bc

My INCOMPLETE Love Story

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Young love, sweet love... all of you that got away. The good boy next door, the bad boy in my Political Science class, my sweet housemate... I never let any one of you knew how deep I felt because we were all so young. And we deserved to be free, right?

chap-preview
Free preview
I Held My Breath
Natatandaan ko talaga ang araw na ipinakilala tayong dalawa, kung sino ang naging instrumento para magtagpo ang landas natin. Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang naisipan niya at dinala ka niya kung saan ako nakatayo, malapit sa hamba ng pinto para sabihin, "Pareho kayong sa UP nag-aaral." Tapos na ang meeting nang mga oras na iyon at madami nang nakaalis. Madami rin tayong sa UP nag-aaral sa org natin, pero baka makulit lang si Mai-Mai at talagang hinila ka pa niya para lang ipakilala ako. Oo, mayabang ako. But I also consider myself a nobody. Ewan. Ganoon yata talaga ako. Marami akong insecurities. Maraming double standards. Inconsistencies. Baka noon pa lang ay bipolar na ako, mild nga lang. Inilahad mo ang kamay mo at nagpakilanlan tayo. "Elric," sabi mo, nakangiti. Friendly ka talaga noon pa, ano? Siguro tinuruan kayo na maging ganoon simula pa pagkabata. Sa pinasukan ko kasing HS at elem schools, walang ganoong briefing. Anyway, sabi mo transferee ka galing UP Manila, na nagko-cross reg ka dati. Nalaman ko tuloy na puwede palang mag-cross reg sa Diliman, basta UP Chapter din ang ka-cross reg. Hindi puwede ang ibang schools, parang iyon ang paliwanag mo. "Ako si Lia," sabi ko habang gagap natin ang palad ng isa't isa. Sigurado ako, hindi ko pa napansin noon kung gaano kaganda ang mga mata mo. Spanish brown eyes. Ang napansin ko lang nang mga oras na iyon ay matangkad ka. Napansin ko ang ganda ng mga mata mo minsang nagkasakay tayo sa UP Balara na jeep, nasa unahan ka, malapit sa side mirror at nasa likuran mo ako. Hindi pa kayo nag-aagawan ng kuya mo noon sa kotse. [Parang nagalit ka pa nga sa akin minsan kasi ang kuya mong makulit, ako ang isinasangkalan pag gustong gamitin ang kotse nyo at agawan ka ng sasakyan. Kailangan ko pa ba talagang ikuwento ang tungkol dito? Sige, sa next installment...] Napansin ko rin ang peklat sa bandang kilay mo. Kung tama ang pagkatanda ko sa kwento mo, nakuha mo iyan sa motorboat minsang nag-swimming kayo ng mga pinsan mo. Hay, napakatagal na panahon na... baka creative imagination ko na lang itong lahat. Pero kung may totoo sa lahat ng ito, iyon ay ang panahon ko sa UP Diliman. Bagay na hindi naranasan ng mga estudyante ngayong panahon ng quarantine. Umaasa akong aayos pa ang mundo at matitikman pa nila ang the 'Glory that was UPD, and the Grandeur that was UP Education.' Alam ba ninyo, kahit "matanda" na ako, binabalikan ko lagi ang pag-aaral... at nakaka-meet ako ng mga taong akala ay twenty-three years old lang ako--or basta, way younger than my age? Iniisip ko kung ganoon ba talaga ako kabatang tingnan o mabait lang sila or... what's the term... tactful? Tinatawag nila akong "Ate" pag sinasabi ko na ang edad ko, pero kahit pa ganoon, "twenties" pa rin ang turing nila sa akin. [Tipong kapag may games ay itatago raw ang doll shoes ko pag di ako nagpatalo.] Siguro dahil parang bata pa rin ako mag-isip. Pero mayroon din naman na "mature" ang reception sa akin. At naa-appreciate ko rin sila. Pero nakaka-miss at ang sarap maging bata, maging child at heart. June 2019 nang huli akong bumalik sa UP Diliman hindi para mag-aral kundi para mag-training lang. Ang alam ko nag-master's ka, iba sa bachelor's degree mo. In-encourage mo pa nga akong mag-master's din, eh... Siguro kung sabay tayo, papayag ako. Kaso nauna ka na. Haha. Joke lang. Wala rin akong pera. Inutang ko lang ang ipinag-training ko. Kailangan, eh. Dagdag skills, ganoon. Kung di ko pa kinapalan ang mukha ko sa opis, di pa ako makakapagpa-enlist sa training. We were only 16 years old then. Pero parang mature tayo pareho for our age. Maybe someday I'd write this 'script' entirely in English. Para mas maraming makabasa ng incomplete kong love story? Haha! Para mas mapahiya akong lalo? It's not that this is a love story, really. Crush ko kayong mga ifi-feature ko dito and that's that. Baka nga dapat incomplete love stories at hindi single 'love story' lang. Hay, ayokong mag-edit ng mga punctuation. Napapagod akong magbantay ng grammar. Wala akong paki sa mga Grammar Nazi. Sa totoo lang, noong panahon namin, di sila pinapansin sa UP. Unang-una, wala naman kasing matibay na basehan iyong mga ipinupuntos nila sa English grammar. Ahaha. Sarap tirisin.  In fernez, proud kaming mga taga-UP pag marunong mag-English nang straight iyong instructor or klasmeyt namin, pero hindi rin namin sila nilalait pag prefer nilang mag-Tagalog or mag-Filipino. Hindi namin nila-LANG iyong parang 'sariling' wika lang ang alam. Kailangan kong i-lang para maintindihan. Pakitanong na lang n'yo sa mga grammar nazi ninyong friends kung alam nila ang difference ng dialect sa language. Pakisabi rin na hindi ko sila nilalait o pinagmamalakihan. Sa puntong ito ng buhay ko, wala na akong pake talaga kung sino pa ang aaway sa akin. Parang ako na nga ang nang-aaway, eh. Siguro gusto ko lang ibahagi sa iba ang pagmamahal sa sariling wika na nawawala na maging sa mga estudyante sa Diliman ngayon...  Noong last training ko, halos mapanganga ako sa paghanga dahil may mga prof [may PhD ang karamihan ha] ay nagta-Tagalog sa lecture. Itanong ninyo kung ilang taon na sila! Nasa fifties na ang iba, may nasa more than 80s pa yata! Astig! Kung akala ninyo lahat ng colleges sa UP Diliman ay hindi required  na tumayo at magbigay pugay ang mga estudyante pag papasok o aalis ang prof or tuwing sasagot ng tanong para sa recitation, nagkakamali kayo. Siguro sa online training hindi nga iyon required, pero pagpasok ninyo ng hallsooms ng college na ito na di ko papangalanan... humanda na kayo. Hayun nga, tayo raw mga taga-UP [Masyado bang mapagmalaki? Pasensya na, kapatid, kung idinamay kita, ha. Kailangan kong gamitin ang Pantayong Pananaw bago magtapos ang unang segment ng first input ko dito sa Dreame. Iyong Pang-Kaming Pananaw, may konting sample diyan sa itaas. Prof ko si Sir Zeus Salazar at uno ang grade ko sa kanya sa Kas1 kahit di ninyo itinatanong] proud tayo sa ating sariling wika kahit maka-Bonifacio raw tayo at hindi maka-Rizal o Aguinaldo. [Wapakels talaga UP kay Aguinaldo, si Rizal kasi ay 'mapagmahal' sa sariling wika kaya may PI 100 sa UP. Joke. Required talaga iyong Rizal.] Maglelecture na lang siguro ako dito sa Dreame kesa ikuwento ang mga palpak kong LSs noong college.  PS Mayabang talaga ako. Sana makatagpo ako dito sa Dreame ng mas mayabang pa kaysa sa akin or ng kasing-yabang ko. Kasi nga, di ba, "Birds of the same feather, flock together." Asar. Ayaw kong kasabihang iyan. Saka na ako magre-research. Kapagod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
299.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook