Mama.. Mama ko. Batang punong puno ng Kalungkotan at tanung, nasaan nga ba ang mama ko.
Lola, nasaan po ang mama ko?
Patay na ang mama mo..
Eh si papa po...
Nasa trabaho.
Kailan po sila uuwi..
Di ko alam.
Basta kumain ka ng marami.
Para lumaki ka na..
Opo lola.
Ate miss na miss ko na po si mama.
Di ko nga alam anu itsura ng mama natin.
Pero ate ka eh.
Oh bakit.. Kahit ate ako. Di ko naman nakita pa si mama.
Ate may mama ba tayo!?
Syempre!
Walang baby kung walang mama.
Bakit wala din tayong papa.. Ate
Lulu wag kang tanung ng tanung. Kahit ako di ko rin alam.
Basta magpasalamat tayo. Kasi may bahay tayo.
May pagkain.
May lola at lolo.
Ako love na love ko si lolo..
Wag ka ngang makulit lulu.
Oo na ate.
Pag laki ko. Di ko iiwan ang magiging baby ko.
Bata bata mo pa. Yan agad iniisip mo.
Basta di ko gagawin yon.
Palagi na lang akong kinukurot. Pinapalo.
Nila lola at tita Verna.
Kahit wala naman akong ginagawang masama.
Wag ka kasing makulit.
Ang kulit kulit mo kasi.
Madaldal ka pa. Kaya nagagalit sayo sila tita Verna.
Kasi ikaw lang lage ang love nila.
Bakit ako hindi.
Si lola lage kang binibigyan ng pera. Minsan tinapay pa.. Nakita ko din pag natitimpla si lola ng gatas sa hapun..
Yong kalahati binibigay sayo.. Tinitira nya talaga para sayo. Eh ako.
Si lolo lang. Kasi taga hilot ako ng paa nya. Kasi May rayuma sya.
Eh anung gagawin ko.
Bakit masama ba magtanung ate.
HINDI tayo magkapatid.
Ewan ko sayo lulu.. Ang dami mong daldal.
Sila kasi may mama at papa.
Si tita nga kinikiss pa ni lolo. Gusto ko din ng ganun.
Oh kinikiss ka naman ni lolo ahh.
Gusto ko Yong papa at mama.
Basta pag laki ko. Di ako tutulad sa kanila.
Hindi talaga. Promise ate..