang lumabas. Akala ko isang taon ka sa banyo eh. Pagbibiro ng nanay ni Mia paglabas nya ng banyo, mukhang inaabangan talaga siya nito.
Nanay naman eh, kailangan naman maganda ang anak nyo. May date kami ni Hunter. Baka mamaya imbes na sa akin ang tingin sa mga babae pa na kasalubong namin ang mata nya kaya dapat mas maganda ako at mabango syempre.
Maganda ka na anak. Kahit wala kang make-up maganda ka. Saan ka pa ba magmamana kundi sa akin.
Talaga naman Nay, alam ko naman na maganda ka talaga eh.
Nilalambing ni Mia ang nanay nya ng may kumatok sa pintuan.
Baka andyan na yung prince charming mo anak. Panunukso nito sa anak.
Binuksan na ni Mia ang pinto at naghihintay na si Hunter sa labas. Napakagwapo nito sa suot na long sleeve na nakatupi hanggang siko, jeans at top sider shoes.
Hi baby, magpapaalam muna ako sa Nanay mo. You look so gorgeous baby. Huwag na lang kaya tayo umalis. Doon na lang tayo sa kwarto ko. Bulong nito sa dalaga na siniko naman siya ng mahina.
Loko-loko ka talaga baby. Ngayon nga lang tayo magdedate tapos hindi pa matutuloy, kunwaring pagtatampo nito sa binata.
Ito naman hindi na mabiro. Syempre first date natin kaya dapat matuloy. Magpapaalam lang ako saglit sa Nanay mo.
Pumasok na din ang binata sa quarters nila Mia.
Tita Clara alis na po kami ni Mia. Paalam ni Hunter dito.
Ingatan mo ang dalaga ko iho. Magpakasaya kayo. Sambit naman ng nanay ni Mia sa binata at umalis na ang dalawa.
Dala ni Hunter ang sports car nya at balak nyang dalhin ang dalaga sa isang fine dining resto.
Baby masaya ako na pumunta ka sa quarters namin para ipaalam ako sa Nanay ko. Masayang sambit ng dalaga.
Dapat lang naman na ipaalam kita sa kanya kasi may unawaan na tayo baby. Hindi naman pwedeng itago na lang kita. Sabagay dapat nga kitang itago sa mga lalaki kasi sa ganda mong yan madami akong magiging kaagaw.
Wala ka namang magiging kaagaw sa akin baby. Ako ay iyong-iyo baby. Hinalikan pa nito ang binata na bigla na lang nagpreno na muntik nyang ikauntog.
Baby naman bakit nagpreno ka? Nahintakutan na sambit ng dalaga na napahawak pa sa dibdib nito sa takot.
Nakakagulat naman kasi ang halik mo eh. Parang hindi ko na talaga itutuloy sana ang lakad natin kaso kailangan ko muna magpigil. Susulitin ko lang talaga ang mga araw na kasama ka bago ako umalis. Ginagap na din nito ang kamay ng dalaga at banayad din itong hinalikan sa labi.
Pinarada ni Hunter ang sasakyan sa isang mamahaling resto. Mangilan-ngilan pa lang ang mga kumakain doon kaya nakahanap sila ng magandang pwesto. Overlooking city ang pwesto na nakuha naila na nakadagdag sa magandang ambiance ng lugar.
Pinaghila ni Hunter ng upuan ang dalaga.
Tumawag na din ito ng waiter para makaorder na silang dalawa ni Mia.
Maraming mapagpipilian sa menu, si Hunter na lang pinapili ni Mia kasi hindi naman nya mabanggit ang pangalan ng pagkain. Tyak naman ng dalaga na masarap lahat ang mga pagkain. Ang alam lng nya sa naorder ay chicken cordon bleu. Nagpa order na lang siya ng sinigang na hipon kasi isa iyon sa mga paborito nynav pagkain. Nagpadagdag na lang din ang dalaga ng fresh mango juice, ice tea naman ang kay Hunter na inumin.
Baby ang dami mong inorder, mauubos ba natin to? Na tinutukoy nito ang pagkain na inorder nila.
Oo naman, mauubos naman natin yun kasi alam kong kailangan mo yun baby para sa gagawin natin mamaya. Kinda nito sa dalaga.
Ano naman gagawin natin abir? Tanong nito sa binata na pasimple itong kinurot.