Pagpigil sa silakbo ng damdamin

1027 Words
Sinakop ng binata ang nag-iintay na labi ng dalaga. Namimiss na nyang tikman ang tamis ng halik nga dalaga. Mapusok ang halik nila na tipong wala ng bukas. Halos mapugto na ang hininga ni Mia ng maghiwalay ang labi nila ng binata. Baby I'm so happy I'm here with you. Thank you sa pagsama dito sa akin.. Sinakop nito muli ang labi ng dalaga. Tila uhaw ito sa labi ng dalaga. Pinalalim pa nito ang paghalik sa dalaga na bigla din naman itinigil kasi ayaw nyang matakot ang dalaga sa kanya. Hindi pa ito handa sa ganitong bagay. Siya itong may madami ng experience kaya siya dapat ang tumigil sa ginagawa at baka lumayo pa ang dalaga sa kanya kapag hindi na pa nya ito ititigil. You're lips so sweet baby.. I will not be tired tasting it. Sambit ng binata pagkatapos halikan uli ang binata. Hindi na talaga ako makakapigil pag hindi pa tayo umalis dito kaya halika na baby. Inaya na nito si Mia paalis sa lugar na iyon. Hinila na nito ang kamay ng dalaga. Tara na nga baby at baka ako pa ang mangrape sayo, pagbibiro din nito sa binata sabay takbo. Ang daya talaga tumakbo ka pa.. Humahabol na sagot din ng binata. Inakbayan na lang din nito ang dalaga na naglakad na din sila paalis sa lugar na iyon. Sana nga makabalik tayo baby dito ha. Sa susunod magdala na tayo ng extrang damit para may bihisan tayo. Gusto ko talagang maligo sa ilog. Basta pagplanuhan na natin ang pagbalik para makapaghanda man lang tayo. Ang daya mo kasi, gusto ko talagang maligo sa ilog. Sige pag bumalik ako from tournament babalik tayo ditong dalawa. Dito na tayo magstay. Ipapaayos ko na lang agad para ready na pagbalik ko. Mamaya sa dagat na lang tayo maligo. Mas malawak naman yun kesa sa ilog. Dagdag biro pa nito. Sa sinabi ng iyon ng binata nagkaroon ng pag-asa ang dalaga na magkikita pa sila ni Hunter pagkatapos ng tournament nito. Hindi siya nito kakalimutan. Biglang sumaya ang mood ng dalaga at lalo pa nyang hinigpitan ang pagkahugpong ng kamay nila ng binata. Pagdating nila sa beach house, kumain na ang dalawa. Nagpahain na lang sila sa katiwala at gutom na talaga silang dalawa. Ate kuya andito na pala kayo, bungad ni Matilda sa kanila na pinuntahan sila sa hapag kainan ng malaman nitong nakabalik na sila. Oo bunso, may pinakita lang sa akin ang kuya mo. Isasama kita sa susunod pag nakabalik na tayo uli dito.. Magiging sagabal lang ako ate sa inyo kasi date nyo na ni Kuya Hunter yun eh. Panunukso nito sa dalawa. Madami ka talagang alam bunso. Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. Tapos na po ako Ate Mia. Sinabay na nila ako sa pagkain nila kanina. Hindi naman nila ako pinabayaan. Naligo nga pala sila uli sa dagat. Kaya ate bilisan mo na dyan para makapagpahinga ka na para makaligo na din tayo kasi last night na natin ito dito. Sige bunso magpapahinga lang ako after namin kumain ng kuya mo para masamahan kita maligo, sambit nito sa dalaga na tumakbo na sa kwarto nila para maghanda ng isusuot sa swimming nila. Ako hindi mo man lang inaya magswimming. Samantalang kanina ako kasama mo, hindi mo naman ata ako gustong makasama talaga eh. Mas gusto mo pa si Matilda kasama. Pagtatampo ng binata sa kanya. Naku naman nagtatampo ang baby ko ah.. Lumapit na lang ang dalaga sa binata at niyakap ito mula sa likod. Huwag ka na magtampo ha, hinahalik-halikan pa nito ang pisngi ng binata para mawala ang pagtatampo nito sa kanya. Baby huwag masyadong dumikit baby at nagwawala na alaga ko. Baka sakmalin ka nito. Tinampal tuloy siya ng dalaga. Loko-Loko ka talaga baby. Tapos ka na ba kumain? Tanong ng dalaga sa kanya na ililigpit na ang pinagkainan nila. Oo tapos na baby. Hayaan mo na yan dyan, ipapaligpit ko na lang yan sa katiwala. Saad ng binata sa kanya ng makitang nililigpit nito ang mga pinagkainan nila. Magpahinga ka na muna bago ka lumusong uli sa dagat. Pupuntahan ko na lang kayo mamaya. Magpapahinga na lang din ako. Hinalikan na lang din siya ng binata bago ito umakyat. Biglang sumaya ang puso ng dalaga sa halik ng binata. Hindi na talaga nya mapipigilang lalong mapamahal sa binata. Ayaw man nyang mahalin ito ngunit sutil ang puso nya, minamahal na nya ang binata. Hindi lang nya alam kung may pagtingin din sa kanya ang binata. Sige, sama ka na lang sa amin mamaya baby ha. Paglalambing nya sa binata. Ok, sasama ako mamaya baby. Magpahinga muna tayo, dugtong na lang ng binata na lumingon muna sa kanya bago ito tuluyang umakyat sa kwarto nito. Ate gising na, maliligo na tayo. Niyugyog nito si Mia na nakatulog pala pag-akyat sa kwarto. Dala na rin siguro sa pagod ng paglalakad nila kanina pagpunta sa napakagandang lugar na yun. Nakatulog pala ako bunso.. Sige mag-aayos muna ako saglit bunso. Pumunta ba kuya mo dito? Tanong nito sa dalaga. Dumaan siya dito kanina Ate kaso tulog ka pa at ayaw ka naman nya ipagising kaya sabi nya puntahan na lang natin sila mamaya sa tabing dagat. Kanina pa sila andun. Ayaw lang kita istorbohin talaga kaya ngayon lang kita ginising ate. Pasensya ka na bunso ha, napasarap lang talaga ang tulog ko.. Napagod lang talaga ako. Hintayin mo lang ako bunso, mabilis lang ako. Pumunta na agad ito sa banyo para mag-ayos. Ate ako na rin pala pumili ng isusuot mo panligo. Ito oh, inaabot na nito sa dalaga ang two piece swimsuit na napili. Bunso masyado itong sexy. Baka hindi ko ito makayang suotin. Kaya mo yan ate. Sexy mo naman eh, kayang-kaya mong dalhin yan pag sinuot mo. Madami ka na namang magiging tagahanga nyan pero sorry sila, si kuya pa rin ang panalo. Madami ka talagang alam bunso. Tugon na lang nito kay Matilda at lumabas na sa banyo. Ate ang sexy mo talaga. Sabi ko sayo eh kaya mo yan dalhin. Tara na ate, ipatong mo na lang cover up para hindi ka mailang pag papunta na tayo sa tabing dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD