Pagkakaintindihan ❤️

892 Words
Inaalalayan na ni Hunter palabas ng bar ang dalaga. Maganda sana ang balak nya na ilabas ang dalaga ngunit may mga bagay talaga na hindi inaasahan. Hindi tuloy nya alam paano kakausapin ang dalaga dahil sa lasing ito at baka kung ano pa ang mangyari kaya bukas na lang nya kakausapin ang dalaga. Nakarating naman sila ng mahinahon sa mansion. Tulog na ang dalaga sa kalasingan kaya binuhat na lang nya ito papunta sa kwarto nya. Wala naman siyang balak pagsamantalahan ang kalasingan nito. Balak sana nyang dalhin ito sa quarters nila kaso sobrang gabi na kaya naisipan nyang sa kwarto na lang nya. Tatawagan na lang nya sa quarters ang nanay ng dalaga para ipaalam na sa mansion na niya ito pinatulog kasi gabi na at napainom sila. Nilapag na nya muna sa kama ang dalaga at tinanggal ang suot na sapatos nito. Tinawagan na muna nya ang ina ng dalaga. Aling Clara, Hunter po ito. Bungad ng binata pagkaangat nito ng telepono. O iho, napatawag ka. Tanong naman ni Aling Clara. Si Mia po kasi dito ko na muna sa amin pinatulog at medyo nakainom po siya. Hindi ko naman po siya pababayaan. Nahihiya na din po ako sa inyo manggising sa inyo. Paliwanag ng binata dito. Ok lang senyorito, inaasahan ko na din yan at naiintindihan ko naman. Ingatan mo lang ang anak ko. Sige at ako'y matutulog na. May tiwala naman ako sayo at sana huwag mo iyong sisirain. Salamat po. Matutulog na din po ako. Iingatan ko po si Mia. Goodnight po. Sige goodnight din. Binaba na nito ang telepono. Sinimulan nyang hubarin ang damit ng dalaga para maging kumportable ito sa pagtulog. Pinalitan na lang ito ng tshirt nya at boxer short. Umungol pa ang dalaga na tipong nananaginip ata ito. Inayos na lng ng binata ang kumot nito. Pinalamig na nya ang aircon. Sumuot na din siya sa kumot para makayakap ang dalaga. Hindi nya sisirain ang tiwala ng ina nito sa kanya kahit gusto na nyang halikan uli ang dalaga. Baby, bakit ganun? Ang sakit. Madami kang babae. Umiiyak na ito ngunit nakapikit pa rin kaya ramdam nya ang sakit ng sinabi nito. Nanaginip ang dalaga, gusto man nyang mayakap ito ng mahigpit, mukjang gising na din ang galaga. Baby ok ka lang ba? You want anything? Tanong ng binata dito. I just wanna hug you. Yung tipong wala ng bukas. Hagikgik ng dalaga.. Mukhang lasing pa ito talaga.. Baby coffee na lang para mawala sakit ng ulo mo. Tinungga mo kc ang inumin kanina kaya ganyan ka na.. Parang tubig na lang kasi ang pag - inom mo ng alak kanina. Hindi naman natin masosolve yun kung lasing ka at hindi naman kita makausap ng maayos. Hindi rin tayo magkakaintindihan. Yumakap na lang siya sa dalaga kasi nakatingin lang ito sa kanya na inaabsorb pa ang sinabi nya. I'm ok baby. I just need you're tight hug to calm me. Sambit ng dalaga na hinalikan pa si Hunter. Baby huwag mong ulitin ang mga nakaw na halik na yan at baka hindi ako makapagpigil. Baka hindi ka na makatulog. Biro ni Hunter sa dalaga. Asus if I know ikaw din gusto mo ako mahalikan. Ngumuso pa ang dalaga na hinalikan naman ni Hunter. That's enough baby. Tulog na lang tayo ha.. I love you. Ayoko na wala kang maalala kinabukasan. Gusto ko na pag magmake love tayo maalala mo lahat kasi masarap sa feeling na alam ng isa't isa na gusto nila ang ginagawa nila. Am I ugly baby. Hindi ba ako pwede piliin kahit ngayon lang? Kahit madami ng nagdaan na babae sayo. Mahal pa rin kita..hinawakan nito ang mukha ni Hunter at masuyong hinalikan ang labi nito. Matulog na tayo. Bumibigat ang ulo nya dahil napadami ang inom niya. Baby I am sorry. Mahal na mahal din kita. Niyakap na lang din nya ang dalaga kahit pinangangapusan na siya ng hininga sa higpit ng yakap nito. Its a great feeling to be with this girl. Maswerte ako na minahal ni Mia. Nasambit na lang ni Hunter sa sarili habang yakap ang dalaga na tulog na. Nakuntento na siya sa pagyakap sa dalaga habang kaya pa nyang tiisin na huwag samantalahin ang pagkalasing nito. Ayaw nyang magalit ito sa kanya kapag nagising ito. Baka hindi na siya pansinin ng dalaga kapag nagpadala siya sa tukso dahil tulog ang dalaga. Gusto naman nyang gising ang dalaga kapag nagmake love sila. Namimiss na nya sobra ang dalaga ngunit hindi naman maganda na basta na lang nya itong gagawin habang tulog ito, nirerespeto nya ang dalaga at may tiwala sa kanya ang nanay nito na hindi nya dapat sirain. Madaling araw nagising si Mia dahil nauuhaw na siya at the same time gusto nya magbanyo. Natigilan siya ng malamang wala siya sa kwarto niya at ngayon lang nya nakita ang silid kung saan siya naroon. Nawala ang agam-agam nya ng makitang may katabi siya at si Hunter iyon. Siniksik na lang nya lalo ang katawan sa binata at inamoy-amoy ang leeg nito na napakabango. Nahiya tuloy siya dahil hindi man lang siya nakaligo bago siya tumabi dito. Hindi kasi nya mapigil ang sarili na uminom kanina dahil sa selos sa babaeng lumapit sa kanila sa bar. Hindi talaga nya mapigilan ang magselos sa mga babaeng nauugnay sa binata. Hindi niya maiwasang ma-insecure sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD