Pagkatapos maipagpaalam kay Matilda si Mia, lumakad na sila Mia at Hunter. Balak ng binata ipakita kay Mia ang lugar na nadiskubre nya dati na malapit sa beach house nila. May pinagawa pa siyang kubo malapit sa ilog na balak na din nyang idevelop as rest house sa susunod. Nabighani siya sa kagandahan ng lugar. Wala pa siyang nadadala doon kaya balak nyang isama si Mia sa lugar na iyon.
Saan tayo pupunta at pinapaalam mo pa talaga ako kay Matilda ha, tanong ni Mia kay Hunter.
Makikita mo mamaya, surprise ko yun sayo. Sana magustuhan mo, sagot naman ng binata at inakbayan na siya.
Medyo may kalayuan pero worth it naman pag nakita mo mamaya. Masisiyahan ka baby kapag nakita mo yun. Paninigurado ng binata kay Mia.
Talaga baby ha kasi excited na ako na makikita ang sinasabi mong surprise, sambit naman ng dalaga na ginagap pa ang kamay ng binata para magkahugpong ang kamay nila habang naglalakad sila papunta sa kung saan ang sorpresa ng binata.
Malapit na tayo baby, excited na sabi ng binata kay Mia.
Napakaganda naman dito, ang ganda ng ilog, ang linaw ng tubig. May kubo pa talaga dito, ang ganda naman talaga. Bulalas ni Mia pagkakakita ng lugar na surprise ng lalaki sa kanya.
Nagustuhan mo ba baby? Tanong ng binata sa kanya na pumunta na sa kubo para ipakita na din sa dalaga ang laman nito.
Hinila na nya ang dalaga papasok sa kubo.
Ito ang kubo na pinagawa ko para kapag gusto ko ng peace of mind dito ako tumitigil. Dito ako nag-iisip ng mga bagay-bagay. Dagdag pa ng binata.
Balak ko din itong ipaayos pa pag nakabalik ako agad after ng tournament ko.
Sana naman hindi mo ako makalimutang dalhin uli dito pagkatapos ng tournament mo. Sana ako pa rin ang makasama mo pagbalik mo dito. Emosyonal na saad ng dalaga.
Nagdadrama ata ang baby ko ah, hindi naman tayo nagpunta dito para mag-iyakan baby ha. Andito tayo para mag-enjoy at magkaroon ng private moments natin. Kapag andun kasi tayo sa beach house hindi kita nasosolo, madaming asungot kasama na ang kapatid ko na makulit..
Ikaw talaga baby ang dami mong alam. Kinurot na din ito ng dalaga dahil sa mga sinabi nito.
Talaga naman eh, hindi man lang kita mayakap at mahalikan kapag gusto ko baby.. At niyakap nga nito ang dalaga ng mahigpit na gumanti din naman ng yakap dito.
Pwede ba tayong maligo sa ilog baby? Tanong ni Mia kay Hunter ng nakapagpahinga na sila sa mahaba din nilang paglalakad.
Pwede naman pero pagbalik na siguro kasi wala naman tayong dalang panligo eh. Unless gusto mong basa tayo bumalik sa beach house o hubo't hubad tayong maliligo, pakindat na sagot nito sa dalaga.
Naku baby, sa susunod na nga lang baka mamolestiya mo pa ako habang naliligo tayo sagot na lang ni Mia na humahagikgik.
Oo nga eh, baka hindi ako makapagpigil. At lumalapit na ito sa dalaga na umaatras naman.
Baby naman eh, hindi pa ako ready sa ganyan. Natatawa na kinabahan din na sambit naman ni Mia.
Biro lang baby, alam mo naman na hindi ko pinupwersa ang babae. Gusto ko willing siyang ibigay yun. Tugon naman ng binata.
Yayakapin lang naman kita baby, gusto ko lang na maramdamang espesyal ako sayo. At niyakap na nga nito ang dalaga.
Tara punta tayo sa ilog para may remembrance naman tayong picture dito. Kukuhanan kita ng litrato baby.
Nagpose naman si Mia malapit sa ilog, maganda ang view ng palagid. May mga ligaw na bulaklak pa dito at mga puno. Ang linaw din nag tubig na ang sarap paliguan.
Meron din silang mga couple picture na sweet silang dalawa. Madami pa silang litrato na nakuha bago sila bumalik sa kubo uli. Gusto talaga sanang maligo ni Mia kaso wala naman siyang da lang extrang damit.
Salamat baby ha dinala mo ako sa sikretong lugar mo. Sana makabalik talaga ako dito, isasama ko din si Matilda matutuwa siya dito tyak.
Ipapaayos ko pa itong kubo para pwede tayong mag overnight dito. Hindi ko pa kasi nalalagyan ng gamit talaga para maging convinient naman ang pagstay natin dito.
Pupunuin ko pa ito ng gamit at palalagyan na din ng kuryente para pag magkagalit tayo dito na ako matutulog. Pabirong sambit ng binata na kinakunot ng noo ng dalaga.
May balak ka talagang awayin pala ako kaya ka nagpagawa ka ng ganito dito ha.. At tinampal na ang balikat ng binata na inilagan naman nito..
Hindi baby noh, binibiro lang kita. Ikaw pa nga tong mang-aaway sa akin pag hindi ako tumino. Tumatawang sagot naman ng binata.
Mang-aaway lang naman siguro ako pag hindi ka na ang lalaking nakilala ko, ang lalaking mabait at mahal ko.
Talaga mahal mo ako baby? Tanong ng binata na gustong ulitin ang sinasabi ni Mia.
Oo naman, mahal kita baby. Hindi mo pa ba nararamdaman. Balik tanong ni Mia sa binata.
Nararamdaman ko naman kaya ang saya ko. Salamat sa pagmamahal mo baby.. At hinalikan nito ang dalaga.
Hindi man marinig ang sagot ng binata na mahal din siya nito ay hindi na lang pinansin ni Mia ito. Ang mahalaga sa kanya kasama nya yung mahal nya. Ang mga memories nila na magkasama ang importante sa kanya.
Baby gutom ka na ba? Uwi na tayo para makakain na din kasi hindi pala tayo nakapagdala ng pagkain at baka pag nagtagal tayo dito baka may gawin ka pa sa akin. Baka kunin mo ang puri ko baby. Natatawang sambit ng binata na kinanguso naman ng dalaga.
Ako pa talaga ang hindi makapagpigil ha, if I know ikaw itong nagpapantasya sa akin baby. Nilapitan pa nito ang binata at isinandal sa kubo na kunyari hahalikan ang binata. Pumikit pa din kunyari ang binata na nag-aantay ng halik nya.
Baby pag ganyan ka ng ganyan baka dito na tayo matulog. Bulong ng binata sa kanya. Tumakbo tuloy siya palayo dito na humahagikgik.
Tara na, umuwi na tayo baby. Gutom na ako. Sigaw na lang nito.
Duwag ka baby. Naghahamon ka pero ayaw mong panindigan, sagot naman ng binata ng hinabol siya at ikulong sa mga bisig nito.
Can I just get my kiss and hug before anything else baby.. I miss your lips, anas ng binata na inilapit na ang mukha dito at sinakop ang nag-iintay na labi ng dalaga.