Kabanata 14

1655 Words
Bea Dean’s POV “Kumusta ang kapatid mong si Kristina?” tanong ni Beta habang nasa kalagitnaan kaming dalawa ng pag-aayos ng mga gamit namin dahil tapos na ang trabaho namin sa bar. Balik kami sa normal nang matapos ang shooting ni Sir Sky rito sa bar at balik din ang trato sa ‘min ng amo namin kung saan balik kami sa pagiging taga-aliw ng mga lalaking uhaw sa tawag ng laman. Pinaninindigan ko pa rin ang sinabi kong hindi ko hahayaan na maibigay ko ang sarili ko sa kahit na sinong lalaki rito sa bar kahit na bumalik din sa pangungulit sa ‘kin ang manager namin. Alam ko… naibigay ko na ang sarili ko kay Sir Sky. Naisuko ko ang sarili ko sa kan’ya na kinain ko ang sarili kong sinabi na hindi ako magiging katulad ni Mama na isang bayarang babae at nagbibigay ng ibang serbisyo sa isang lalaki. Ngayon… hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon o kung babalik pa ba siya o kung nag-aalala siya para kay Kristina. “Hindi pa rin ayos kung tutuusin. Marami pang kailangan gawin sa katawan niya para tuluyang maka-recover. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising,” ani ko habang papalabas kami sa bar na pinagtra-trabahuan namin. “Bukas pa lang ako makakaabot ng kaunting tulong ah, Dean. Pagpasensihan mo na pero ‘yon pa lang ang kaya kong iabot para makatulong,” ani ni Beta habang inaayos niya ang suot niyang jacket. Kahit papaano ay napangiti naman ako. “Gusto kong hindi tanggapin ang ibibigay mo pero kailangan na kailangan ko ngayon kaya kukunin ko ‘yon,” ani ko at nilaro ang mga daliri ko. Naaawa na ako sa kalagayan namin. Ang kabayaran sa gabing pinagsaluhan namin ni Sir Sky ay tila natunaw lang sa kamay ko nito mga nakaraang araw. Apat na araw na ang nakararaan simula nang may mangyari sa amin ni Sir Sky. Naging tahimik naman ang lahat at hindi rin naman niya ako tinawagan pa ulit. Hindi naman ako nag-eexpect na tatawagan pa niya ako ulit para lang painitin ang gabi niya. Saka hindi na ako magtataka kung gawain niya ang ganito sa mga babaeng pinagnanasahan niya. Hindi ko inaasahan na palobo nang palobo ang bills namin sa hospital. Napagpasyahan kong ito na ang huling semester ng kambal at kailangan na tumigil na muna sila dahil nga hindi ko talaga kaya ang gastusin nang sabay-sabay. Halos naubos lang kasi ng isang iglap lang ang halaga ng perang ibinayad sa akin ni Sir Sky. ‘Yon ang kauna-unahang pagkakataon na makakahawak ako ng gano’n kalaking pera pero natunaw lang ‘yon ng isang iglap. Si Kristina kasi ay may mga test pa na kailangang gawin. Binabayaran ang bawat araw niya sa hospital. Nakailang hingi na rin ako ng tulong sa lahat ng pwede kong malapitan. Dahil nga on going ang kaso sa nangyari kay Kristina ay nakakatanggap naman kami ng konting tulong sa barangay namin. Iniisip ko pa si Dillan. Ilang linggo na lang ay papasok na siya sa college. Ayaw ko namang tunawin ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Ayaw kong sabihin na hindi ko kaya dahil baka mag-away lang kaming dalawa kaya naman sinamahan ko siyang magpa-enroll kahit na ayaw niya kahapon para rin makapagtanong sa Dean nila sa mga scholarship na pwedeng applyahan ni Dillan. Doon na lang kami kumakapit ngayon. Kahit kong mag-doble-kayod para sa mga kapatid ko. Napapagod na ako pero wala akong pamimilian. “Dean, mauuna na ako! Sigurado kang hindi ka na magpapahatid sa hospital?” tanong ni Beta. Nakita ko agad ang motor ng nobyo nito at halatang sinusundo siya. Ngumiti naman ako kay Beta at umiling na lang. “Balak ko rin bumili ng pagkain para sa umagahan ng mga kapatid ko. Alas kwatro na, hindi magtatagal ay magbubukang-liwayway na rin. Balak kong aglakad-lakad din bago umuwi," ani ko. Ngumiti naman si Beta dahil sa sinabi ko bago kumaway sa 'kin at naglakad papalapit sa nobyo niya. Hindi ako fan ng mga couple na naglalampungan sa harapan ko dahil sa naging hinahantungan ng una kong pag-ibig. Pero nakakatuwang sa kabila nang trabaho ni Beta ay mukhang masaya naman silang dalawa sa relasyon nila. Agad akong napasabunot sa buhok ko nang bigla na namang sumagi sa isip ko ang kalapastanganang ginawa namin ni Sir Sky. Napabuntong hininga ako at natigilan lang nang may marinig akong malakas na busina kaya agad akong lumihis at tumingin sa likuran ko. Agad akong nagsisi dahil sinalubong ako ng sobrang liwanag na ilaw. Pumikit ako ng ilang beses dahil masakit sa mga mata ang liwanag no'n. "Ganda, sakay na." Biglang nangunot ang noo ko dahil sa pamilyar na boses sa harapan ko. Agad bumungad sa akin ang tauhan ni Sir Sky. Ito rin ang sumundo sa akin apat na araw na ang nakararaan. Tatalikod na sana ako dahil alam ko namang manyakis ang lalaking 'to. Ininsulto niya ako noong hinatid niya ako papunta sa resthouse ni Sir Sky sa Baguio. Wala akong tiwala sa matandang 'to at kung gusto niya akong kulutin upang pumayag na maging babae niya ay hindi rin naman ako papayag. "Nasa likod si Sir Sky... pumasok ka na sa loob. Kanina pa kami naghihintay sa 'yo," aniya dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko at tila kakawala ang puso ko mula sa ribs ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Hindi ko gusto ang nagiging epekto sa katawan ko kapag malapit sa akin si Sir Sky. Madiin akong napapikit upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit pinuntahan niya pa ako. Nakakabigla lang na muling pupunta sa mga ganitong lugar ang lalaking tinitingala ng nakararami. "Ayoko," ani ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob kong sabihin ang mga katagang 'to. "Nais kang kausapin ni Sir Sky," anito kaya napatirik ako ng mga mata ko bago dahan-dahan na lumapit sa pinto sa likod ng van at bubuksan na sana 'yon para matapos na ang lahat nang automatic itong bumukas. Kahit na may kadiliman sa loob ng van ay dahan-dahan akong pumasok at nang biglang sumara ang pinto ay saka namang lumiwanag ang loob ng van. Namangha ako sa linis at ganda sa loob ng van. Hindi nagtagal ay nalipat ako sa pwesto ni Sir Sky na nasa dulo ng back seat. Seryoso lang itong nakatingin sa bintana kaya naman hindi ko inaasahan na manunumbalik ang mainit na gabing pinagsaluhan naming dalawa. Muli akong napasinghap nang maramdaman ang malaki niyang palad na binibigyan ng init ang buong katawan ko. Dahil nga tanging ang ilaw lang mula sa LED light ng silid ang nagsisilbing liwanag namin ngayon sa loob ay hindi ko maaninagan ng mabuti si Sir Sky. At first, his every movement was gentle on top of me, but the next few were so violent and full of power that he nearly choked me out of breath and because of that, another strong and loud moan escaped from my mouth. "Noong gabing nakita kita sa entabladong 'yon... pinangarap ko nang makita ka sa ibabaw ng kama ko habang inuungol ang pangalan ko, Dean," saad niya. Hindi ko alam kung bakit mas uminit ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Sir Sky. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na niyang inangkin ang katawan ko ngunit wala naman akong naging pagtutol. Hindi ko na inisip ang kung anong mangyayari kinabukasan pagkatapos nang mapangahas na ginawa namin ngayong gabi. Basta ang alam ko lang ay darang na darang ako sa init na nagmumula sa tawag ng laman namin ni Sir Sky. Kinabukasan ay masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa namin ni Sie Sky. Wala siyang kapaguran na binayo ako, na walang pagtutol ko namang tinanggap na siyang naging dahilan kung bakit halos pagsisihan ko ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang gwapong pagmumukha ni Sir Sky ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. The handsome superstar with an enormous beast. "Tatayo ka na lang ba r'yan? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko, Dean?" tanong niya kaya naman natigilan ako. Hindi ko namamalayan na seryoso na siyang nakatingin sa akin na para bang kanina pa siya maraming nasasabi pero hindi ko lang siya binibigyan ng pansin dahil naglalakbay ang isip ko sa mainit na gabing pinagsaluhan naming dalawa. Biglang sumagi sa isip ko na baka naninigurado siyang hindi ko sinisira ang pangalan niya dahil sa nangyari sa 'min. "Iniisip mo bang hindi ako susunod sa napag-usapan kaya gusto mo akong kausapin ngayon? Katulad nang sinabi ko noon sa 'yo, wala akong balak na ipagkalat ang nangyari sa atin dahil kung tututuusin ay bayad naman ang serbisyo ko kaya huwag kang mag-alala... safe na safe ang sekreto mo. Hindi kita ipapahiya na namili ka ng isang bayarang bab---" "Bakit hindi mo sinasabi sa akin na wala pang lalaking nakagalaw sa 'yo?" bigla niyang natanong kaya namula ako at nag-init ang buong mukha ko. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago sumagot, "Hindi mo ako birhen na nakuha." "Pero may dugo sa bedsheet ng kama k---" "Hindi mo ba nakikita kung gaano kalaki 'yang p*********i mo?!" may kalakasang tanong ko. Hindi ko napigilan na magtaas ng boses dahil hindi ako komportable sa pinag-uusapan namin. "Hindi ba pwedeng deresyahin mo na ako? Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin, Sir Sky?" Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko pero nagkakamali ako dahil nakita ko lang ang ngisi sa mapupula niyang labi. "Ano ang gusto kong sabihin sa 'yo? Mali ka yata ng tanong, Dean. It's 'Ano ang gusto kong gawin sa 'yo?' at hindi kung ano ang nais kong sabihin sa 'yo." "Ano?" "Well, let's make a deal. An agreement that we both benefit from. Pera para sa 'yo at init ng katawan para sa 'kin?" "Nahihibang ka na ba?" malalaki ang matang tanong ko sa kan'ya. "Come on, Dean... isipin mo na lang ang kapatid mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD