Penelope's POV "What are you doing here?" inis na tanong ni Vensa sa akin. You heard it right, Ven, 'yung babaeng girlfriend umano ni Zain. Nandito lang naman ako sa tabi niya kasi nga pinili rin akong model. Hindi ko ini-expect na masasali rin siya, akala ko kasi mga magaganda na tulad ko lang ang pwede. Totoo naman. Why is she even here? Hindi naman siya kagandahan. At ang kapal niya pa ah, ako pa ang tinanong niya? Hindi pa ba obvious na model rin ako sa kompanyang 'to? "So, ano naman sayo kung nandito ako? May problema ba?" Taas noo kong tanong sabay ikot ng mata ko sa kanya. Umayos siya ng tayo 'saka ako binalingan nang makamandag na tingin, but I ignored her. "Akala ko mabait kang babae, Annie, hindi naman pala." saad niya. Hindi ko naman sinabi na mabait ako, at tsaka bakit nama

