Rose “I want to hear your explanation,” pagsusumamo niya sa akin. Kahit anong tago ko, nahanap niya parin ako. Kahit anong iwas ko, ang naging hantungan ay ang muli naming pagkakaharap. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito. Sana n’ong araw na nagkita kami ni Blake ay narealize ko nang plano talaga ni tadhana na mangyari ito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Hindi namin alintana ang init ng tirik na araw, nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng salita mula sa akin. “Wala akong dapat ipaliwanag sa’yo,” mariin kong tugon. In the end, I still chose to stand firm with my decision. Ang layuan siya. Tinalikuran ko siya at napagpasyahan kong humakbang paalis. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay muli siyang nagsalita. “Why are you doing this?” he said in a

