Chapter 2

1111 Words
HABANG nasa sasakyan pa lang, hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil ang totoo, nag halo-halo na lahat ng emosyon na nararamdaman niya maliban sa kasiyahan. Hindi niya masasabi na masaya dahil kahit sino man ang basta na lang paratangan na may malaking utang, at tangayin ng walang kalaban-laban ay hindi talaga magagawa na maging masaya! Except na lang kung gusto niyang takasan ang masalimuot niyang buhay. Pero kahit na ganun ang pamumuhay niya na kayod kalabaw, mas gugustuhin niya pa rin na makuntento sa buhay na meron siya. Kahit may ibang asawa at pamilya na ang kanyang papa, mas gusto niya pa rin ang buhay niya. Kung tutuusin pwede naman siyang makipagtigasan sa lalaki kaso masyado itong malakas, impluwensyado at nakakatakot kaya sa halip na umangil, sumunod na lang siya sa agos at bahala na kung saan siya dadalhin nito. Pero hindi ibig sabihin nun na aminado siya na may utang siya sa lalaking iyon! Ni hindi niya nga iyon kilala at kahit noon pa man, hindi niya ito nakilala! Kahit na isa-isahin niya pa ang mga taong nakakahalubilo niya noon, matatandaan niya pa rin na ni minsan ay hindi sila nagkita ng lalaking iyon! Palihim siyang umisod sa tabi para makapag tipa sa kanyang cellphone. Kailangan niyang magpadala ng message sa kanyang papa dahil baka humaba na naman ang leeg nito kakahintay sa kanyang pag-uwi. Pinahinaan niya ang brightness ng kanyang cellphone at pinindot niya rin ang silent mode nang sa ganun, hindi siya mahalata. Pero kung sabagay, nasa kabilang sasakyan naman nakasakay ang lalaking iyon. Ngumuso siya ng maalala na hindi niya nga talaga iyon kilala dahil kahit pangalan nga nito ay hindi niya alam! To Papa: Pa, hindi po ako makakauwi ng ilang araw. May nakuha po akong raket at baka matagalan pa ito. Tatawag na lang ako lagi sa'yo. Ako po ang tatawag sa'yo. Pagkasend niya ng message, tinago niya agad ang cellphone. Ni bag ay wala siyang kadala-dala! Kahit pampalit man lang ay wala kaya sino ang matutuwa niyan? Bumalik siya sa gitna para makita kung saan banda na sila at kung pamilyar pa ba sa kanya ang dinadaanan nila. Pinagmasdan niya ng ilang minuto ang bawat nadadaanan. Hindi na nga ito pamilyar sa kanya. Parte pa rin ito ng Batangas pero alam niya na nasa ibang lugar na siya ng probinsya. Hindi siya matatahimik kung hindi niya malalaman kung nasaan na sila at kung saan siya dadalhin kaya tiningnan niya muna ang driver sa rearview mirror. Seryoso ito sa pagmamaneho at walang paki-alam kung may sakay ba ito o wala. Umubo siya na para bang biglang nangati ang kanyang lalamunan. Nagtagumpay siya ng tingnan siya ng driver. Patay malisya siyang ngumisi saka nagkamot sa kanyang ulo. Binaliwala siya ng driver at itinutok ulit nito sa kalsada ang atensyon. “Kuya! Hindi naman hu yata kabawasan sa’yo kung sasagutin mo ang tanong ko?” Umpisa niya at pilit na gawing kalmado ang boses kahit na ang totoo, natatakot siya dahil nasa fronseat lang ang baril nito. “Limitado lang po ang isasagot ko sa’yo kaya simulan mo nang magtanong.” Sagot nito, ni hindi man lang bumuka ang bibig. Umurong siya pabalik sa kinauupuan niya. “Saan niyo po ako dadalhin, Kuya? Staka malayo na po ba tayo sa bayan ng Lipa?” “Nasa bayan ng Agoncillo na po tayo.” Tipid nitong sagot. Tiningnan niya ulit ang dinadaanan nila. Ibig sabihin, nasa parte ng Taal Batangas lang sila? “Eh saan niyo po ako dadalhin Kuya?” Tanong niya ulit dahil yung isang tanong niya lang naman ang sinagot nito. “Hindi ko po ‘yan masasagot.” Bahagya siyang ngumisi. Ayaw niyang mahalata na naiirita na siya kaya pinilit niyang matawa na parang bukal sa kalooban niya. “Si Kuya naman, tayong dalawa lang naman ang nandito eh! Sabihin mo na po sa akin kung saan ako dadalhin ng boss niyo para naman po alam ko–ay! ” May tumawid na aso kaya biglang napa-preno ang driver. Na out of balance siya kaya muntikan na siyang mapasubsob sa harapan pero mabuti na lang, nagawa niyang pigilan ang sarili. Wala siyang suot na seatbelt kaya halos mapunta siya sa unahan! “Kuya naman! Dahan-dahan naman po, mahal ko pa ang buhay ko! Staka hindi pa ako nakakatikim ng luto ng Diyos!” Inis niyang sermon sa driver pero wala man lang itong sinabi. Ni kahit pasensya ay wala! Inayos niya ang kanyang sarili at hinagilap ang kanyang cellphone. “Nandito na po tayo. Kapag binuksan ko po kayo ng pintuan, bumaba ka agad. Ayaw ni boss ng mabagal at pa feeling prinsesa.” Bilin sa kanya saka nito pinatay ang makina at tuluyang bumaba. Naiwan siyang nakaawang ang bibig dahil hindi siya makapaniwala na istrikto at pilosopo rin pala ang driver na iyon. Biglang bumukas ang pintuan kaya bigla siyang nasilaw dahil sa sikat ng araw. Hindi muna siya gumalaw para bumaba. Kailangan niya ng pruweba kung totoo ang sinasabi ng driver na ito. Baka kasi tinatakot lang siya nito. Sumilip ito sa kanya pero walang imik na lumingon sa kabilang direksyon nito pagkatapos siyang silipin. Komportable pa rin siyang naka-upo hanggang sa lumitaw ang lalaki na sinusumpa niya. “What are you waiting for? Maid ka dito, hindi prinsesa!” Mariin na sabi nito sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay at nag de kwatro pa siya. Pinagkrus pa niya ang kanyang mga kamay at parang nang iinis ang aura. “Sabihin mo muna sa akin kung nasaan ako? Anong lugar na ‘to, ha? Nasa hidden forest na ba ako?" Kahit may suot na salamin ang lalaki hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagsalubong ng mga kilay nito. His jaw ticked while his hands gripped. Umultaw ang mga ugat nito ng bumaba ang paningin niya. Napalunok siya ng wala sa oras. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo, dinampot niya ang kanyang cellphone saka umisod siya ng isa paabante. “Gusto ko lang naman malaman kung nasaan ako–” “So that your backup will know where you are? Hell, no, woman!” Singhal nito saka siya hinila palabas ng sasakyan. Napangiwi siya dahil sa higpit ng paghawak nito sa pulsuhan niya. “You are in a place where you have to obey everything I want, everything I command, and everything I need. Hindi mo kailangan malaman kung nasaan ka at kung saan ito dahil hanggat hindi mo nababayaran sa akin ang ini-scam mo, hindi ka makakaalis dito!” Mariin nitong sabi. “Dalhin siya sa maids quarter at ituro sa kanya lahat ng gagawin niya ngayong araw.” Utos ng lalaki sa mga tauhan bago ito umalis ng walang paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD