Heart to heart talk ❤️

786 Words
Napabalikwas ng bangon si Mia ng masilaw siya ng sikat ng araw na tumatagos sa kwarto ni Hunter. Dahan-dahan siyang bumangon para magpunta muna sa banyo ng binata para maghilamos muna at nahihiya siyang lumabas na hindi man lang nakapag-ayos. Paglabas ng banyo naghihintay sa kanya si Hunter na bagong paligo at ang bango-bango nito. Parang ang sarap naman ng binatang ito, sambit ng dalaga na hindi makatingin kay Hunter. Good morning baby ko. How was your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos? Ito ang gamot para sa hangover ko baby. Inabot na nito ang gamot sa dalaga. May dala na ding pagkain ang binata para sa kanya. Breakfast in bed baby. Ako sana almusal mo kaso baka hanggang lunch na gawin mo. Pagbibiro ng binata kay Mia. Salamat baby, napakaswerte ko naman. Yumakap pa siya sa binata na ginantihan naman nito. Sorry kagabi sa pagiging makulit ko. Nagselos lang talaga ako kagabi sa babaeng yun kaya bigla ako naglasing. Bakit kasi ngayon pa talaga nagpapakita mga naugnay sayo na mga babae dati. Hindi ko tuloy alam kung paano na lang kapag umalis ka baby. Mas madaming babae doon. Mas madaming magaganda. Baka kapag andun ka na wala kang time sa akin. Nalulungkot na sambit ng dalaga. Ayan ka na naman baby. Hindi naman mangyayari yan. As much as possible, gagawa ako ng paraan na matawagan kita at makausap. Rigid training kasi talaga ang gagawin namin doon kaya intindihin mo na lang ako baby ha. Basta kapag may free time ako tatawagan talaga kita baby. I will trust you baby. Alam ko naman na magiging busy ka talaga so aantayin ko na lang na tawagan mo ako o video call. Kain ka na baby. Huwag na muna natin iisipin yan. We still have a week to be with each other before I fly back to the US for my training. Pag-iiba ng topic ni Hunter at nagiging emosyonal na ang nobya nito. Naubos din naman ni Mia ang inihandang pagkain ng boyfriend nya. Gutom talaga ang dalaga. Uuwi muna ako sa quarters baby. Nag-alaala na yun si inay sa akin. Baka talakan pa ako nun. Balik na lang ako mamaya. Naglambing na lang siya sa binata at hinalikan ito sa labi bago siya lumabas ng kwarto nito. Hindi na siya nagpahatid at baka ano pa sabihin ng mga tao sa mansion kapag nakita siya na nasa kwarto ni Hunter. Nay asan ka? Bungad ni Mia sa ina nito pagpasok sa bahay. Oh anak, dito k na pala. Dito na ang may kadate kagabi na nalasing naman. Pero baka nagustuhan mo naman baby yun. Naku Nay, disaster nga yun eh kasi nakakahiya ako. Naglasing ako dun. Hindi ko man lang naisip na baka may makakita sa akin doon. Para na akong timang dun talaga. Andun naman ang Prince charming mo kaya ok lang din. May tagapagtanggol ka naman kaya hindi na ako nag-aalala. Basta anak hinay-hinay lang ha. Ang pag-ibig kasama na ang sakit dyan. Huwag ka na magmahal kung ayaw mong masaktan. Hindi lahat ng araw puro ng bulaklak ang nakikita mo. Kailangan mo maging matapang sa pagharap sa mga darating na problema. Huwag ka masyado magpadala sa mga problema nyo. Hindi ka dapat padadaig sa problema. Biglang niyakap ni Mia ang ina. Salamat Nay, alam ko naman na hindi ka against sa amin. Mahirap lang tayo pero alam naman natin kung saan tayo lulugar. Basta lagi ko tatandaan ang mga pangaral mo Nay. Hindi ko naman kinakalimutan na gusto ko iahon kita sa hirap Nay. Magsusumikap ako na makatapos para magkaroon na tayo ng sariling bahay at negosyo para hindi na ninyo kalingan pang mamasukan. Pang MMK talaga ang peg ng anak ko. Gusto mo ba mag-artsta? Ilalapit kita sa kaibigan ko na talent coordinator. Natatawang sabi ng nanay nito na kapagkuwan sumeryoso na din. Basta nak iingatan mo yang puso mo ha.. Huwag basta-basta iibig ng sobra. Kapag naman magmamahal ka, magtira ka sa sarili mo. Iisipin mo lagi sarili mo. Huwag ibigay lahat lahat kasi kapag nawala baka hindi mo kayanin. Andito lang naman ako lagi sa tabi mo, gagabayan kita. Sino ba naman ang magdadamayan kundi tayo lang na dalawang magaganda. Nakuha pa talaga magbiro ng nanay ko. Patulo na luha ko eh. Bumalik tuloy uli. Ngiting sambit ng dalaga habang naglalambing ng yakap sa ina. Alam ko naman Nay na andyan ka lang palagi para sa akin kaya hindi na ako mag-aalala. Mahal na mahal kita Nay. Ikaw lang ang da best nanay ko in the whole wide world. Nambola pa talaga ang anak ko na ito. Mahal kita anak tatandaan mo lang lagi. Parang may ipapaluto ka ata anak eh. Graveh ka na mambola eh, natatawang sabi ng ina nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD