Loey Hindi maawat ang pagtawa ko habang nasa shuttle kasama ang members. On the way na kami sa hotel at katatapos lang ng concert namin sa L.A. “Ang dami mong i-uuwi kay Irene Kuys, baka mag excess baggage ka niyan,” kantiyaw ni Kyle kay Jayem. Paano kasi, kanina sa fan service portion, imbes na mga stuffed toys at iba pang mga fan gifts ang hinagis nila, ay halos puro diapers at baby wipes ang nagsiliparan sa stage galing sa crowd. “Takte, ipapadala ko na lang thru package,” natatawa rin nitong sagot at saka bumaling sa akin. “Tawa ka ngayon Loey, pag kayo nagkaanak ni Rose, hindi ka rin makakaligtas.” Dati rin kasi ay ginanyan din ng mga fans si Jaydee. Napangisi lang ako. “Matagal pang mangyari ‘yon, baka nga makabuntis pa muna si Blake bago ako,” sagot ko naman. And seriously, i

