AMOR was confused. She was in love with Joel, yes. Pero malayo sa hinagap niyang mauuwi sa kasalan ang muli nilang pagkikita. Dapat siguro ay magsaya siya pero parang mas nalilito siya. She let him make love to her, dahil iyon ang nararamdaman niyang gusto ng kanyang puso, isip, at katawan. But marriage was something else; isang malaki at panghabang-buhay na commitment. At hindi naman yata siya makapapayag na magpakasal kay Joel dahil lang sa dahilan nitong may nangyari sa kanila. Para sa kanya, sapat na ang mga sandaling pinagsaluhan nila. She would definitely treasure those moments for the rest of her life. For practical reasons, parang mas tamang si Conrad pa rin ang pakasalan niya. After all, si Conrad ang unang nag-propose ng kasal at tinanggap niya iyon. Bukas na lang n

