Rose And I will make sure to keep my distance, Say I love you when you’re not listening And how long can we keep this up? Hindi ko maawat ang mga luhang nagbabagsakan habang pinapanuod ko siyang kumakanta sa stage. Ang gaga ko naman kasi talaga, ako itong nagdesisyon na lumayo sa kanya, pero heto ako, umaarteng obsessed fan. “Satisfied?” sabi sa akin ni Blake sa Bluetooth earpiece na naka connect dito. Hndi ako sumagot, sa halip ay patuloy kong tinitigan ang stage sa malayo kung saan mag-isang nakatayo si Loey. Bigla akong nataranta nang tumingin siya sa gawi ng kinatatayuan ko at pilit pinapagsino ang mukha ko. Confident naman akong hindi niya ako makikilala dahil sobrang layo ko pero inunahan parin ako ng takot at umalis ako sa pwesto ko at nagtago sa kumpol ng mga tao. I a

