Isang libro na sinusubaybayan ni Matilda ang hinahanap pala nito na tinulungan ni Mia na hanapin.. Natatakpan lang pala ito ng gamit nila.
Ate mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo ni kuya Hunter ha.. Kung hindi siguro ako dumating agad baka naging kayo na nun. Tukso ng dalaga sa kanya.
Naku bunso, wala namang sinasabi ang kuya mo eh. Hindi naman nya sinasabi kung mahal ba nya ako. Ako lang naman ata ang nagmamahal sa kanya bunso. Malungkot na tugon ni Mia.
Hindi yun ang nakikita ko sa kuya ko ate. Nagpapakipot lang naman sayo yun kasi sa ibang bansa babae ang nanliligaw sa kanya. Iba kasi dito sa atin siya ang dapat manligaw.
Pano mo yan nalalaman ha bunso.. Mas may alam ka pa sa akin ha. Iba talaga ang karisma ng kuya mo ha, siya pa ang nililigawan. Nababahalang sabi nito sa dalaga. Iniisip nya pag nakabalik na sa ibang bansa ang binata makalimutan siya nito. Baka hindi na nito siya mabibigyan ng pansin. Madaming babaeng magaganda sa ibang bansa na wala man lang sa kalingkingan nya. Ang ibang babae doon makakapagbigay ng gusto ng isang lalaki. Siya hindi pa siya handang may mangyari sa kanila ng binata baka bigla na lang itong manlamig sa kanya pag may makita itong babae na willing ibigay lahat ng gustuhin ng binata. Bigla siyang naalarma sa isiping yun.
Ate tumahimik ka na dyan? Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ko na muna sinabing ganun ang mga babae kay kuya pag nasa ibang bansa ito. Ate hinahanda ko na kasi ang sarili mo sa maaaring mangyari. Alam kong madami kang iniisip ngayon ate pero andito lang ako para sayo ha.. Kahit na bata ako sayo pwede mo akong sabihan ng problema mo ate ha. Handa naman ako makinig sayo lagi.
Alam ko naman bunso yun kaya masaya ako na may kakampi ako dito. Salamat ng marami bunso.
Walang anuman ate basta ikaw. Yumakap na ang dalaga dito.
Babalik na pala tayo bukas sa mansion. Nakakalungkot kasi natapos na natin ang pagbisita dito sa beach house pero alam ko na nagustuhan mo ate kasi dito ko lubos na nakilala ang kuya ko. Sana nga ate matuloy tuloy na ang magandang pagtitinginan nyo ng kuya ko para mas madalas ko makita ang ningning sa mata mo po.
Sana nga bunso, gusto ko nga na makilala pa ng lubos ang kuya ko. Ang kinakatakot ko lang ay baka pagbalik ng kuya mo sa ibang bansa madami siyang makilalang mga babae doon. Hindi na ako mag-aalala kapag maging consistent pa rin siya sa ginagawa nya ngayon kapag wala na siya dito. Magkakaroon na ako ng peace of mind nun kapag meron siyang time na tawagan o kamustahin ako kahit magiging busy na siya sa tournament nya.
Huwag kang mag-alala ate tutulungan kita dyan. Makakausap mo si kuya kapag hindi siya tatawag, tayo ang tatawag sa kanya. Pakindat nitong sabi sa dalaga.
Aasahan ko yan bunso ha, wala akong pantawag sa kuya mo kasi wala pa akong trabaho na makakatulong para matawagan ko ng long distance call ang kuya mo.
Oo naman ate, gagwin natin yun para hindi ka maitsapwera ng kuya ko. Akong bahala sayo. Pati na yung latest na gagawin ng kuya ko sa ibang bansa katulad ng meron siyang bagong dinedate, sa akin mo yun malalaman.
Ouch naman bunso pati mga makakadate ng kuya mo pala ipapaalam mo sa akin, eh di makikita mo na lang na umiiyak na ako kapag ganyang bagay ibabalita mo sa akin. Naglungkot lungkutan pa ang dalaga na kinabahala naman ni Matilda.
Bunso biro lang saad na lang ni Mia at ginulo ang buhok ng dalaga.
Kaw talaga ate, inisahan mo ako dun ha.. Huwag kang mag-alala ate hindi ka naman sasaktan ni kuya. Sa nakikita ko naman she cares for you.
Talaga ba bunso? Tanong ng dalaga dito.
Buti na lang talaga pinakilala kita sa kuya ko ate kaya malapit na ako magkaroon ng totoong ate.
Bakit bunso hindi ba ako totoong tao? Pagbibiro nito sa dalaga na kinahagikgik nito.
Bolera ka din ate eh hindi ka naman kalbo, natatang sambit ng dalaga.
Kalbo lang pala dapat ang nagpapatawa bunso ha.. Sagot naman ng dalaga.
Nagtatawanan ang dalawa ng may kumatok sa pintuan.
O kuya bat andito ka? Gumaganti ka ba sa pang-iistorbo ko sa inyo kanina kaya ikaw naman mangungulit sa amin? May bonding naman kami dapat ni ate Mia.
Bunso lagi mo naman siya kasama sa mansion. Eh ako babalik na ilang linggo na lang sa ibang bansa kasi kailangan ko pa mag-ensayo ng mas maaga at magagaling makakalaban ko.
Si kuya nagpapacute ka na naman eh. Pang-iinis ng dalaga kay Hunter.
Matagal na akong cute bunso, huwag mo ng ipaalala yan at madami ng naghumaling dyan. Ganting biro din nito sa dalaga.
Hihiramin ko muna si Mia bunso at igagala ko lang.. Ikaw kasi madami ka namang alam dito sa beach house. Si Mia wala pa namang kabisadong lugar dito kaya ako muna magiging tour guide nya at sabay panliligaw din, sabi ni Hunter na kinalundag naman ng kapatid.
Naku bunso baka magising ang ibang nagpapahinga ngayon sa ingay mo.
Kuya hindi po ako maingay, sadyang bingi lang kayo. At tumakbo na ang dalaga at baka kilitiin na siya ng kuya nya.
Ang dami mo talagang alam bunso ha. Pumasok na din ang binata sa loob ng kwarto para makita si Mia na abala sa pag-ayos ng gamit nila ni Matilda.
Bakit nag-aayos ka na agad ng mga gamit nyo? Mamaya na yan. May pupuntahan tayong dalawa. Pinagpaalam na kita sa kapatid ko para hindi ka mag-alala. Hindi rin naman mawawala yan at hindi naman aalis ang grupo nasa labas lang din sila. Pwde kang humingi ng tulong o pagsama mamaya sa kanila kung may pupuntahan si Matilda.
Asus gusto mo lang ako masolo baby eh, bulong ng dalaga dito.
Oo naman baby, kanina pa nga dapat kaso itong kapatid ko ang kulit. Kung hindi yan kumatok kanina nakita mo na ang maganda kong katawan. Ganting bulong ng binata na nagpablush sa dalaga kaya pasimple nyang kinurot ng pino ang binata na ginagap naman ang kamay nya.
Nagpaalam na ang dalawa kay Matilda para makagala silang dalawa. May gustong ipakita si Hunter sa dalaga na tiyak ikakatuwa nito.