Kabanata 2

2041 Words
Bea's POV "Ate!" masaya akong sinalubong ni Kristina, ang nauna bago ang kambal. Napatingin ako sa relo ko at nagtaka kung bakit nasa bahay pa rin namin si Kristina. Alas syete na ng umaga at dapat nasa eskwelahan na ang mga kapatid ko maliban syempre sa kambal na limang taong gulang palang. Umaga na rin kasi ang uwi ko… dahil nga sa trabaho ko, kami ang tinatawag ng karamihan na, ‘tulog sa umaga, gising sa gabi.’ "'Di ba dapat nasa ekwelahan ka?" Si Kristina ay labing-isang taong gulang at kasalukuyang elementarya. "Hindi muna ako papasok ate," mahinang sabi ni Kristina kaya naman napataas ako ng isang kilay ko. Bago ‘to lalo’t ayaw na ayaw ng mga kapatid ko ng lumiliban sa klase. Isa rin sa pinagpapasalamat ko lalo't masisipag silang mag-aral. Kaya bakit hindi ako sisipagin na magtrabaho kung ang mga kapatid ko naman ay may matataas na pangarap sa buhay? Isa pa inaasahan kong ang kambal na lang at si Manang Rosie ang madadatnan ko. Si manang Rosie ay kapitbahay lang namin at siyang nag-aalaga sa kambal kapag wala pa ako. Inaabutan ko na lang ng kahit na dalawang daan dahil alam ko naman na mahirap alagaan ang kambal dahil sa kalagayan nila. Dapat nga ay kanina pa akong alas-singko umuwi kaso marami-rami ang makulit na customer kanina na tinatanong kung magkano ang isang gabi ko. Nakakainis din pero ayaw ko lang gumawa ng eksena sa pinagtratrabahuan ko lalo’t makakapukaw na naman ng mga pang-iinsulto. Kung maaari ay ayaw kong pasukin ang gano'ng larangan para sa pera. Tama na 'yong halos wala akong suot na sumasayaw. Tama nang kahihiyan 'yon at wala na akong balak na dagdagan pa 'yon kung ayos naman na ang kinikita ko sa pagsasayaw. Tama nang ganito ang trabaho ko. Baka hindi na rin ako mapatawad ni Dillan kung mas ilulubog ko pa sa kahihiyan ang sarili ko. Ayos naman ang kita ko sa pagiging stripper sa ngayon kaya ayaw kong tinatanong ang isang gabi ko. Naiirita ako kahit pa ba sanay na ako sa mga gano'ng klase ng lalaki. Wala pa rin karapatan ang mga 'yon na husgahan ako sa kabila ng trabahong pinapasukan ko. Dapat lang ay may respeto pa rin ang mga ito sa mga katulad kong babae na tinalikuran lang ng panahon. "Bakit hindi ka papasok?" tanong ko rito kaya napakamot naman ito sa batok. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok. Isa lang naman ang dahilan ng mga kapatid ko tuwing umaaway ang mga ito na pumasok sa paaralan. "May nang-bully na naman ba sa 'yo sa eskwelahan niyo? Gusto mo bang pumunta si Ate?" tanong ko kay Kristina kaya naman nakita kong nawala ang ngiti sa mga labi ni Kristina. Tama nga ang hinala ko. Siguro nga ay ganito lang akong klase ng babae pero hindi ko hahayaan na maliitin ang mga kapatid ko dahil lang sa trabaho ko. "Aalagaan ko na muna sila Hans, Ate. Lalo't si Mama ay may ibang lalaki na naman pong inuwi," sabi ni Kristina kaya nakaramdam ako ng inis kay Mama. Ito na naman kasi si Mama na hindi pa rin nadadala sa mga lalaking bandang huli ay iiwan na naman siya. Nakakapagod na pangaralan ang isang Ina na wala namang pakialam sa mga anak niya. Parang iniluwal niya lang kami sa mundong ‘to para lang pagkakitaan. "Mamaya mag-usap tayo ah, pumunta ka na muna sa kwarto niyo nila Hans," mahinang sabi ko kaya tumango naman si Kristina. Mukhang nakapasok na si Dillan, Mea, at Samantha dahil naiwan dito sa bahay si Kristina at ang kambal na sila Hans at Hazelline. Ngayong taon matatapos si Dillan sa highschool sa edad na labing pitong gulang. Si Mea ay nasa labing limang taong gulang na at sumunod naman dito si Samantha na trese anyos, parehas din na nasa highschool palang. Si Kristina naman ay elementarya sa edad na labing isa. Ang kambal naman na siyang bunso namin ay limang taong gulang palang. Lahat nakaasa na sa kinikita kong pera kaya kailangan na kailangan kong tiisin ang pagsasayaw. Dahil wala rin namang silbi si Mama. Umuuwi lang dito na para bang wala siyang mga anak. Kung hindi ko lang siya nirerespeto bilang Ina naming ay matagal na kaming nagkasalpukan na dalawa. Galit na galit ako sa kan’ya, masyado nang malago ang mga ugat nang galit ko sa kan’ya. Sobrang bata pa ng mga kapatid ko kaya hindi ko kayang iwan lalo't natatakot akong magaya ito sa akin na walang pinag-aralan. Baka gawin din ni Mama sa mga kapatid ko ang ginawa niya sa akin. Nang nasa labas na ako ng pinto ng kwarto ni Mama at kakatok na sana nang makarinig ako ng hindi maganda sa pandinig ng mga kapatid ko. “Ito na naman tayo,” mahinang sabi ko at madiin na napahawak sa doorknob. "Ah! Bilisan mo pa, Jazz!" ungol ni Mama kaya nawalan na naman ako ng gana at nasira na naman ang buong araw ko. Bayad siya o hindi ay hindi niya dapat dinadala rito ang mga lalaki niya. Galing ako sa pagtratrabaho tapos ganito pa ang mauuwian ko. Buti na lang kahit papaano ay ang mga kapatid ko ang dahilan kung bakit lumalaban pa rin ako sa buhay. "Ah! Oh! Malapit na ako!" Tumalikod ako sa pinto ng kwarto ni Mama. Bumaba at tumuloy na lang ako sa maliit naming kusina. Katabi lang ng kusina namin ang sala samantalang sa ikalawang palapag ng inuupahan naming bahay rito sa Tondo ay ang apat na kwarto. Ang isa ay para kay Mama, sa akin naman ang isa, kay Dillan ang pangatlo, at ang may kalakihan ay kila Samantha, Mea. Kristina, at sa kambal. Madalas din kapag nandito ako sa bahay namin ay sa akin tumatabi ang kambal. May dalawang double-deck bed naman sa kwarto nila Sam. Hindi na problema ang higaan ng mga kapatid ko at hindi naman nagsisiksikan lalo't may tag-iisang higaan maliban sa kambal na nagtatabi namang matulog. Grabe ang hirap ko para lang mabili ko ang double-deck bed ng mga ito lalo't mahal talaga. Habang nagluluto ako ng agahan ko at ng mga kapatid ay pumasok sa kusina si Mama at dumeretsyo sa refrigerator. Napabuntong hininga ako at humarap kay Mama na kasalukuyang umiinom ng tubig. Kailangan ko itong kausapin. "Mama, kailangan po bang iuwi mo na naman ang lalaki mo rito?" mahinang tanong ko kaya nakita kong kumunot ang noo niya at masamang tumingin sa akin. Kalmado palang ako pero masamang tingin agad ang binigay niya sa akin. "Bakit? Huh? Ikaw lang ba ang nagbabayad dito sa bahay?" inis na tanong sa akin ni Mama. Pinanganak ako nito sa edad na labing-limang taong gulang. Bata lang talaga siya nang pinagbuntis ako. Kaya naman hindi pa gano'n katanda si Mama ngayon na para bang kapatid ko lang. Lumaki kasi sa kalsada si Mama at walang tumayong pamilya kaya ganito ang naging kapalaran niya na gustong ipasa sa akin. Katulad ng binigay niya sa aking buhay ay tinalikuran din ng pagkakataon si Mama. Pero imbis na maging mabuting Ina sa amin ay kabaliktaran ang nangyari. "Sa nakalipas na tatlong taon, Mama. Ako na po ang nagbabayad sa mga gastusin sa bahay," maanghang na sabi ko kaya nagliliyab ang mga mata niya sa akin. Noon kasi ay naghahati pa kami ni Mama sa gastusin ngunit hindi nagtagal ay ako na ang nagbabayad sa mga gastusin na dapat ay ito ang nagbabayad dahil sa nagpag-usapan namin. Madalas ay sinasarili niya ang pera niya na parang walang responsibilidad sa bahay nila. Bumibili naman ng ibang pangangailangan ng mga kapatid ko kaya hindi na lang ako nagreklamo sa kan’ya kahit hindi na siya nakakapagbigay sa mga gastusin sa loob ng bahay namin. "Sinusumbatan mo na ako ngayon? Huh? Bea?! Nanunumbat ka na?" galit na sigaw niya sa akin kaya naman napahawak na lang ako sa noo ko. Mag-aaway na naman kaming dalawa. "Mama ang akin lang naman po... marami namang motels d'yan o pwede rin sa bahay ng lalaki mo," mahinang sabi ko bago umiwas ng tingin sa kan’ya. Umaasa akong maiintindihan niya kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko sa kan’ya. "Mama, may mga bata po rito sa bahay. Hindi po maganda na nakikita nilang paiba-iba ka ng lalaking iniuuwi rito." "Huwag mo akong pinapangaralan, Bea! Utang niyo lahat ng buhay na meron kayo sa akin!" "Mama! Wala naman akong sinabi na hindi ka pwedeng magpapalit-palit ng lalaki! Huwag mo lang pong dinadala rito! Hindi ka ba naawa? Nag-aaral sila Dillan. Naaapektuhan sila lalo noong kumalat sa school nila Dillan na naging kabet ka na naman ng ama ng kaklase ni Dillan." Hindi nakapagsalita si Mama dahil sa sinabi ko kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko bago tumitig sa mga mata ni Mama. "Ma, maawa naman po kayo. Kahit kila Dillan na lang. Huwag niyo na pong pinapakita sa kanila na iba na naman ang lalaking kasa-kasama niyo," mahinang sabi ko. Umiling-iling si Mama na para bang natatawa sa mga sinasabi ko. "Hindi ko akalaing lalaki kang gan'yan, Bea. Sabihin mo, kaya mo na ba ng wala ako?" galit na tanong ni Mama. Gusto kong matawa para pigilan ang luha sa mga mata ko. Noong nagkaroon ako ng isip at tumayo sa sarili kong mga paa ay hindi ko naman naramdaman ang pagmamahal ni Mama. Hindi ko nga alam kung may Nanay pa talaga ako. Tsaka ko lang malalaman na meron pa pala akong Ina kapag lumobo ang t'yan niya at panibagong aarugain ko. Iniluwal niya lang talaga ako para pagkakitaan ng pera. Tsaka ko lang naman mararamdaman na may Ina pa ako kapag nadagdagan na naman ang kapatid ko. Kaya ko ngang buhayin ang mga kapatid ko nang wala ang tulong ni Mama. Ngayon tinatanong niya sa akin kung kaya ko bang wala ito... pinapatawa lang ako ng sariling kong Ina. "Sa akin mo pa po tinanong 'yan?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Ang yabang mo ah! Akala mo malinis ka..." lumapit ito sa akin at malakas na itinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo niya, "hoy babaeng mayabang! Kung hindi ba ako nagpalahi sa Tatay mong Italiano ay meron kang gan’yan kagandang mukha, huh?! Mapapakinabangan mo ba 'yan kun'di dahil sa akin?! Huh?!" Nagpipigil ako ng galit habang tinutulak-tulak ni Mama ang ulo ko at sinusumbatan ako na pag-aari niya ang buhay ko at dapat pa pala akong magpasalamat sa buhay na hindi ko naman hiniling na magkaroon. "Ang problema lang po rito ay ang pag-uuwi mo ng iba't-ibang lalaki rito, Mama. Ikaw ang nanumbat kahit wala naman akong sinasabing hindi maganda," mahinang sabi ko habang nakaiwas ng tingin kay Mama. "Aba! Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin, Bea. Kung kaya mo na palang mag-isa at ayaw mong nakikita akong nagsasaya, ikaw ang umalis, isama mo mga kapatid mong pabigat sa buhay ko!" maanghang na sabi ni Mama kaya napangisi naman alp. Kami pa talaga?! Ang mga kapatid ko pa talaga. "Vanessa." May pumasok na lalaki sa kusina namin at alam ko agad na ito ang kasama ni Mama. Halatang mas bata pa kay Mama ang lalaki. "Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Mama kaya Nakita ko naman ang ngiti sa labi ni Mama. "Oo naman. Halika na Jazz, sa labas na lang tayo kumain lalo't itong babaeng 'to na akala mo kung sino ay sinesermunan ako," sabi ni Mama bago ako itulak at hinila papalabas sa kusina ang lalaki niya. Nakita ko pa kung paano ako titigan mula ulo hanggang paa nang lalaki at kung paano dumaan ang pagnanasa sa mga mata niya. "Tang-ina kung ipagtanggol mo akala mo matino ang lalaking inuwi mo rito," malamig na bulong ko at napabuntong hininga. May mga babae akong kapatid. Hindi nag-iisip si Mama na mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon lalo't tandang-tanda ko pa ang paninilip sa akin noon ng lalaking idinala ni Mama rito sa bahay. Mabuti sana kung ako lang, sanay na akong mabastos. Paano ang mga kapatid ko? "Tang-inang buhay 'to... kapag may sapat lang akong pera ay iiwan kita. Hindi ka pa magpasalamat na nirerespeto pa rin kita sa kabila ng mga kasalanang ginawa mo," mahinang sabi ko bago pinunasan ang isang butil ng luha na bumagsak mula sa mga mata ko. Nakakasama ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD