Cath Twenty One Days After Agatha's Death Napaawang ang aking bibig. Kasunod noon ay walang ano-ano kong binuksan ang pintuan ng cabinet. Bumungad kami ni Luigi sa nanlalaking mga mata ni Stephanie. "Anong ginagawa niyo dito?!" Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkabigla. Ang kaninang pag-asa ko na mabilis na naming mabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Agatha ay napalitan ng pagkalito dulot ng mga narinig ko mula kay Lucas. Naglaho ito na parang bula at nakakalungkot na baka hindi ko na ito maibalik pa. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Para bang nakulong ako sa kwentong puno ng plot twists. Hindi ko na rin alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan ko o kung kailangan pa ba akong magtiwala sa kahit na sino man. "Totoo ba ang narinig ko, Lucas?" Nanghihina ang aki

