Ilang araw na lang at paalis na si Hunter kaya nilulubos ni Mia ang mga araw na kapiling ang binata. Namamasyal siya na kasama ang binata, kumakain sila sa labas, nanonood sila ng sine, at out of town din silang dalawa pag may libre pang oras. Iniisip kasi ng dalaga na baka wala ng oras sa kanya ang binata kapag nasa ibang bansa na. Hindi na nito mahahawakan ang oras pag nakabalik na ito doon. As much as possible hindi nya inaaway ang binata at ito din sa kanya. Iniiwasan nilang magkaroon ng sama ng loob sa isa't isa.
Nasa isang beach resort ang magkasintahang Hunter at Mia dahil sa isang araw na lang at lilipad na ang binata papuntang ibang bansa para sa sasalihang tournament. Gusto ng binata na masolo naman ang dalaga ng matagal kaya ipinagpaalam nya ito sa Nanay ni Mia. Pumayag naman ito dahil may tiwala naman sa kanya ang ina ng kasintahan.
Baby malapit ka ng umalis. Ngayon pa lang nalulungkot na ako, baka kapag andun ka sa ibang bansa hindi mo na ako maalala. Naluluhang sabi ni Mia at sumiksik pa sa leeg ng kasintahan.
Baby huwag ka namang ganyan, mas lalo akong malulungkot kapag patuloy kang nagsasabi na hindi kita maalala. Napag-usapan naman natin na magtetraining ako doon baby diba. Initindihin mo na lang na hindi ganun kadalas ang usapan natin o ang pagtwag ko sayo. Hinahaplos na ng binata ang buhok ng dalaga para huminahon na ito.
Sa ngayon baby, mag-enjoy muna tayo ok. Hindi pa tapos ang araw. Madami pa tayong pwedeng gawin. Pwede tayong mag scuba diving, jetski, snorkeling. What do you want baby? Paglalambing ng binata sa kasintahan.
Scuba diving na lang baby kasi hindi ko pa nagagawa yun. Sagot ng dalaga na nakangiti na. Ayaw na iparamdam ni Mia na nalulungkot siya kahit ang totoo ay gusto na nyang umiyak ng todo. Gagawin na lang nyang memorable ang mga araw na kasama nya ang binata.
Baby magbihis na tayo para makaalis na for our scuba diving.
Tara baby, yaya na din ni Mia.
Nagpakasaya ang dalawa sa last day date sa beach resort. Pagkatapos nilang magscuba diving nag-aya ang binata na kumain sa floating resto.
Baby ang ganda naman dito. Salamat sa pagdala sa akin. This will be one of the best memorable day with you.
You're welcome baby. I will also cherish this moment with you. Madamdaming sabi din ng binata at hinalikan sa noo ang dalaga.
Tara kain na baby. Alam kong gutom na na..
Pareho lang tayong gutom. Tingnan mo nga yung inorder mo oh. Parang fiesta na. Tugon naman ng dalaga sa kasintahan.
Para naman sulit baby. Ito ang last dinner natin for the meantime since tomorrow night na ang flight ko baby. Biglang tinigil na ng binata ang pagsasalita ng nakitang namamasa na ang mata ng dalaga sa nagbabadyang luha nito.
I'm sorry baby, my bad. Hindi ko pala dapat pinaalala ang pag-alis ko.. I'm sorry, nag peace sign pa ang binata sa dalaga at hinapit ang bewang nito. Hinalikan na din nito ang labi ng dalaga ng mabilis..
Its ok baby. I already accepted the fact na aalis ka pero babalik ka, yun ang pinanghahawakan ko. Hinalikan na din nito ang binata.
Thank you baby, I am happy now, hindi ka na galit sa akin. Makakatulog na tayo mamaya ng masaya. Hindi nga pala tayo makakatulog mamay kasi lulubus-lubusin ko ang bonding nating dalawa mamaya. I want to feel you later baby, all of you. Pabulong na sabi ng binata na nagpablush sa dalaga kaya kinurot na nya ng pasimple si Hunter.
Baby talaga ang dami mo pang sinasabi dyan. Pabulong bulong ka pa eh bibigay naman ako sayo kahit hindi mo na ako kulitin kasi ako pa ang mangungulit sayo. Pabulong din ang pagsasabi nito sa binata at hinalik halikan pa nito ang leeg ng binata.
Baby huwag mo naman ako ganyanin in public at baka hindi ako makapagpigil sayo at marape kita in front of many people. Baka maeskandalo sila, mahirap na baby. Bka dumami pa ang mga makiki-usyuso.
Sira ka talaga, tinampal ito ng dalaga na tawang-tawa ito sa pagbibiro ng binata.
Mas maganda naman kausap ang may sense of humor, no boring day baby. Niyakap nito mula sa likod ang dalaga.
Nagkayayaan silang dalawa na maglakad-lakad muna para bumaba ang kinain nila. Magkahawak kamay sila habang naglalakad. Maganda ang buwan sa gabing iyon, napaka romantic.
Ang ganda ng gabi baby. This is so romantic. This is all I wanted, ang makasama ka. Ang mga pagkatataong ganito na magkayakap tayo, na masaya tayong nag-uusap. Ito ang mamimiss ko baby. Antayin mo ako baby ha. After tournament, I will be back for you baby. Huwag ka ding magsawang intindihin ako baby ha. Gagawa ako ng paraan na makausap kita at makamusta every now and then. Pagkatiwalaan mo lang ako baby. Mahabang litanya ng binata na nakapagpaluha na sa dalaga.
Ang saya ko baby. Salamat sa lahat, sa pagmamahal mo, sa pang-unawa at higit sa lahat pinapasalamatan nota sa mga ginagawa mo araw-araw. Ikaw lang sapat na para lumigaya ako.
Mahal na mahal kita baby ko. Wala ng iba. Ikaw lang ang natatanging mamahalin ko sa tanang buhay ko.
Iingatan mo ang sarili mo doon ha. At higit sa lahat huwag mong papansinin ang mga babae na aaligid sayo dun, baka bigla akong pumunta dun at itigil ang tournament nyo. Madamdaming turan naman ng dalaga na niyaya na ang binata na bumalik na sa room na tinutuluyan nila sa resort.