Loey Naguguluhan parin ako honestly, partly ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Nandito ako ngayon sa gazeebo ng bahay nila Zoey at nagpapahangin habang nag-iisip at unti-unting inaabsorb ang mga nangyari. “kamusta ka?” untag sa’kin ng isang boses mula sa likuran, at kilalang-kilala ko parin ito kahit matagal ko na siyang hindi nakikita. Si Zoey. Para parin akong nananaginip na hindi ko maintindihan. Nag-iba na ang itusra niya, sobrang payat na niya at maputla. Wala na rin ang ningning ng mga mata niya noon at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa. Kinuha ng mga hayop na nang abuso sa kanya ang buhay niya. Hindi ko na nga yata maitanong sa kanya ang ‘kamusta’ dahil mababakas naman sa kanyang mukha ang lahat ng pinagdaanan niya sa lumipas na taon. Nasasaktan ako at nara

