WALANG kibuan sina Amor at Joel sa loob ng ilang minutong biyahe hanggang makarating sila sa bahay nina Amor. Alam niya na kung magbubukas siya ng usapan ay mauuwi lang iyon sa iisang paksa—ang pagpayag niyang magpakasal sa binata. Come to think of it, parang ganoon na nga ang nangyayari. Sa banta nito kanina, parang desidido nga itong guluhin ang kasal niya kay Conrad. At iyon ay kung hindi nga siya magpapakasal kay Joel. Sa hitsura ng binata, mukhang last resort lang nitong guluhin kuno ang kasal niya kay Conrad. Parang gagawin nito ang lahat para sila ang magpakasal. Pero bakit ganoon ito kadesidido? Para sa kanya ay mababaw pa ring dahilan na pakakasalan siya nito dahil lang may nangyari sa kanila. Kahit mahal niya ang binata, hindi pa rin ganoon kadali sa dibdib na tangg

