Selos..

1019 Words
Magkasama ng pumunta sa tabing dagat sina Mia at Matilda. Masayang nag-uumpukan sina Hunter at mga grupo nito kabilang na din si Cindy na katabi pa ni Hunter. Napaismid tuloy si Mia sa nakita. Bigla siyang nawala ng ganang magtampisaw sa tubig. Napansin ni Matilda ang pagbago ng mood ng dalaga kaya hinawakan nya ang kamay nito. Ate tara na, aya nito sa dalaga. Huwag mo na lang sila pansinin. Maligo na tayo. Patakbo ng lumusong si Matilda sa dagat kaya hinubad na din ni Mia ang cover up na nagpalingon sa mga nag-uusap. Wow pare, ang sexy talaga ni Mia. Napasipol pa ito. Ang ganda ng katawan, pwedeng model ng FHM. Ako magiging fan nyan. Dagdag pa nito na kinagalit ni Hunter. Lumingon din si Hunter kasi hindi nito napansin ang pagdating ng kapatid at ni Mia. Kung ako talaga may lakas ng loob na manligaw kay Mia liligawan ko yan eh. Kung hindi lang din nakakahiya sayo pare na ligawan ko siya at kung hindi ka naman magagalit. Biglang umiba ang timpla ni Hunter na napansin ng karamihan sa grupo. Pare huwag mo ng balakin at matatalo ka lang, sabat ni Luke at inakbayan ang lalaki dahil nakikita nito na iba na ang timpla ng mukha ni Hunter. Tumataas baba na ang paghinga nito. Mukhang pinipigil lang ang galit na sumambulat. I was just being prank pare, sa ganda kasi ni Mia marami talaga ang hahanga dyan. Sagot na lang ni Oscar, kasamahan din nila sa motocross. Umalis na sa umpukan si Hunter kasi baka masapak lang nya ang kgrupo. Pinuntahan nya sina Mia at Matilda na masayang naghahabulan sa tubig. Why are you wearing that? Can you just change? Kunot ang noong sabi ni Hunter kay Mia na kinataas ng kilay nito. Ano bang problema sa suot ko? Hindi naman masagwa ah. Tinarayan din nito ang binata. Naiinis din siya dito sa pagdikit ni Cindy. It is so sexy, ang dami ng lumuluwang mata dun sa grupo namin. Gusto ko na makipagsuntukan dun kaya please lang magpalit ka na ng short para hindi na uminit ulo ko. Dagdag pa ng binata. Yung init din ng ulo ko intindihin mo. Ikaw nga tong nagpapadikit lang dun kay Cindy tapos ako pagbabawalan mo na suutin itong swimsuit ko. Hindi naman at makatarungan. Naiinis ding sagot ng dalaga. Baby wala ka namang dapat ipagselos dun kay Cindy. Ganun lang talaga kami magkaibigan. Ang akin lang kasi ayaw ko na nababasatos ka.. Kung ano na kasi sinasabi nila dun sayo baby. Basta ayaw ko, maglaway na lang sila. Basta maliligo ako ng nakaganito. Pairap na sagot ni Mia at lumusong na ito sa tubig. Sige kung yan ang gusto mo. Dito na lang din ako sa tabi mo, at niyakap na nito ang dalaga na hindi na nakapalag kasi hindi nya napansing papalapit ang binata. You are so hard headed kaya ito na lang ang paraan para malaman nila na hindi na sila dapat manligaw pa sayo.. Bulong ng binata kay Mia habang yakap ito na pilit kumakawala dahil naiilang sa mga tumitingin sa kanila. Baby ang daming tumitingin. Sabi nito kay Hunter. Gusto ko nga yun para wala ng magkagusto sayo kasi akin ka na. Pakindat nitong sambit sa dalaga. Pwede namang magkatabi lang. Hindi yung ang lapit-lapit talaga. Nahihiyang saad naman ng dalaga. Kinakahiya mo ba ako? Nakayukong tugon naman ng binata at inalis naman ang pagyayakap nito kay Mia. Hindi sa ganun, gusto ko kasi tayo lang dalawa ang dapat pag may ganyan tayong moment. Huwag ka na magtampo baby.. Alam mo namang gusto din kitang ka yakap eh.. Siya pa mismo ang kumuha sa kamay ng binata at nilagay sa bewang nya.. I'm sorry if yun ang naramdaman mo baby.. Ninakawan nya din ito ng halik na kinagulat ng binata. Abah marunong ka na magnakaw ng halik ngayon baby ha.. Halika dito.. At niyakap nya ulit ang dalaga at hinalikan ng marahan. Kuya ha kanina ka pa sumisimple kay ate. Hindi ka humihiwalay sa kanya. Panunukso ni Matilda sa dalawa. Nakita mo na naman kami bunso. Boto ka naman kay ate Mia mo diba kaya ok lang na sweet kami at lalo pa nitong hinapit ang dalaga na nagpakilig naman kay Matilda. Oo naman kuya, huwag dun sa mga linta. Hindi ko yun gusto para sayo. Piningot na lang ni Hunter ang ilong ng kapatid dahil sa kadaldalan nito. Ikaw talaga bunso hindi na maawat sa mga sinasabi mo. Pagkatapos nilang magswimming ay niyaya na ni Hunter ang dalaga na bumalik sa beach house. Naiinis pa rin kasi siya sa mga tingin ng mga kasama niya sa dalaga na halos hubaran na ang dalaga. Napakasexy naman kasi talaga ng dalaga. Gusto nyang sa kanya lang ang dalaga. Sa kanya lang ito titingin. Baby sorry kanina ha, nagselos lang talaga ako kaya napagtaasan kita ng boses paglapit mo sa amin. Si Cindy kasi dikit ng dikit sayo. Hindi ko tuloy maiwasang magselos. Nakanguso na sabi ng dalaga. Niyakap ito mula sa likod ni Hunter. Baby huwag mo na pansinin si Cindy. Mas sanay yun sa liberated world. Sanay yun sa paglalambing ng mga lalaki, sanay yun sa atensyon. Hindi mo kailangang makipagsabayan sa kanya kasi ibang klaseng babae yun. Ikaw iba ka din, hindi ka katulad nya. Ikaw syempre ang gusto ko hindi si Cindy at hinalikan siya ni Hunter ng marubdub. It was the happiest day of Mia, hindi siya makapaniwala na may gusto sa kanya si Hunter. Hindi pa man nito nasabing mahal siya, ang importante may gusto ito sa kanya na pwedeng madelop sa malalim na pagmamahal. Hindi naman masama mangarap at libre naman yun. Basta baby bumalik ka dito pagkatapos ng tournament mo ha. Mag-aantay ako. Mangiyak-ngiyak ang dalaga na niyakap ang binata. Baka makalimutan mo na ako pag nasa ibang bansa ka na ha. Hindi kita makakalimutan kaya ako babalik at pupuntahan pa uli natin ang kubo diba at yung nakalimutan Kong gawin dun sayo. Yung gusto kong gawin sayo. Pabulong nitong sabi sa dalaga. Baby ha lumalandi ka na sa akin.. Kapag pinatulan kita dyan, pagsasakay ng dalaga dito habang tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD