Pagbaba ni Mia sa sala para sa scuba diving nila nakita nyang nag-uusap sina Cindy at Hunter. Pahawak-hawak at pahampas-hampas pa ang dalaga sa braso ni Hunter na kinainis ni Mia.
Hindi talaga nahihiya ang babaeng ito, nabubuwisit na isip ni Mia...
Umupo muna si Mia sa sala habang inaantay na makaalis sila at naiinis siyang tingnan sina Hunter at Cindy.
Pretty, a penny for your thoughts, wika ni Luke sa kanya pagkalapit nito.
Luke hindi mo na ako masyado kinakausap ha. Akala ko ba kaibigan na kita, pagtatampo kunyari ng dalaga.
Yun na nga eh, kaibigan. Alam mo namang iba sana ang gusto ko, pag-amin ng binata kay Mia.
Natahimik tuloy si Mia sa narinig. Bigla syang nailang.
Did I scare you? Tanong nito sa dalaga ng makita nitong tumahimik na si Mia.
I was just honest coz I found you pretty the first time I meet you. But I know you have someone you like. Hindi ka na nga din nya tinatantanan eh. Nalulungkot na sabi nito sa dalaga.
Luke I'm sorry. Hindi ko naman matuturuan kasi ang puso ko na kung sino ang dapat magustuhan nito. I am a friend always remember that. Hindi naman ako aalis.. Andito lang naman ako if kailangan mo ng kausap at kaibigan. Hinawakan na din nya ang kamay ng binata para iparamdam nya dito na totoo ang mga sinasabi nya.
Salamat Mia at pinaunawa mo sa akin ang lahat. Naaasiwa kasi akong kausapin ka kapag magkasama kayo ni Hunter at baka kung ano ang isipin nya. Basta kung kailangan mo din ng kaibigan andito lang ako. Pwede ka bang mayakap kahit sandali? samo nito sa hinahangaang dalaga.
Oo naman, wala namang malisya kaya pwde naman Luke. Niyakap na lang ng dalaga ang binata para hindi naman ito mailang at yun ang eksena na naabutan ni Hunter pero nagkunwari lmag siyang walang nakita. Para makaganti kahit papanu kay Mia sa pagyakap nito sa kaibigan.. Inakbayan nya si Cindy habang papunta sa kung saan si Mia at Luke nagyakapan.
So anung meron dito? Nanggagalaiting sabi nito sa dalawa na hindi alitanang naiinis din si Mia sa pag-akbay nito kay Cindy.
Wala pare, nagkausap lang kami ni Mia. Nagkaunawaan sa mga bagay na hindi dapat. Paliwanag naman ni Luke sa binata.
Talaga ba? hindi naniniwalang saad ni Hunter. Sana lang pare alam mo kung saan ka lulugar. Umalis na si Hunter para hindi nya masapak ang lalaki sa galit nya sa nakita.
Hinabol siya ni Mia hanggang sa kwarto nito. Pabalabag pa nitong sinara ang pinto kaya alam ni Mia na galit ang binata.
Baby galit ka ba sa akin? kinakabahang tanong nito sa blangkong mukha ng binata.
Wala naman akong ginagawa eh, kung nakita mo na niyakap ko si Luke, nagkaunawaan lang kami. Sinabi ko sa kanya na may gusto na akong lalaki. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. May gusto kasi akong lalaki kaso galit ata sya sa ako ngayon, pilit pinapasigla ni Mia ang boses kahit gusto na nyang bumulanghit ng iyak kasi hindi naman siya pinapansin ng binata na mukhang may sarili itong mundo.
Baby naman eh, ano ba gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin? Namumuo na ang luha sa mata ni Mia dahil sa parang wala naman siyang kausap.
Hindi alam ni Hunter kung ano iisipin sa mga nalaman. Mukhang may gusto nga si Luke kay Mia. Nagselos lang talaga siya sa binata. Ngayong naririnig na nya ang boses ng dalaga na mukhang paiyak na parang gusto na nyang yakapin ang dalaga ngunit gusto nya lang na bigyan ito ng leksyon na may karapatan din syang tuamhimik. Kahit gusto na nyang mayakap ang binata at lambingin ito ngunit magpapakipot muna siya.
Sige na baby aalis na lang ako.. Ayaw mo naman makipag-usap sa akin eh. Lapitan mo lang ako pag wala ka ng tampo. Kung ayaw mo na sa akin madali din akong kausap, lalayo na ako sayo. Sambit ng dalaga sa garalgal na nitong boses. Niyakap na nito ang binata at hinalikan.. I'm so sorry baby, humikbi na din ang dalaga.
Bago siya makarating sa pinto, yumakap na ang binata sa kanya at pinaharap sya nito kaya nakita siyang umiiyak na talaga.
Baby nagselos lang talaga ako kaya ganito ako, paliwanag ng binata habang pinupunasan ang luha ng dalaga na ayaw maampat.
Huwag ka na umiyak baby, sorry na.. Pagkakatiwaalaan na kita. At niyakap na uli ito ng binata, sumiksik naman ang dalaga sa bisig ni Hunter.
I'm so sorry too baby, ayaw ko lang na nagagalit ka sa akin.. Importante ka sa akin baby. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasama ng loob mo.
Alam ko baby kaya hindi rin kita matiis eh, I don't wanna see you cry. Pero kahit umiiyak ka, ang ganda mo pa rin.. Pagbibiro na dito ng binata para hindi rin magtampo ang dalaga sa kanya.
Inangat nya ang mukha ng dalaga para halikan ito. Dahan dahan nyang inilapit ang mukha sa dalaga at hinalikan ito ng marahan. Napapikit ang dalaga sa paghalik ng binata dito.. Marahan sa una at naging mapusok na din sa kalaunan. Naglumikot na ang kamay ni Hunter na naghatid ng kakaibang kiliti sa dalaga. Natanggal na nya ang pagka-hook ng bra ng dalaga. Kinubkob na ito ang isang dibdib nga dalaga.
You are so damn sexy baby. Paungol na bulong ng binata..
Nadadarang na din si Mia sa mga ginagawa ng binata sa kanya. Nakaliliyong sensasyon ang nararamdaman nya.
Huhubarin na sana ni Hunter ang blouse ng dalaga ng biglang may kumatok sa pinto nya. Inayos na lang nya ang pagka-hook ng bra ng dalaga at inayos ang buhok nito.
Kuya andyan ba si Ate Mia? May hinahanap kasi ako baka alam nya saan nakalagay.
.
Andito siya bunso, nagkukwentuhan lang kami, sagot naman ng binata sa kapatid ng binuksan nito ang pinto. Si Mia ay naayos na ang damit at nakangiting tumingin sa dalaga.
Ano ba hinahanap mo bunso? Tanong nito kay Matilda na medyo nauutal pa. Ang kamay kasi ni Hunter nasa bewang pa nya at ang mata ni Matilda nakatuon din doon.
Talaga ba kuya at kailangan pa nakahawak ka sa bewang ni ate? Panunukso nito sa dalawa.
Kaw talaga bunso madami kang nakikita. Ginulo din nito ang buhok ng kapatid na kinainis nito.
Kuya huwag mo namang guluhin ang buhok ko. Tara na nga ate, iwanan mo muna ang kuya ko dito. Mamaya na kayo mag moment.
Pinalagpas lng ni Hunter ang kapatid at hinalikan uli nito ang dalaga.
Come to my room again later baby, pabulong na sabi nito sa dalaga. Kinurot naman siya nito.
Ayan ka na naman baby ha.. Huwag ka ng lumandi.. Humalik na lang siya uli kay Hunter bago siya lumabas.