Larby Twenty Minutes Before Agatha's Death "Luv." Agatha snaked her arms around my body. "Mahalaga ba iyang sasabihin mo? Bakit may pa-meet at the roof top ka pang nalalaman?" She chuckled. Bumuga ako ng hangin. Mami-miss ko 'to. Mamimi-miss ko ang yakap niya. Ang pakiramdam ng kanyang mainit na katawan sa tuwing dumidikit siya sa akin. Mami-miss ko siya. Sobra. Sobra pa sa sobra. Ito na marahil ang huling pagkakataon na yayakapin niya ako nang ganito dahil sa napili kong desisyon. Matapos nito, hindi na niya talaga ako mamahaling muli. I pull away from her hug. Bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa aking mukha. Halata ang pagtataka niya sa aking ginawa. Huminga muna ako nang sobrang lalim bago magsalita. "Let's break up." Umawang ang kanyang mga labi. Napapakurap, na

