Larby Five Days Before Agatha's Death Lumipas ang mga buwan ay patuloy kong hinintay ang tamang oras kung saan tatanggapin na uli ako ni Agatha. Hindi naman naglaon ay natanggap ko namang muli ang matamis niyang oo. Sobrang saya ko. I really can't believe that she finally said yes for the second time. This time, hindi ko na talaga siya papakawalan kahit anong mangyari. This is my second and probably, my last chance, I really won't put this chance into waste. You Good morning, luv! Mabilis na lumabas ang tatlong dots na nangangahulugang nagtatype na rin siya ng irereply sa akin. Nakangiti ako nang malawak habang hinihintay ang kanyang reply. Feeling ko nga ay parang mapupunit na ang aking labi sa sobrang lawak ng pagkakangiti ko. Luv Good morning, luv. How's your sleep? Napanagi

