Rose Hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon, Sumabulat sa aking harapan ang lahat ng Posters ni Loey na nakadikit mula sa dingding ng kwarto ni Ana. Naguguluhan ako, kanina lang n’ong kausap ko siya ay mistulang hindi niya ganoon ka kilala si Loey o ang Peter pan. Paanong naging puno ng larawan ni Loey ang kwarto niya ngayon? Pero isinantabi ko muna iyon at tinungo ko ang side table para hanapin ang gamut ni Ana, ngunit bago pa man ako makalapit ay nakita ko na kaagad ang nakadisplay na picture frame na naglalaman ng larawan ni Ana kasama si Loey. Sobrang sweet nila at masaya sa larawang iyon. Napahawak ako sa nakaawang kong bibig at halos mabuwal ako. May relasyon ba silang dalawa noon? Bakit hindi ko ito alam? Nawala na sa isip ko ang pakay ko at hiindi ko na napansing nakagapa

