“TAMA ako, `di ba?” parang tuwang-tuwa pang sabi ni Joel. “Ikaw lang, eh, kung makatanggi kang magpakasal sa akin, abot hanggang langit. Para ka namang pinitpit na luya sa harap ng mga magulang mo.” Matalim na irap ang ipinukol ni Amor sa binata. “Huwag mo na akong asarin. Baka mamaya, umatras pa ako sa kasal natin. Pumayag na ako kaya tigilan mo na ako.” “Ano ka? Ngayon pa nga lang ako nagsisimulang mangulit. Kunwari ka lang siguro pero gusto mo ring magpakasal sa akin.” “Joel, please. Kung hindi malaking problema sa iyo na magpapakasal tayo, puwes ako, malaking problema iyon. Una, inaasahan ni Conrad na pagbalik ko sa Maynila, masasabi ko na sa kanya kung kailan kami puwedeng bumalik sa Sierra Carmela para makapamanhikan sila. Pangalawa, iniisip ko kung paano ko sasa

