Penelope's POV "Daming pagkain, Queen, pwede na ba kaming pumasok muna?" bwesit na bwesit na talaga ako sa dalawang lalaki na 'to. Kung hindi ko lang 'to kailangan sana hindi ko na sila dinala pati 'tong si Calli, manang-mana talaga sa kuya niyang patay gutom kaya ayun hindi man lang ako hinintay na sumagot, dumeretso silang tatlo dun sa mga nakahain na pagkain at talagang nag-aagawan pa. Hello, andito kami para iligtas ang kaibigan ko hindi 'yung pagkain ang pinunta dito, patay talaga sa akin ang tatlong 'to mamaya. Umiling na lang ako tapos umupo na ako sa side na upuan ko, kung itatanong niyo kung ano ang suot namin ngayon. Naka gown ako na black tapos bagsak na bagsak pa to sa sahig kaya nahirapan ako, hindi kasi kami pwede dun sa suot namin eh, hindi kami pinapasok ng mga guard kaya

