Kabanata 13

1610 Words
Bea Dean's POV Nagising akong masakit ang buong katawan ko dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko. Napabalikwas ako ng bangon na labis kong pinagsisisihan dahil naramdaman ko ang labis na sakit mula sa p********e ko. Malalaki ang matang napatingin ako sa isang bahagi ng kama kung saan wala na roon ang lalaking siyang katabi kong matulog kagabi. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa kagagahang ginawa ko. Hinawakan ko ang comforter na siyang nagtatago ng hubad kong katawan. “Ang tanga mo, Dean. Ang tanga-tanga mo,” mahina kong pinagsasabihan ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Dahil lang nasilaw ako sa pera ay ito ang kinalabasan ng kahibangan ko. Kahit na masakit ang pangangatawan ay pinilit kong bumangon sa napakalambot na kama na kung saan namin ginawa ang kababalaghang pinagsisisihan kong ginawa. “Paniguradong hindi ako patatawarin ni Dillan, oras na malaman ang ginawa kong ‘to,” mahinang sabi ko. Naramdaman ko ang pag-apoy ng awa sa dibdib ko na pakiramdam ko ay unti-unti nakong nilalamon. Uminim ang ilalim ng mga mata ko nang pumasok ako sa banyo. Amoy panglalaki ang banyo, hindi nakapagtataka dahil rest house naman ito ni Sir Sky. Alam kong nakapulot ako ng isang ginto. ‘Yon ay si Sir Sky. Ang pangalang paulit-ulit kong inungol kagabi. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kagarang banyo. Nanginginig ang mga kamay kong pumindot kung saan at halos mapahiyaw ako sa gulat nang sobrang lamig na tumig ang bumuhos sa akin. Kung saan-saan ulit ako pumindot hanggang sa naging maligamgam ang tubig na siyang dahilan kung bakit napapikit ako dahil sa sarap ng tubig na siyang tumatama sa hubad kong katawan. Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundo ngayon ko lang naranasan ang shower na 'to at ganito pa kagara. Sobrang sarap siguro talagang maging mayaman. Sa pagpikit ng mga mata ko dahil sa sarap ng tubig ay bumalik sa ala-ala ko ang lahat-lahat nang nangyari kagabi. Para itong kasing linaw ng tubig kung balikan ng aking isipan. Tila nagliliyab ang buong katawan ko dahil sa ginagawa ni Sir Sky sa akin. Pigilan ko man ay tila may sariling mga isip ang buong katawan ko na sumusunod sa bawat haplos niya sa akin. Nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay tila kinakapos ako ng hininga dahil sa mapusok naming paghahalikan. "Sa tingin mo hahayaan pa kitang hindi pumayag sa gusto ko? Sinabi ko na kanina pa. I want to f**k you, Dean. Name your price, ibibigay ko 'yon sa 'yo," hinihingal na saad niya. Hindi ko alam kung saan pa nanggagaling ang pag-iling ko kahit na darang na darang na ang buong katawan ko kay Sir Sky. Maliban sa una kong nobyo ay si Sir Sky na lang ang bumuhay ng kakaibang init sa katawan ko. Hindi ko nga alam kung anong init ang meron si Sir Sky. Ibang-iba 'to sa init na hatid ni Homer o sadyang hindi ko lamang malaman ang pagkakaiba dahil isang beses lang namang may mangyari sa amin ni Homer no'n? Lalo lang dumagdag sa init na nararamdaman ko ang matigas na bagay na nagtatago na pinaggigitnaan ng mga hita ni Sir Sky. Matigas 'yon at siguradong malaki. Tila nahihibang akong napadaing nang mas idikit pa niya ang matigas na bagay na 'yon sa mga hita ko. Muling hinalikan ng mapang-ahas ni Sir Sky ang mga labi ko. Hindi ko magawang tumutol dahil una sa lahat ay tuluyan nang nadala ang katawan ko sa mainit na apoy na siyang bumabalot sa aming dalawa. Sigurado akong magbibigay ng kakaibang sakit sa akin ‘pag kagising ko kinabukasan ang kalapastanganang desisyon ko ngayong gabi. Pagsisisihan ko ito, sigurado ako. Nakakabaliw. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng pangyayari na nakita ko na lamang ang hubad kong sarili sa salamin sa kisame na tanging nagawa ko lang ay ibaon ang mukha ko sa malambot na unan na para bang doon kumukuha ng lakas. Dahil nakapikit ang mga mata ko ay ramdam ko ang sarap nang bawat pagpasok ng daliri niya sa loob ko na para bang may gustong maabot. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako napapayag ni Sir Sky. "May b-bayad 'to," tanging pagdaing ko. Malalim lang na pagtawa ang natanggap ko kay Sir Sky ngunit hindi niya ako sinagot. “Teka! Wait lang! Naiihi ako,” tarantang sabi ko at sinubukan na alisin ang malaki niyang kamay sa maselang bahagi ng katawan ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang inialis niya ang kamay niya roon at tila may bakal na idinikit sa kaselanan ko. Sinubukan kong silipin kung ano ang mahabang-bagay na ‘yon na itinatama niya nang paulit-ulit. Tila namanhid ang buong ulo ko dahil napagtano kong p*********i nga ni Sir Sky 'yon. 'Bakit ang laki?' tanong ko sa aking isipan na tila hindi makapaniwala sa nakita ko. Napalunod ako dahil sa kabang nararamdaman ko. “Don't move,” baritonong ani niya sa akin kaya napalunok ako dahil tila nanuyo ang aking lalamunan. Bakit gano'n? Bakit parang triple ang laki no'n kesa kay Homer? Napapikit ako ng madiin at ninamnam ang sarap na nalasap nang maramdaman kong bahagyang hinawi ni Sir Sky ang basa kong panty na tangi kong natitirang saplot, saka walang sabi-sabing ipinasok ng pabigla ang kahandaan niya, napahiyaw ako sa sobrang sakit na lumukob sa akin. Natulak ko pa siya ng bahagya dahil sa gulat. Napakagat ako sa kan'yang balikat dahil sa sakit na nararamdaman ko. Para akong muling hinati sa dalawa dahil sa ginawa ni Sir Sky. Dahil din siguro sa suot nitong proteksyon kaya sobrang dali nitong makapasok sa akin. "Aray!" daing ko dahil ramdam ko ang hapdi sa p********e ko dahil sa pagkakabigla ni Sir Sky sa akin. Nag-uunahang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko dahil pakiramdam ko ay punong-puno ako. Naramdaman kong nagulat si Sir Sky sa ibabaw ko. “You’re a virgin?” he asked dangerously. Tulala akong lumabas ng banyo habang nakatapis ng twalya. Hinanap ko ang suot ko kagabi at nang makita 'yon na nakatupi sa ibabaw ng sofa ay nagmamadali ko 'yong kinuha at nagbihis. Madiin akong napapikit ang humugot ng isang malalim na paghinga at pinakiramdaman ko ang aking sarili. Napatingin ako sa kama at nakita ko ang iilang kulay pulang marka roon. Imposibleng birhen pa ako katulad ng sinabi ni Sir Sky kagabi dahil alam ko sa sarili kong una kong ibinigay ang sarili ko kay Homer. Nagkakamali siya. Siguro nga'y sobrang laki lang ng p*********i ni Sir Sky na siyang dahilan kung bakit ko ito ang sinapit ko. Pinanatili ko ang kaseryosohan sa mukha ko nang lumabas ako sa kwarto kung saan ko sinuko ang sarili ko kay Sir Sky. Dahan-dahan akong naglakad pababa sa hagdan sa kabila ng sakit na nararamdaman ko mula sa p********e ko. "Where do you think you're going?" Nabigla ako nang maramdaman ko ang boses ni Sir Sky sa likod ko. Madiin akong napapikit upang pakalmahin ang sarili ko bago dahan-dahan na humarap sa kan'ya. Bumungad sa akin ang walang ganang mukha ni Sir Sky habang nakaupo sa kalagitnaan ng baitang sa hagdanan at walang ganang nakatingin sa akin habang nakapatong ang kanang siko niya sa kan'yang kanang tuhod. Nalipat ang tingin ko sa bag na dala-dala ko kagabi na nawawala na kanina sa kwarto kung saan ako namalagi. "Uuwi," malamig na sagot ko. Kailangan ko lang maging matapang sa harapan niya. "Nang wala ang pera mo? Libre kung gano'n ang ginawa natin?" tanong niya kaya naman madiin akong napapikit bago inilahad ang kamay ko. "Akin na ang pera ko kung gano'n para makaalis na ako rito," seryoso kong saad. "I don't like possessive women. I don't like crazy girls either. Kapag labas mo ng teretoryo ko... walang nangyari sa 'tin at hindi mo ako kilala. Oras na lumabas sa publiko ang tung---" Hindi ko hinayaan na matapos pa siya sa sasabihin niya. Inaasahan ko na 'to. "'Yan din ang gusto kong sabihin, Sir Sky. I don't like possessive men. Bayad mo and serbisyo ko. Kung wala akong mapapalang pera sa 'yo, hindi ko pag-iintrisan paglaanan ka ng oras," malamig na saad ko. Ininsulto niya ako. Ano'ng akala niya? Hahabulin ko siya at sisirain ang career niya? Hindi ako gano'n at hindi rin 'yon ang pakay ko sa kan'ya. Ayoko sa mundo niya 'yon ang totoo lahat alam ko kung gaano kababang uri ang tingin sa mga katulad kong babae. Sa mundong ginagalawan ni Sir Sky. Hindi ko gustong makisilaw ro'n. "Tapos na ang trabaho ko rito kaya akin na ang pera ko," seryosong sabi ko. Tila nagwala ang puso ko nang bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay halos malaglag ang panga ko sa gulat nang yumukod siya dahil nga sobrang tangkad niya. Malalaki ang matang nakatitig ako sa kan'ya dahil gahibla na lang ang layo niya sa akin na dahilan kung bakit nagwawala ang puso ko. Halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla niyang hinalikan ng mabilis ang nakauwang kong bibig. "For additional ten thousand," he whispered. Nagtama ang paningin naming dalawa. Nasilayan ko ang pagsilay ng isang nakakalokong ngisi sa mapupula niyang labi. "I like girls like you, Dean." "Hindi ko gusto ang mga lalaking katulad mo," mabilis kong sabi at sinalubong ang tingin niya sa akin. "Tapos na ang trabaho ko rito. Aalis na ako." Tinalikuran ko siya habang buhat ko ang malaking bag na dala ko kagabi. Bumigat 'yon at mukhang laman nito ay pera. 'Tama na ang binabato nila sa aking linya, naging tunay na akong bayarang babae. Ngayon, paano ako makakatakas sa panibagong init na pinaramdam sa 'kin ni Sir Sky?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD