Part 5

1149 Words
AMOR was having a very pleasant day.       Sa araw na iyon ay anim na units ng sasakyan ang naibenta ng kanyang grupo. Isa roon ay mismong sa kliyente niya. And they were paid in cold cash! Sino ang nagsabing naghihirap ang mga tao? Kulang isang milyon ang halaga ng kotse at binayaran nang cash.       Napakaluwang ng ngiti sa mga labi ni Amor. Dampi lang ng hangin ay sapat na para mapangiti siya nang matamis. Bakit hindi? It would mean huge commission and another factor for the next promotion. Kapag nagtuloy-tuloy ang magandang sales performance niya, hindi malayong maging branch manager na siya.       Life is good, Amor thought, saka prenteng isinandal ang likod sa malambot na high-back swivel chair.       Pinindot niya ang speakerphone button nang tumunog ang telepono. Tinatamad na dumukwang siya nang kaunti para abutin ang receiver.       “Good morning, may I help you?” aniya sa matamis na boses. Hindi lang tatlo o apat na kliyente ang nagsabing maganda ang dating ng boses niya sa telepono. Kaya naman palaging magiliw ang kanyang tono. She could close a deal with great help from her voice.       “I’m coming over, my dear.” Si Conrad ang nasa kabilang linya.       Napatuwid ng upo si Amor. Sometimes, he would show up unannounced. Bagay na hindi niya gusto kung minsan. Pero dahil right timing naman ito dahil masaya siya, walang problema.       “Nasaan ka na?” tanong niya.       Mahinang tawa ang pinakawalan ni Conrad. “Nandito sa parking lot.”       Sinulyapan niya ang relo. “It’s almost lunchtime. What if bumaba na lang ako? Let’s dine out.”       “Okay. Maghihintay na lang ako rito.”       Dinampot ni Amor ang shoulder bag at tumayo na. “Nasa ibaba si Conrad,” aniya nang mapatapat sa mesa ni Lilibeth. “Baka hindi na ako bumalik. Bahala ka na rito.”       Ngumiti si Lilibeth. “Okay.”       Nasa tapat ng passenger door ng kotse nito si Conrad, naka-long-sleeved barong na sa kaliwang dibdib ay may burda ng pangalan nito. Hinalikan siya ng nobyo sa pisngi at saka ipinagbukas ng pinto. Nang makasakay ay agad siyang napatingin sa mga catalogue na nasa backseat. Tiningnan niyang mabuti ang mga iyon. Mga bridal catalogue at mayroon pang mga hotel brochure.       Napansin ni Conrad kung ano ang tinitingnan niya. Hinawakan siya nito sa kamay at saka nginitian. “That’s the reason of my coming here. Dear, isn’t it about time we make plans?”       Gustong malungkot ni Amor. Pero magaling niyang naitago agad ang ganoong damdamin bago pa man mahalata ni Conrad. Hinihintay niya ang sarili na maging excited. Pero pakiramdam niya ay para lang itong nagbalita ng isang pangkaraniwang bagay.       “Kung unahin kaya nating isipin kung saan tayo kakain?” aniya sa nagbibirong tono. “I’m famished!”       Sa isang first-class restaurant siya dinala ni Conrad. Iyon naman ang inaasahan niya. Hindi yata kakain ang nobyo sa fast food hanggang may makakainang de-klaseng restaurant.       He was indeed decided to marry her. Nasa kalagitnaan pa lang sila ng pagkain ay binuksan na uli nito ang paksa tungkol sa kasal.       “I know a friend na connected sa isang wedding consultancy firm. They will help us. Pero kung mayroon kang kakilala, then we’ll consult them also at tingnan natin kung sino ang mas makakatulong sa atin para mapaganda at maiayos nang husto ang kasal.”       Amor stared at her engagement ring. Kumislap pa iyon sa munti niyang paggalaw. “Kailan ba tayo magpapakasal?” tanong niya.       Maluwang ang ngiting humugis sa mga labi ni Conrad. “If you’re asking me, kahit ngayon ay gusto ko na. Kaya lang ay gusto kong ibigay sa iyo ang kasal na pangarap ng kahit sinong babae. Isa pa, I have to meet your parents first, `di ba? If they’ll agree, I think two to three months’ preparation is enough. After all, we’ll hire somebody’s help para hindi natin masyadong intindihin ang lahat ng detalye.”       Napatitig si Amor sa nobyo. Walang dudang gusto nga nitong magpakasal. Wala naman siyang tutol, hinahanap lang niya sa sarili na makadama ng labis na excitement at antisipasyon. She thought her heart would sing and her head would swirl as they planned their wedding.       Nagkibit-balikat na lang siya. Ipinagpalagay na ang ganoong pakiramdam ay isang exaggeration lang.       “Amor,” pukaw ni Conrad.       Hindi niya napansing matagal siyang nawalan ng kibo. “Ah...” Naghagilap siya ng sasabihin. “I’m thinking about my schedule. You’re right, kailangan nating umuwi sa Sierra Carmela.”       “So kailan?” Nadagdagan ang eagerness sa boses nito. “Recess ngayon sa congress. Congressman will go out of town. It means the mouse can play.”       Naalala ni Amor ang mga naibentang sasakyan. Tungkulin niyang siguruhing areglado ang papeles ng mga iyon, gayundin ang mga insurance. “Hindi pa ako puwede this week.”       “Next week then?”       “Okay.”       Amor called the day off. Pagkatapos kumain ay nagpahatid na siya pauwi. Nagpilit si Conrad na iwan sa kanya ang mga catalogue at brochure para daw matingnan niya. At para hindi ma-offend ay hinayaan niya ang boyfriend. Babalik pa ito sa kongreso kaya hindi na niya inanyayahang umakyat.       Inilapag ni Amor sa center table ang catalogues at brochures. Nakakaagaw ng pansin ang cover ng mga iyon pero wala siyang balak buklatin ang isa man doon. She couldn’t make it. Nagi-guilty siya. Ni hindi alam ng kanyang pamilya na may boyfriend na siya, and now they were about to go over with the details of marriage.       No. Saka na, pagkatapos makilala ni Conrad ang kanyang pamilya.       Naupo siya sa sofa at itinaas ang mga paa sa mesita. Her thoughts were still in the idea of her getting married.       Bridal gown, invitations, keepsakes, reception, sponsors...       Kumunot ang noo ni Amor. Hindi niya problema ang mga ninong at ninang. May mga kaibigan at malalapit na kamag-anak na puwedeng maging ninong at ninang. Ang nasa isip niya ay mga abay.       Ang mga pinsan niyang babae ay naunahan na siya sa pag-aasawa. Siguro ay kukunin niya si Lilibeth, tutal ay dalaga pa ito at magka-vibes naman sila. Ang iba pa ay ipapaubaya na lang niya kay Conrad.       Who would be the best man? Ang alam niya ay kay Congressman Quiterio Almaciga lang malapit si Conrad.       Amor frowned at the thought. Pareho sila ni Conrad sa bagay na iyon. Pareho silang walang malapit na kaibigan. Both of them survived without the need of having plenty of people to get along with.       Napabuntong-hininga siya. She had no close friends.       But there was one. Her thoughts raced, never minding if there was a little voice reminding her that he wasn’t just a mere friend.       Si Joel Alexander Avenilla.       And thinking of him, tatawagan nga pala niya ang kaibigan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD