Part 6

1107 Words
IPINASOK ni Joel ang susi sa keyhole ng main door. Pagod na pagod siya. Maya’t maya ang paglapit ng mga ahente ng supermarket supplies at nasabay pa ang monthly meeting sa mga tenant ng building. Bukod pa roon ang pasingit-singit na pagsasabi ni Lara na hindi tumitigil si Vinia sa pagtawag sa telepono. He admired Vinia’s guts. Sa nakalipas na linggo ay hindi na niya matandaan kung gaano karaming beses niyang sinabi sa dalaga na ayaw na niya. At dobleng dami naman niyon na sinasabi ni Vinia na bigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Halos kasama na ang katawan niya nang itulak pabukas ang pinto. Habang niluluwagan ang kurbata ay kinapa rin niya ang switch ng ilaw. Awtomatikong sumindi ang ceiling fan. No! sigaw ng isip ni Joel nang parang dalhin sa kanya ng hangin ang isang pamilyar na amoy. Masyado nang pagod si Joel para sa isang diskusyong alam niyang hindi naman matatapos. Pero habang tinutunton ang direksiyon patungo sa silid ay lalong tumitindi ang pabangong naaamoy niya. Pagbukas ng pinto ay sumindi rin ang table lamp. Napailing siya. He was right. Vinia was there. Parang diyosang bumaba mula sa kama si Vinia, isang ultrasexy lingerie ang suot. Mula sa malamlam na liwanag ng ilaw ay aninag na wala itong suot na kahit ano sa ilalim. Nahaplos ni Joel ang noo. Kahit yata anong pagod ay kakalimutan niya kapag ganoon ang nasa harap niya. “I’ve been waiting for you,” ani Vinia na kahit yelo ay matutunaw sa lamyos ng boses, at unti-unting humakbang papalapit. Mas mukha itong modelo kaysa nurse, bilang ang aral na aral na mga hakbang. Each step showed seduction. And damn of all damns! Nararamdaman ni Joel na sumisikip ang kanyang pantalon. Sa likuran ng dalaga nanggagaling ang liwanag na nakakadagdag sa alindog nito. Ngumiti ito. Her eyes were focused on the undeniable bulge in his pants. Tumaas ang kamay ni Vinia para abutin siya. She intentionally touched the pulse points in his neck. Pinupulsuhan siya at alam na alam nitong masisira ang aparatong susukat sa bilis ng kanyang pulso. Tumiyad si Vinia. Her lips landed on his neck. The next second, she was deliberately licking his pulse points, making a sure direction to his earlobe. Bumaba ang kamay ng dalaga sa kanyang dibdib. Her fingers found one flat n****e in no time. And while her lips were giving him wet kisses, her fingers were working some kind of magic. Joel groaned. Kasunod niyon ay parang may sariling isip na pumikit ang kanyang mga mata. Vinia was indeed an expert. At bago pa siya tuluyang matangay ng ginagawa ni Vinia ay inipon niya ang natitirang self-control. Hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang siko. At bago pa makalabo sa katinuan ang makinis nitong balat ay pinuno niya ng hangin ang dibdib at determinadong itinulak ang katawan ng dalaga. “Joel?” Her voice was desperate. Humakbang siya palayo. Kailangan niya ng distansiya para mapanatili ang self-control. Anyong lalapit pa si Vinia nang umagaw sa katahimikan ang malakas na pagtunog ng telepono. “Hello?” sagot ni Joel sa walang ganang tono. “JOEL?” Nag-alinlangan ang boses ni Amor nang may sumagot sa kabilang linya. Para kasing wala sa mood ang may-ari ng boses. Kinabahan agad siya na baka wrong timing ang pagtawag niya. “Is that you? This is Amor. `You still remember? Si Aleamor Calderon.” She felt silly. Ang alam niya ay nag-iisa lang siyang Amor na kilala at kaibigan ni Joel. Pero dahil naaasiwa siya sa parang wala sa mood na boses ng binata ay hindi na siya nagdalawang-isip pang ibigay ang buong pangalan niya. “Aleamor, sweetheart.” Bigla ay nagbago ang tono ni Joel. “How are you? I’ve missed you.” Literal na napasinghap si Amor. Joel used to call her “sweetheart.” Pero iyon ay kapag may ipapagawa lang na reaction paper o assignment, at ni minsan ay hindi siya tinawag na “sweetheart” na kasintamis ng paraan nito ngayon. Kahit matagal na siyang lumagpas sa pagiging teenager, parang gusto pa rin niyang kiligin. Ilang segundo ang dumaan bago uli siya nakapagsalita. “I-I’m fine. There’s something we have to talk about. Kailan tayo puwedeng magkita?” “Anytime,” maagap na sagot ni Joel. “Name your place and time, sweetie.” “What about this weekend? Baka umuwi ako sa Sierra Carmela.” Kami. Gusto niyang itama ang sinabi pero sinarili na lang niya. Hanggang ngayon ay iniisip pa niya kung ipapakilala na ba niya si Conrad sa mga magulang. Parang hindi pa rin siya handa. Kailangan ay makaisip siya ng dahilan para makauwi nang mag-isa sa Sierra Carmela. At kung papayag si Joel, solo nila ang buong weekend para mapagplanuhan nang husto ang balak niya. Sa totoo lang, mas excited pa siyang planuhin ang class reunion kaysa sa mismong kasal niya. Nakapagtataka ang parang sintunadong mga salita ni Joel pero pabor iyon sa kanya. Ang importante ay madali niya itong napapayag na magkita sila at mapag-uusapan nila ang tungkol sa class reunion. “Four days pa iyon mula ngayon, masyadong matagal. Kung bukas kaya? I’ll meet you. Saan at anong oras?” insistent na sabi pa ng binata. Lalong kumunot ang noo ni Amor. May naaamoy siya. Napangiti na siya. “Nandito ako sa Pasig, Joel. If you insist to see me tomorrow, ikaw ang dapat na lumuwas.” “Didn’t I say anytime a while ago?” natatawang sabi ng binata. “Dadagdagan ko pa, anywhere.” Lalong lumuwang ang ngiti ni Amor. She was sure Joel was in trouble. At kagaya noon, alam niyang sa kanya na naman ito tatakbo. At kagaya rin ng pagkakakilala niya sa binata, he was vulnerable at times like this. Mabilis na nag-isip si Amor. Kailangan niyang samantalahin na may hihinging pabor si Joel sa kanya para hindi ito makatanggi sa hihingin niya. “Lumuwas ka bukas after lunch. You’re welcome to my unit,” aniya. “Anytime.” “And where is that?” Nauwi sa bungisngis ang ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi. Ganoon na ba katagal na wala silang balita sa isa’t isa? Na hindi nito alam ang estado niya ngayon? Idinikta ni Amor ang kanyang address at cell phone number. “Call me up, okay?” dagdag pa niya. “Of course, sweetheart. See you!” Sa boses pa lang ni Joel ay alam niyang malaking pabor ang nagawa ng pagtawag niya. “See you,” excited na sabi niya. Malabong mabura ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. “And, Amor...” “Hmm?” “I love you...” Muntik na niyang mabitiwan ang telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD