Loey “Tell me where she is.” Nakahalukipkip ako habang nakatayo sa harap ng kama ni Blake. Hinintay ko talagang magising siya at matalim akong nakatitig sa kanya ngayon. “What are you talking about?” pupungas-pungas na tugon nito. Napa singhal ako out of my frustration. “Huwag ka nang magkaila! I saw Rose last night. It was her right?” Tumawa siya. “Ano bang nasa utak mo Loey? Malala ka na.” “Blake please,” mahinahon kong paki-usap. “It was not Rose okay? Lasing ka kagabi pare, panay tawag ka nga sa pangalan ni Rose kaya baka napagkamalan mo lang na siya ‘yong babae kagabi or naimagine mo lang dahil sa kalasingan mo.” Napa hawak ako sa sintido ko at napa-isip ako bigla sa sinabi niya. Saglit akong natahimik at nahulog sa malalim na pag-iisip. Marahil nga ay imagination ko lang i

