Kabanata 12

1278 Words
Bea Dean’s POV Ilang segundo akong tulala dahil sa narinig mula kay Sir Sky. Hindi ko alam kung ano ang sagot sa sinabi niya. Ang titig niya sa ‘kin ay parang binabasa ang nasa loob ng isip ko na siyang dahilan upang manginig ang mga kamay ko. Gusto ko siyang sungitan dahil nagdesisyon siya nang hindi man lang tinatanong kung gusto ko ba ang nais niyang gawin sa ‘kin. Nasa teretoryo niya ako. Kailangan ko ng pera, ma sigurado akong kayang-kaya ni Sir Sky na ibigay sa akin ngayon din mismo. Sa lala ng natamo ng kapatid ko sa aksidente, sa laki ng kailangan ni Dillan para sa kan’yang tuition, sa pang-araw-araw naming gastusin at sa pangangailangan ng kambal. Ako lanh ang tanging humahanap ng paraan upang mapunan lahat ng pangangailangan namin. Ngunit kapalit ba ng pera ‘yon ang dangal ko? Madiin akong napapikit. Hindi na ako mapapatawad ni Dillan kung maging ‘to ay papasukin ko na rin. May trabaho pa ako sa bar… ang kailangan ko lang isipin ngayon ay ang magiging gastusin sa hospital na paniguradong kailangan ko nang bayaran. “Sayaw lang ang bayad mo sa ‘kin… hindi mo pwedeng dagdagan ‘yon,” malamig na sabi ko at matapang na sinalubong ang seryoso niyang tingin. Nang makita ko ang biglaan niyang pagngisi ay tila nagdala ‘yon ng kakaibang epekto sa katawan ko. Hindi ko ipagkakaila na masyado siyang biniyayaang ng pisikal na kagwapuhan subalit paniguradong magaspang ang ugaling meron ‘to. Hindi ko siya lubos na nakasama pero sapat na sa akin na sinungitan niya kami no’n nila Beta dahil lang sa kadahilanang kami ay nagtra-trabaho sa bar. Magkaibang-magkaiba ang ilaw na siyang nakatutok sa ‘ming dalawa kaya ‘di na ako magtataka kung gano’n na lamang niya ako husgahan ngayon. “Para sa isang bayarang babae, kakaiba ka,” nakangising aniya. Naikuyom ko ang kamao ko at humugot ng isang malalim na paghinga. “Ngunit pinili mo ang isang bayarang katulad ko kaya huwag mo akong maliitin,” malamig na sabi ko. Nakita kong nawala ang ngisi sa mapula niyang mga labi. “How much? Magkano ba ang isang gabi mo?” tanong niya sa tonong tila lahat ng gustuhin niya ay mabibili ng pera niya. “Sayaw lang, Sir Sky. ‘Yon lang ang ipinunta ko rito,” malamig na pagmamatigas ko. Kikitain ko ang mga kakailanganin namin sa pang-araw-araw. Kung kailangan mas galingan ko pang gumiling ay gagawin ko. Pero hindi ko nais na mas ibaba ang dangal ko. “Come on, Be—“ Hindi ko hinayaan na matapos niya ang nais niyang sabihin dahil pinangunahan ko na siya, “Dean. Dean ang pangalan ko.” Hindi ko siya kilala para lang hayaan siyang tawagin ako sa una kong pangalan. “Dean,” tawag niya. Sa tono ng pananalita niya at sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Tila ang sarap-sarap no’n pakinggan mula sa kan’yang baritonong boses. “Okay, if that’s want you want, I don't want to increase the price I said first,” he stated. Nakita kong ibinato niya ang wipes sa kan’yang kama at may kinuhang remote. Hindi nagtagal ay tanging LED light na lamang ang nagsisilbing liwanag sa silid. Hindi na ako umangal. Nang maupo siya sa paanan ng kama ay roon lang nagsimulang tumugtog ang isang malamyos na musika. Nabigla ako dahil ito ang music na ipinatugtog nang maging back up dancers kami ni Betanni. Pagkahugot ko ng malalim na pagbuntong hininga ay hinayaan ko ang aking katawan na damhin ang landi ng musika upang gumalaw ito ayon sa pitik ng malanding musika. Sinabayan ko ang mabagal na ritmo ng kanta at sinimulan kong igalaw ayon sa bagal ang katawan ko. Giniling ko ang katawan ko at dahan-dahan na iminulat ang mga mata upang bigyan ng nakakaakit na titig ang naglalagablab na tingin ni Sir Sky sa 'kin. Muli kong nakita ang pagnanasa sa maganda niyang mga mata sa lalim ng kan'yang titig na sinusundan ng tingin ang bawat pitik ng aking katawan. Nang muling magkasalubong ang mga paningin naming dalawa ay mabilis akong umiwas ng tingin dahil tila apektado ako ng titig niya sa akin. Tama ako noon, ako lang ang tinitignan niya nang sumayaw kami nila Betanni. Kung gano'n pagkakataon ko na 'to upang pagkakitaan siya. Nang tuluyang lumantad ang suot kong nighties ay mas hinusayan ko ang pagkakasayaw kahit na hindi ko gusto ang epekto sa katawan ko nang malalim na pagtitig ni Sir Sky. Nasa kalagitnaan ako ng pagsayaw ko nang matigilan ako nang bigla siyang tumayo at hindi pinutol ang tingin sa 'kin. Mas kinabahan ako nang dahan-dahan siyang maglakad papalapit sa akin kaya naman tuluyan akong tumigil sa pagsayaw. "Why did you stop?" he suddenly asked. Ilang segundo akong nagtaka bago madiing napapikit at muling iginiling ang katawan ko upang pakalmahin ang sarili ko at hindi makita ang mapaglaro niyang ngisi. Sumayaw ako habang nakapikit kaya halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa pisngi ko at dahil sa pagkabigla ay malalaki ang matang napatitig ako kay Sir Sky. "S-sir Sky?" tanong ko dahil sa gulat. Hindi na nga ako komportable sa titig niya ay mas lalo naman kung hahawakan niya naman ako. Naramdaman ko ang matinding kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa biglaan niyang paghawak sa akin. "How much for a kiss?" he asked. Halos kahibla lang ang distansiya naming dalawa na siyang dahilan kung bakit gusto ko siyang itulak. Paglayo ang gustong mangyari ng isip ko ngunit hindi ko maunawaan kung bakit ayaw ng katawan kong lumayo o itulak ng palayo si Sir Sky. "Po?" "May problema ka ba sa pandinig, Dean?" seryoso niyang tanong at wala akong nagawa kundi ang umatras dahilan kung bakit bigla niya akong hinawakan sa bewang at hinila papalapit sa kan'ya kaya naman halos maglapat ang mga labi naming dalawa. "Magkano sa halik?" tanong niya at may kalakasan ito. Napalunok ako at titig na titig sa mapupula niyang labi. Napalunok ako dahil sinadya niyang kagatin ang pang-ibabang labi niya. "K-kung s-sinabi kong ten thousand?" nauutal na tanong ko. "I'll double it, just french kiss the f**k out of me," he sexily commanded. Sa isang idlip mata ay magkalapat na ang mga labi naming dalawa at 'yon na ang sumasayaw base sa init na nais pagsaluhan ni Sir Sky. Paulit-ulit na bumubulong sa isip ko na mali ito at kailangan ko siyang itulat papalayo ngunit hindi ko magawa. Tila may sariling mga isip ang mga braso ko at kusa 'yong yumakap sa leeg ni Sir Sky. Nang marinig ko ang pagdaing niya ay halos tumalbog ang puso ko dahil naramdaman kong bumaba sa balakang ko ang mainit at malaki niyang mga palad. Saglit binitawan ng kan'yang bibig ang labi ko kaya naman magsasalita na sana ako nang siniil niya ako nang mapusok na halik at marahas na pinasok ang makasalanan niyang dila sa loob ng bibig ko at nais makipaglaro sa dila ko. Dapat ay itulak ko siya pero bakit nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa malambot niyang kama at nakayakap sa kan'yang leeg at mapusok na nagpapapakan ng mga labi na para bang pag-aari naming dalawa ang isa't-isa. Kung hindi ako titigil... sigurado akong hindi ko mapipigilan na maging mapusok ang sarili ko. Ngayon na lamang ako nakaramdam ng kakaibang init sa isang lalaki at sigurado akong hindi ko palalampasin ang masarap na pakiramdam na 'to. "Dean... name your price. I'll give it to you. You just have to agreed to dance on top of this bed in the heat that would come from the two of us." "S-sir Sky," nanginginig na labing sabi ko. 'Ano ang gagawin ko?!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD