Kabanata 3

1436 Words
Bea's POV Nagtataka ako nang sinalubong ako ni Beta at mukhang masaya siya habang hawak-hawak ang isang bigkis ng pulang bulaklak na alam ko na agad kung kanino ito galing. "Dean! Dumating ka na pala!" masayang tawag niya sa akin kaya ngumiti na lang ako ng pilit sa kan’ya lalo’t hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. "Kamusta, Beta? Ang aga mo naman yata," mahinang sabi ko kay Beta lalo’t mamayang alas sais pa sana ang pasok namin. Napaaga lang ako lalo't nag-away na naman kami ni Dillan kanina. Lumalaki na rin si Dillan na rebelde lalo’t hindi niya matanggap na ako ang ate niya at si Mama ang naging Ina niya. Wala naman akong magagawa. Hindi niya gusto ang trabaho ko, gusto ko na lang matawa sa ideyang ‘yon lalo’t ang trabaho ko ang dahilan kung bakit kumakain pa ito ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral ng walang pino-problema na babayarin. Nakakasama man sa loob ay kailangan kong intindihin ang kapatid ko lalo’t sila na lang ang meron ako. "Hinahanap ka ni Madam, mukhang may sasabihin na naman sa 'yo," nakangiting sabi ni Beta sa akin at hindi man lang nahalata na hindi maganda ang timpla ko ngayon. Sanay na si Beta sa kalamigan ko kaya masaya ako kahit papaano dahil natitiis pa rin niya ako. Palagi na lang masama ang loob kong pumapasok sa trabaho at mabigat din ang loob na umuuwi. "Kung tungkol sa pera ay madali naman akong kausap, pero kung hindi at uutusan na naman niya akong tanggalin ang lahat ng saplot sa katawan ko habang sumasayaw ay huwag na lang. Hindi ako intresado,” mahinang sabi ko lalo’t isa na naman ‘yon sa dahilan kung bakit mas lalayo na naman ang loob ng kapatid kong si Dillan sa akin. Nahihiya na kasi siya lalo’t marami sa kaklase ng kapatid ko ang nakakaalam ng trabaho ko at ni Mama. "Mukhang hindi naman tungkol doon, Dean. Mukha ngang may iba pa e lalo't hindi ka makumbinsi ni Madam na maghubad talaga, tsaka mukhang dating gawi... mukhang makakapanood na naman tayo ng kababalaghan dahil may VIP mamayang pupunta na sinabi ni Madam," sabi ni Beta kaya tumango na lang ako. "Mag-aayos lang ako tapos pupunta ako sa opisina niya," mahinang sabi ko kay Beta. Kailangan ko munang mag-ayos at lagyan ng kung ano-anong kolorete ang mukha ko para sasalang na lang ako kapag oras ko nang sumayaw. Madalas din ang mga VIP customer namin. Tatlong palapag ang bar na pinagtratrabahuan ko. Sa ikalawa at ikatlo ay doon na nangyayari ang mga kababalaghan kapag gusto ng lalaking maikama ang mga prostitute sa amin, Doon din ang mga VIP rooms na madalas ay kinukuha ako para sumayaw sa mga VIP na customer. Doon ko nasasaksihan ang walang sinasanto pati ang mga alagad ng batas. Dahil ang ibang mga Councilor sa lugar naming ay minsan ko nang sinayawan. Meron pa nga na gusto akong gawing kabet at ilabas ngunit buti na lang ay takot din ang mga ito na mailabas ang baho lalo’t tinakot ko na isusumbong ko sila kapag tuluyan pa akong ayain sa hindi ko gustong gawin. Kung tutuusin ay madaling pera ‘yon pero hindi ko na alam ang ihaharap ko sa mga kapatid ko kung tutulad ako kay Mama sa pagbebenta ng katawan. Nadala na rin ako sa Mama ni Homer noong muntik na akong mapatay nito. "Hinahanap mo raw ako," mahinang kuha ko sa atensyon sa Amo namin. Nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti sa labi niya kaya alam kong maganda ang timpla niya ngayong bai. Mukhang maganda rin ang balitang sasabihin niya sa akin. I’m easy to talk to, especially since I know I’m the favorite of my Boss now. Kaso hindi ko pwedeng pagkatiwalaan ng buo ang amo ko lalo’t mabilis itong magtapon ng babaeng hindi nagpapasok ng malaking pera rito sa bar. Kung dumating ang araw na hindi na ako tangkilikin ng mga halang ang sikmura ay kailangan ko ng sapat na ipon. Hindi ako pwedeng magpakampante lalo’t parang gulong ang buhay ng tao. Hindi araw-araw ay nasa itaas ka. "Alam mo ba na may magso-shoot ditong mga artista!?" masaya niyang sabi sa akin kaya naman napataas ako ng isang kilay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit masaya pa siya dahil kung tutuusin base sa pagkakaintindi ko ay may mga artistang gustong gamitin itong bar para siguro sa panibagong ilalabas na palabas sa telebisyon na konektado siguro sa pagtra-trabaho sa bar ng mga bidang gaganap. Masaya pa ang Amo ko samantalang mukhang mababakante ako ng ilang gabi kung tatagal ang gagamit dito sa bar. Siya lang naman ang kikita. Pasimle akong napairap dahil sa inis na nararamdaman ko, dahil sa kagarapalan ng Amo ko sa pera lalo’t ito lang yata ang makikinabang. "Ano ang kinalaman no'n sa akin kung gano'n? Bakit mo ako pinatawag dito?" tanong ko habang naiinis na. Mukhang mas dumagdag lang ng sama ng loob ko ang Boss ko. Alam naman niya ang ugali ko, pinapakisamahan lang siguro talaga niya ako dahil minsan na niyang hinawakan ang Mama ko o dahil lang sa kadahilanang malakas ang hatak ko ng mga customer dito sa bar. "Syempre malaki! Sinabi nang nakausap kong hahawak sa palabas ay kailangan ng ibang mananayaw dahil meron 'yon sa eksena sa palabas at ikaw ang napili ko at sila Akira dahil naging stripper naman si Akira. Konting tao lang para maging extra sa palabas," sabi niya sa akin habang nakangiti pa. "Mas malaki kikitain?" tanong ko kaya naglaban kami ng titig ng Amo ko. Kailangan na kailangan ko ng pera. Balak kong ipasok sa paaralan para sa may espesyal na pangangalaga ang kambal kong kapatid para naman malaman ko ang dapat gawin sa tuwing sinusumpong ang mga ito dahil sa autism. Para rin hindi habang buhay na manatili silang nahihirapan dahil sa sakit nila kung pwede namang maagapan at madaan sa therapy. Hindi ako susuko para sa mga kapatid ko. Kahit pa ito na lang sana ang mabigyan ko ng magandang buhay, Kapag naibigay ko na ‘yon ay tsaka ko aabutin ang pangarao kong magtrabaho sa ibang bansa. Malayo sa mapanghusgang kinalakihan ko. "Kaya gustong-gusto kita, Dean e. Parehas tayong pera ang inuuna. Matalino ka talaga at ayaw na nalalamangan," nakangising sabi ng Amo ko kaya napairap na lang ako. Sa hindi patas na mundong ginagalawan namin ay kailangan ko rin maging makasarili para sa taong mahal ko sa buhay. "Hindi pwedeng ikaw lang ang kikita ng malaki lalo't gagamitin mo kami nila Akira. Kung hindi naman tataas ang kita ko, bakit ko pa hahayaan makita sa publiko ang mukha ko para sa panibagong panghuhusga kung wala naman akong mapapalang malaking pera." "Hindi naman makikita ang mukha mo lalo't nakamaskara ka lang naman at sa tingin ko ay isang beses lang makikita ang pagsayaw mo," mahinang sabi niya sa akin kaya napataas naman ako ng kilay ko. "Kahit pa. Itataas mo ang perang makukuha ko o maghanap ka na lang nang sasayaw hanggang sa matapos ang pakay ng mga uupa rito," mahinang sabi ko kaya nakita ko ang pagngisi niya sa akin. "Okay! Okay! Kung 'yan ang gusto mo, Dean. Deal?" Inilahad niya ang kamay sa akin para makipagkamay kaya naman lumapit ako rito at nakipagkamay sa kan’ya. ‘Para sa pera,’ mahinang sabi ko sa isip ko. "Sa ganda mong 'yan ay imposibleng hindi ka mapansin ng Director," pabirong sabi niya sa akin. Hindi ko na ‘yon pinansin lalo’t wala naman akong balak. Kung tatanggapin nga ako kahit modelo lang dahil wala naman akong talento sa pag-arte sa harapan ng kamera ay hindi ako intresado. Alam ko kasing mahahalungkat pa sa publiko kung gaano ako kababang babae. Kapag malaki ang pasok ng pera ay tatanggapin ko pero kung hindi naman ay mananatili na lang ako sa alam kong makakatulong sa akin at makikinabang ako ng malaki. 'Bahala na,' mahina niyang sabi ko sa isip ko. Lumabas ako ng opisina ng amo ko lalo’t maya-maya lang ay sasabak na ako sa entablado para sumayaw. Napatingin ako sa mga kasamahan kong nag-aayos na dahil nakita ko mula sa ikalawang palapag ang pagdami ng tao sa loob ng bar. Panibagong gabi na kailangan kong tiisin muli. Panibagong gabi sa hamon ng buhay. Panibagong gabi para kumita ng pera. Panibagong gabi para muling humawak sa patalim upang malasap naman ang kaginhawaan na hindi man lang ako pinayagan na makalasap ng hindi naghihirap. Napabuntong hininga ako at muling pinaskil sa mga labi ko ang pekeng ngiti para simulan ang mahabang gabi ng paghihirap. Gabi kung saan makakakita na naman ako ng hindi kaaya-ayang gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD