“BAKIT nagkaganito?” sumbat ni Amor kay Joel. “Malaking problema na ito ngayon.” Hinaplos ni Joel ang kanyang mukha. “Trust me, Amor. May solusyon dito. Ang importante, solved na ang problema ko kay Vinia. We’ll just explain this charade to your parents. Ako na ang bahala kay Mama. Huwag mo siyang intindihin. Trust me, okay?” Tiningnan niya nang masama ang binata. “Trust ka diyan, hindi ka naman condom!” Ngumisi si Joel at bigla na lang sinapo ang magkabila niyang pisngi. Sa banayad na puwersa ay kinabig siya palapit sa katawan nito. “You’re really something, best friend. Thank you!” He tilted his face to kiss her. Pero nang maglapat ang kanilang mga labi ay hindi agad nito binawi ang halik. Awtomatikong umawang ang mga labi niya para palalimin ang halik.

