Chapter 9 Paglalandian

1370 Words
SUMALISI akong pumasok sa maids quarter para ikalma ang ang aking sarili dahil pakiwari ko’y magiging patolera na naman ako ng wala sa oras. Hindi kasi ako pwedeng pumatol kay Dylan dahil kailangan kong magbayad ng utang sa kanya. Bayad? Natawa ako ng wala sa oras habang hawak-hawak ang aking cellphone na kakabuhay ko lang. Buong gabi ko itong in-off kaya ganun na lang ang sunod-sunod na pag appear ng mga notification. Mabuti na lang din at medyo nakakasagap pa ng data kahit parang nasa gitna na kami ng kagubatan. Maraming chat message ng buksan ko ang messenger ko. Namilog pa ang mga mata ko ng makita na mayroong chat si Jasmine pero hindi ko muna iyon binuksan. Pakiwari ko’y mas importante ang message ni Vernon ng bigla siyang nag chat sa'kin ngayon kaya iyon ang mas binigyan ko ng pansin. Vernon: Jan? Una niyang chat. Tapos nag typing. Vernon: Janiyah? Panglawa niyang chat kaya nag tipa na rin ako kaso hindi ko pa natatapos ang tinitipa ko ng bigla na naman siyang mag chat! Vernon: Shít. Janiyah Hermoso!? Bakit ngayon ka lang nag online? Pangatlo niyang mensahe at nawala na ang typing sign. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan na maisend sa kanya ang kanina ko pang tinitipa. Kung katabi ko lang ang lalaking ‘to baka kanina ko pa siya napektusan! Talaga! Dahil napaka-apurado niya kahit sa cellphone! Ako: Bakit ba hindi ka na lang mag chat ng isang mahaba at buo? Mahirap ang signal dito sa trabaho ko kaya ngayon lang ako nakapag-online Vernon! Anong balita kay Mrs. Sulit? Nakita kong gumagalaw-galaw ang typing kaya kinagat ko ang ibabang labi habang hinihintay ang reply niya. Sana hindi muna makahalata si Kuya Romz na wala ako sa susunod kong paglilinisan. Pero kung makahalata man siya at pagalitan niya ako, edi maglilinis na lang ako hanggang gabi. Vernon: Nasa’n ka ba ngayon? Pumunta ako sa bahay ng Papa mo kahapon, si Jasmine ang bumungad sa akin. Galit na galit siya dahil hindi ka raw umuuwi! Wala na raw silang makain.. Awtomatikong umawang ang bibig ko dahil sa nabasa ko. Kailan pa umuwi si Jasmine? At ang kapal talaga ng mukha niya na makisalo pa sa pagkain nina Papa eh ang dami-dami na nga ng anak nila ni Tita Almera tapos dadagdag pa siya? Wala na naman ba siyang trabaho para umuwi na naman kay Papa at doon magbibigay ng sakit sa ulo?! Parang biglang nangingit sa galit ang dibdib ko kaya walang sabi kong pinindot ang call para tawagan si Vernon. Sana lang hindi pa ma-expire ang data ko. Sinagot rin agad ni Vernon. Binuksan niya ang camera kaya binuksan ko na rin yo'ng sa akin. Umayos ako ng pag-upo at dumikit ng bahagya sa bintana para mas lalong makasagap ako ng malakas na signal. “Nasa’n ka? Bakit hindi mo na sinipot si Mrs. Sulit?” Kunot na kunot ang noo na tanong nito sa akin. Nag palinga-linga rin ang mga mata niya at tila sinisipat ng maigi ang mga nakikita niya sa screen. “May…biglaang project na inalok sa akin kaya hindi ko na napuntahan si Mrs. Sulit para makapagpaalam Vernon.. Kinukulit ka na ba?” Pagsisinungaling ko. Kailangan kong magsinungaling sa ngayon. “Nagpunta siya kahapon sa shop, Ja! Galit na galit siya dahil nagpunta daw sa kanya si Jasmine para mag cash advance dahil utos mo raw.” Kumunot ang noo ko. “Binigyan siya ni Mrs. Sulit?” Maagap kong tanong. “Limang-libo ang binigay ni Mrs. Sulit.” Amin ni Vernon saka nakita ko siyang dismayadong umiling-iling dahil sa mga pinaggagawa ng kapatid ko. Potakte talaga! Wala na namang trabaho ang babaeng ‘yon kaya nagsisimula na naman siyang magbigay ng sakit sa ulo! “Pero mabuti na lang Ja at nagpunta kahapon si Mrs. Sulit. Naabutan siya ng Papa mo at kinausap tungkol sa iti-n-ext mo raw sa Papa mo. Nagpaliwanag si Mang Oliver kaya ayon, ibinigay sa akin ni Mrs. Sulit ang tirang pera para doon sa project mo. Ang binayaran niya lang ay yo’ng mga porsyento ng nagawa mo na. Nakaltas na rin daw niya ang mga nakuha mo kasama na ang kinuha kahapon ng kakambal mo.” “Bali magkano ang binigay sa'yo?” Hindi siya nakasagot dahil bigla siyang nawala sa screen kaya nakagat ko ulit ang labi ko. Sigurado ako na maliit na lang ang makukuha ko dahil malaki na ang mga na cash advance ko. “Kinsemil Ja, nandito pa sa sobre kasama ang lista ng mga nakuha mo.” Ani Vernon habang inaangat pa ang brown na sobre. Napakamot tuloy ako sa batok ko dahil kulang pa ‘yon para sa parte niya. “Sa’yo na ‘yan, Ver… Dadagdagan ko na lang ‘yan kapag natapos ko ang project ko dito–” “Adik ka ba? Itatabi ko ‘to at ibibigay ko sa'yo kapag nagkita tayo. Huwag mo na muna intindihin ang parte ko, may pera pa ako, medyo mataba pa ang wallet ko,” Iritado niyang sabi saka ako tinitingnan ng may yamot sa itsura. Lihim akong natawa dahil kahit kailan talaga, napaka-swerte ko sa kanya. “Pasensya ka na Ver ha? Akala ko makukuha natin ng buo ang halaga ng project na ‘yon at buong akala ko matatapos din natin ‘yon… Na evil eye na naman kasi tayo kaya nausog na naman ang hanapbuhay natin!” Malakas siyang humalakhak sa screen kaya halos mataranta ako dahil baka may nakarinig sa kanya. Bukas pa naman ang bintana ng maids quarter! “Saan ba yang project mo? Hindi ba pwedeng bumakas diyan, Ja?” Natahimik ako bigla dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Staka bigla kasi akong nakarinig ng yabag ng tao sa labas ng maids quarter. Nagkumahog akong tumayo para sana sumilip sa pinto kaso hindi pa ako nakakahakbang ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang bulto ni Dylan na magkasalubong ang mga kilay. Napalunok ako at parang nawalan ng boses para hindi agad makapagsalita. Tinapunan niya ng tingin ang hawak kong cellphone habang pinapakinggan ang sinasabi ni Vernon. “Ja? Magkita naman tayo! Marami na akong design na ipapakita sa'yo.” Patuloy pa rin sa pagsasalita si Vernon habang si Dylan ay matalim akong tinitingnan! Niyuko ko saglit ang cellphone para tingnan si Vernon. Patuloy pa rin sa pagsasalita ang lalaking ‘to kaya pinindot ko ang button ng sound hanggang sa ma off iyon. “Ver…tatawag na lang ulit ako sa'yo kapag…hindi na ako busy—bye na!” Saka ko pinatay ang videocall at itinago sa bulsa ng short ko ang cellphone. At ng tingnan ko si Dylan, mas lalong tumalim ang bawat titig niya sa akin kaya napalunok na naman ako ng ilang sunod. “Sino ‘yon?” May diin niyang usisa habang ganun pa rin ang awra. “Si..Vernon–” Malakas niyang sinarado ang pintuan kaya hindi ko natapos ang isasagot ko sa kanya. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa gulat. Humakbang siya ng isa palapit sa akin pero hindi ko nagawang umurong dahil parang naging tuod na ako dito! “I'll just let you know, Miss Hermoso, that when it comes to my house, I have my own rules that anyone who enters here must follow. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang tumatakas sa oras ng trabaho.” Mariin niyang sabi habang matalim pa rin na nakatingin sa akin. Mas lalo na akong nawalan ng boses at parang nanuyo na rin ang lalamunan ko! “And I didn't know that you have the fúcking guts to escape from your fücking work just to give time to talk to your boyfriend, huh?” Naeskandalo bigla ang tenga ko dahil sa sunod-sunod niyang pagmumura ng malutong! Staka anong boyfriend ang pinagsasabi niya? “Hindi ko boyfriend si Vernon!” “I don't fúcking care who he is in your fúcking life, Miss Hermoso! Ilagay mo sa lugar at sa tamang oras ang paglalandian niyo! Do your fúcking work! Now.” Masakit niyang sermon at panghuhusga sa akin bago binuksan ang pinto at pabalang na isinara iyon ng makalabas siya. Napatulala ako sa kawalan habang pinakikiramdaman ang sakit ng mga binitawan niyang salita sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD